Chapter 3

2006 Words
"S-sorry po talaga, Sir Shawn, pero kailangan na po naming umuwi ng inay. Maggagabi na po kasi." Yumuko ako at nagmamadaling lumabas na ng kanyang kwarto. Para bang hihiwalay na ang puso ko sa loob ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. First time kong makakita ng katawan ng lalake tapos half naked pa at tanging tuwalya lang ang nakatapis. Isa pa, bakit siya naligo gayong alam naman niyang dadalhan ko siya ng pagkain. Tila ba iba si Señorito kapag kaharap ang karamihan at iba rin ang pagkatao niya kapag kami lang dalawa. Dapat na ba akong matakot sa kanya? Paano pala ang request ni Señora na ako ang magsilbi sa kanya? Pagkababa ko ng hagdan ay ikinalma ko ang aking sarili. Ayaw kong makita ako ni inay na labis ang kaba dahil baka kung ano ang isipin niya. Isa pa, ayaw ko rin na makadagdag pa sa kanyang isipin. "Oh, anak. Nandyan ka na pala. Halika na. Magpapaalam na tayo kay Señora. Naroon siya sa hardin." "Uh-o-opo, inay!" Patakbog lumapit ako kay inay at sumabay sa paglakad nito. Mabuti naman at uuwi na kami dahil kung mag-i-stay pa kami ng mas matagal ay baka magkita ulit kami ni Sir Shawn. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya. Hays! "Uhm, Señora. Uuwi na kami ni Ella," paalam ni nanay rito. "Oh, siya, sige. Mag-iingat kayong dalawa, ha?" "Opo, Señora. Kayo rin po. Mag-iingat rin po kayo sa flight nyo bukas ng umaga." "Maraming salamat, Maribeth. Maraming salamat sa pagsisilbi mo sa akin. Mamimiss ko ang luto mo," wika pa ni Señora. Ngumiti naman ng matamis si nanay. "Naki, sigurado po akong mas masarap magluto ang taga roon kesa sa akin," pa-humble na wika ni nanay dahil sanay na rin siya sa palaging sinasabi ng Señora sa kanya. Oo nga pala. Bukas na nga pala ang alis ni Señora. Kelan kaya ulit siya babalik? Paalis na kami ng biglang tawagin ni Señora si Nanay. Hindi naman na ako sumama papalapit at naghintay na lang ako sa pwesto kung saan kami inabot ng mga paa namin kanina. Hindi ko maintindihan o baka guni-guni ko lang. Nagtataka kasi ako dahil habang nag-uusap sila ay nakatingin sila sa akin habang ako naman ay bahagyang ngumingiti sa kanila. Kalaunan ay inalis ko ang tingin ko sa kanila. Inilipat ko ang mga mata ko sa mataas na bubong ng bahay. At hindi ko inaasahan na matatanaw ko si Sir Shawn. Nasa balkonahe siya. May hawak siyang cellphone habang nakalapat sa tainga at mukhang may kausap. Nang bigla siyang lumingon ay nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya naman bigla akong napaiwas ng tingin at hindi ko na inulit. Bakit naman kasi ang tagal mag-usap ni Inay at Señora? Ano ba kasing pinag-uusapan nila? Naiinip na ako at hindi ko rin maintindihan kung bakit sumulyap ulit ako sa balkonahe ni Sir Shawn. Mabuti na lang at wala na siya doon kaya nakahinga ako ng maluwag. Baka kasi mahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya. Ewan ko ba. Medyo curious lang siguro ako pagdating sa kanya. Nang sa wakas ay natapos na rin ang pag-uusap nila. Lumapit na sa akin si inay. Umalis na rin naman ang Señora at pumasok na sa loob dahil dumidilim na ang kapaligiran. "Bakit ang tagal nyong nag-usap? Anong pinag-usapan nyong dalawa ni Señora, Inay?" Interesadong tanong ko. "Wala yun, anak. May mga ibinilin lang siya sa akin na gagawin sa mansion. Nalulungkot nga ako dahil alam kong ngayon na ang huling araw na makikita ko ang Señora," malungkot na saad ni inay. As in malungkot dahil ramdam ko iyon kaya naman napakunot ang noo ko. "Bakit, inay? Hindi na po ba talaga babalik ang Señora?" "Mukhang hindi na. Pero kahit naman bumalik siya ay alam kong hindi na kami magkikita," aniya ni inay na mas lalong nagpagulo ng isip ko. "Ano pong ibig mong sabihin, inay? Aalis po ba tayo?" Ngunit sa halip na sagutin ako ni inay ay hinawakan na niya ang