"Yup! Of course, I know her!" Tila ba nagmamalaki pang sabi ni Sir Marco. Kumunot naman ang noo ni Sir Shawn sabay tingin sa akin. "How did you know him?" Tukoy niya kay Sir Marco. "Uhm... Napagtanungan niya lang po ako kung saan ang Mansion ng Martinez." "That's it?" Paninigurado pa niya. Mukha ba akong nagsisinungaling? At tsaka ano namang masama kung magkakilala kami ni Sir Marco? "Yes po, Sir Shawn." Nang sabihin kong yun lang talaga ay tila ba parang nakahinga siya ng maluwag. As in mabigat ba sa pakiramdam na makilala ko ang kamag-anak niya? "Come on, Shawn. As if criminal naman ako para iiwas mong makilala ako ni Ella." "Tss! Wala namang problema na makilala mo agad si Ella. Basta hanggang dun na lang yun, Marco. And I know you know what I mean," ani Sir Shawn na pa

