"S-sino k-kayo? A-anong k-kailangan n-nyo sa akin?!" Tapang-tapangan na sabi ko pero ang totoo ay nanginginig na ang katawan ko sa takot. Unti-unti ay humahakbang ako patalikod kada hahakbang sila papalapit sa akin. "Hindi mo na kailangang malaman, Miss... Tsaka huwag kang mag-alala. Masasarapan ka naman sa gagawin namin, eh..." wika nung mukhang lalakeng kalbo na animo'y hayok na hayok sa laman. Mukhang mga lasing na rin sila. Kulay pula pa ang mata na para bang hindi natulog ng isang buwan. "N-nagkakamali kayo. Hindi ako ganung klase ng babae..." umiiling ako habang tumutulo na ang luha ko. Nakakatakot sila! Para bang kakainin nila ako ng buhay! "Pre, oh? Hindi daw siya ganung klase ng babae? Aba! Birhen pa yata! Jackpot tayo! Bilisan na natin!" Napayakap ako sa aking sarili. Mai