kamay ko. "Bilisan na natin, anak. Baka abutan pa tayo ng ulan sa daan. Mahirap na. Madilim na rin. Baka madulas pa tayo," pag-iiba niya pa sa usapan. At hanggang sa nakahiga na nga ako ay hindi pa rin ako makatulog dahil may bumabagabag sa isip ko. Yun ay ang mga salitang binitawan ni Inay kanina. Kinabukasan ay linggo. Tinanghali ako ng gising kaya naman pagbangon ko ay nakaalis na si nanay. Pero okay lang naman dahil wala rin naman akong balak na sumama muna sa kanya. Nag-inat-inat muna ako ng katawan. Pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya at naligo na ako. Gusto ko kasing simulan ang araw ko na aktibo ang isipan ko. Nang matapos na akong maligo ay inilabas ko na ang lahat ng notebook ko para gawin ang homeworks ko. Sa may beranda ako pumwesto para naman maaliwalas at makalanghap ako ng sariwang hangin mula sa labas. Napapaligiran ang bahay namin ng puno ng mangga at kung anu-ano pa. Mahilig si inay magtanim kaya naman puno rin ng halaman ang paligid namin at ngayon nga ay nagsisimula ng mamulaklak. Ang sarap talagang mamuhay dito sa lugar namin. Bukod sa tahimik na ay sariwa pa ang hangin. Magsisimula na sana akong magbuklat ng notebook ng biglang may tumawag sa akin. "Ella! Mabuti naman at narito ka! Halika! Samahan mo ako sa bayan. Mamasyal tayo saglit!" Aya sa akin ni Mary, kababata ko. Napatayo ako at agad siyang sinalubong dahil minsan lang siya umuwi dito sa probinsya. Simula kasi ng mag-aral siya sa Manila ay doon na rin siya tumitigil. "Umuwi ka pala. Kelan ka pa dumating?" "Kanina lang. Na-miss kita kaya ikaw agad ang pinuntahan ko." "Ganun ba? Na-miss rin kita!" Nagyakapan pa kami ng mahigpit ngunit agad rin naman bumitaw sa isa't isa. "Halika na. Mamaya mo na tapusin ang ginagawa mo. Balik din tayo bago maghapunan." "Pero hindi pa ako nakakapag-paalam kay inay. Baka hanapin ako nun." "Sus! Hindi yun. Mag-iwan ka na lang ng sulat." "Sabagay, mamaya pa naman ang uwi ni inay." Pagpayag ko na rin. Isa pa, minsan lang din ako makakagala na kasama siya. Eksakto naman na nakaligo na ako kaya naman nagpalit na lang ako ng pang-alis kong damit. Simpleng short at t-shirt lang ang isinuot ko. Saka itong doll shoes na binili sa akin ni nanay. Alagang-alaga ko ito at iniingatan ko dahil alam kong kulang si inay sa budget. "Ano? Tara na?" "Oo. Kinuha ko lang itong maliit kong bag." Isinarado ko ang pinto at umalis na kami. Sumakay kami ng tricycle at di kalaunan nga ay nakarating na kami ng bayan. Galante itong si Mary kaya naman kahit saan kami kumain at pumunta ay libre niya lang at hindi ako pinagbabayad. "Sandali lang, Mary. Busog na ako eh." Reklamo ko na dahil binibigyan na naman niya ako ng burger. Ang dami na kasi naming nakain kaya naman parang hindi na kayang tanggapin ng tiyan ko iyon. "Ano ka ba? Konti pa lang yun. Na-miss ko kasi ang mga pagkain dito sa atin. As in iba talaga ang lasa. Halatang hindi tinipid!" "Oh, sige. Pero last na ito. Lakad-lakad na lang tayo," wika ko na lang pagkatanggap ko ng burger. "Uhmm... okay. Doon naman tayo sa tindahan ng mga damit!" "Sige! Mas gusto ko yan!" Pagpayag ko agad dahil baka mamaya niyan ay bumili na naman siya ng pagkain namin. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako makakakain ng hapunan. "Halika! Doon tayo! Ang gaganda ng damit!" Ani Mary. Hinila niya ako kaya napatakbo na rin ako pasunod sa kanya. Pagkarating namin sa bilihan ng damit ay pumili at nagsukat siya pero ako ay nakatayo lang dahil wala pa akong napipili. Isa pa, isang terno lang naman talaga ang kayang bilhin nitong dala kong pera. "Oh? Bakit nakatayo ka lang dyan? Wala ka bang magustuhan?" Tanong ni Mary pagkalabas ng dressing room. "Wala pa eh." "Ganun ba. Lika, lipat tayo!" Muli na naman akong hinila ni Mary. Hanggang sa nakarating nga kami rito sa loob ng