Kakatapos ko lang i-prepare ang magiging hapunan ni Sir Shawn ng bigla akong lapitan ni Aling Sonia. "Para kay Sir Shawn ba yan?" Tanong pa nito sa akin. "Opo, Aling Sonia. Ito po ang sinabi niya na gusto niyang hapunan ngayon." "Ganoon ba. Eh, bakit dalawang plato yata ang may laman?" Nagtatakang tanong nito. At sa puntong ito ay hindi ko rin alam ang isasagot ko kay Aling Sonia. Pero tila ba savior ko si Sir Marco dahil bigla itong dumating dito sa tabi ko. "Para sa akin ba yan?" Tanong pa nito. "Magandang gabi, Sir Marco," bati pa ni Aling Sonia. "Good eve din po. And to you, Ella," medyo dinagil pa niya ang balikat ko. "Sa'yo din po, Sir Marco." "Para sa akin ba ang isa nito? Thank you, ha! Mukhang masarap!" "Uh-opo! Sige po! Kunin mo na po itong isa. Ipinaluto po yan

