Hindi ako magkaintindihan kung alin ang uunahin kong hawakan. Kung yung ulo ko ba na nauntog o yung pwetan kong lumagapak sa sahig. "f**k! Are you hurt!" Binuhat niya naman agad ako nang makita niya akong natumba at dinala sa kama. "Medyo. Nabukulan pa yata ako..." mahinang sambit ko nabang hinahaplos ko ang part na nauntog ng pintuan. "Ano ba kasing ginagawa mo sa likuran ng pinto?" "Uhm... ano... hahanapin sana kita." "Ella, I am not leaving you, kagaya ng iniisip mo, okay? May mga urgent lang talaga na kailangan kong asikasuhin." Hinaplos niya ang ulo ko na nauntog. "f**k! Hindi ka kasi nag-iingat!" Umalis siya sa tabi ko. Lumapit siya sa telepono at nagpadala ng ice bag. Pagkarating ay inilapat niya agad sa noo ko para daw mawala agad ang bukol. Bawat kilos niya ay naka

