"You look stunning." Papuri niya matapos akong pagsuotin ng fitted na dress na kulay itim. "Saan ba tayo pupunta? Bakit ganito ang ipinasuot mo sa akin?" Masyado kasing kita ang kurba ng katawan ko lalo na ang maputing kulay ko. Hindi ko rin alam kung bakit maputi ang kulay ng balat ko gayong hindi naman maputi si inay, o dahil sa bilad lang si inay sa araw kaya naging morena ang kutis niya. "Sa bar--" "B-bar? Ano namang gagawin natin dun?" "Tss! Halika na nga. Bakit ba laging ang dami mong tanong?" Hinagilap na niya ako at ipinulupot na ang kanyang braso sa bewang ko. Sabay na kaming naglakad paibaba. Simpleng pulbo at lipgloss lang ang inilagay ko sa labi ko kaya nag-aalangan akong pumunta sa mataong lugar. "Shawn?" Agaw pansin ko sa kanya ng makasakay na kami sa kotse. "H