isang boutique. Mukhang lalong hindi ko afford dito pero pagpasok ko ay may napili na agad ako. As in ang ganda. Napakaganda. Dress ito at alam kong sakto lang ito sa size ko. "Mary... ang ganda..." namamanghang saad ko na para ba akong naengkanto habang nakatitig sa damit na iyon. "Gusto mo?" Tanong agad ni Mary at parang wala sa sariling tumango agad ako. "Edi bilhin na natin!" Ani Mary. At tila ba doon ako biglang natauhan. "Teka lang! Baka hindi kaya ng budget ko." Pigil ko kay Mary. "Nope! It's on me, okay?" "H-ha? Pero nakakahiya na sa'yo. Ang dami mo ng gastos sa akin." "Ano ka ba? Okay lang nuh? Dahil after ng gala natin na 'to ay hindi ko na alam kung kelan pa ulit tayo magkikita. Umuwi lang ako ngayong weekends pero hindi ko na alam kung kelan ulit ako makakabalik dito sa atin." "G-ganun ba..." hindi ko alam pero bigla rin akong nalungkot. Kagaya ng naramdaman ko sa sinabi ni nanay ay ganun din ang naramdaman ko sa sinabi ni Mary. Bakit pakiramdam ko, lahat sila ay aalis at iiwan akong mag-isa? Binili nga ni Mary ang damit na iyon para sa akin. Pagkatapos naming mamasyal ay hindi na kami sabay umuwi dahil sinundo na siya ng kanyang inay. Paluwas na rin daw sila agad ng Maynila dahil may pasok pa raw siya bukas. Bitbit ko ang binili niyang damit sa akin at naglakad ako papuntang terminal ng tricycle ng biglang may bumusina ng malakas! Nabitawan ko ang bitbit kong damit! At huminto sa unahan ko ang isang magarang kotse kaya napaupo ako dahil sa takot! "Miss? Are you okay?" Boses iyon ng lalake ngunit hindi ako makasagot. "Do you want me to take you to the hospital?" "Miss? Miss?" Nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin at isakay sa kanyang kotse. "T-teka? Saan mo ako dadalhin?" Nahihintakutan na saad ko. "Look, Miss? Don't be scared, okay? I'm Marco. Dadalhin kita sa hospital para ma-check nila if my fracture ka--" "F-fracture? W-wala pong masakit sa akin. Hindi mo ako nabangga. Natumba lang ako." "Ganun ba? Oh, thank God! Akala ko ay nakasagasa na ako. Ikaw naman kasi, bakit ba nasa gitna ka ng kalsada kanila?" Napakunot ang noo ko. Nasa gitna ba talaga ako ng kalsada kanina? "S-sorry po. Sige po. Uuwi na kasi ako." "T-teka, Miss! May itatanong lang ako saglit. Alam mo ba kung saan ang Martinez Mansion?" Martinez Mansion? Teka? Kina Sir Shawn yun ah? "Alam ko po pero doon pa po yun sa pupuntahan ko." "Ganun ba? Sabay ka na sa akin. Hindi ko kasi alam kung saan yun. Baka maligaw ako. Pagabi na rin, baka mahirapan pa ako maghanap," paanyaya nito. "Uhm... kapatid ka po ba ni Sir Shawn?" "Shawn Martinez? Do you know him?" "Yes po. Maid po sa mansion ang aking inay." "Oww... I knew it. But, no. He's not my brother. He's my cousin." "Ahh. Pinsan ka po pala niya. Bakit hindi mo alam ang bahay nila?" "Matagal kasi kaming hindi nagkita nun. Never pa ako nakapunta sa mansion nila dito sa probinsya." "Ahh. Okay po. Huwag po kayong mag-alala. Malapit na po yun dito." "Sige, ituro mo lang sa akin ang daanan papunta doon," anito at nagmaneho na. Hays. Sa dami-dami ng makikita niyang magtuturo ay bakit ako pa? Tahimik lang ako habang nagmamaneho siya. Paminsan-minsan ay tinititigan ko siya at napansin kong may hawig nga rin siya kay Sir Shawn. Siguro sa ilong at sa mata. Gwapo rin si Sir Marco. Siguro ay nasa lahi na nila ang ganitong genes. "Nagkita na ba kayo ni Shawn?" Bigla ay tanong nito. "Uh-opo. Kahapon po. Kami po ni inay ang nagsilbi sa kanya." "So, nakita ka na niya ng malapitan?" "Opo. Ako po ang pinagdala niya ng pagkain niya kahapon sa silid niya." Inosenteng sagot ko sa lahat ng tanong niya. Nakita ko ang natatawang reaksyon niya pati na rin ang pag-iling niya. "Kung ganun ay mas nauna siyang makita ka, kesa sa akin. I'm late." Mahinang sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD