"Oh, ano? Magseselos ka pa?" Bulong pa niya sa akin habang kumakain kami. Paglabas nga namin ay naka-serve na ang mga pagkain na inorder namin. Talaga namang nakaramdam na ako ng gutom kaya kumain na agad ako. "Hay naku, Shawn. Huwag mo na ngang uulitin yun..." "Huwag ka na rin magseselos..." he smirked at me. Kainis siya! Sino bang nagsabi na nagseselos ako? Hindi na ako nagsalita at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko. Pero ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano itatago ang pagseselos. Gayong kahit na nagtanong lang naman ako kung maganda yung babae, inisip na agad niya na nagseselos ako dun. Curious pa ako kung anong sinabi niya dun sa manager na kausap niya kanina. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa bilihan ng phone. Sa Apple Store kami pumunta.

