Chapter 5

1510 Words
Kakatapos lang ng libing ni inay at ipisundo na agad ako ni Sir Shawn. Ipinakuha na rin agad niya ang lahat ng gamit ko sa dating bahay namin ng inay ko at wala ni isang itinirang gamit ko doon. Ang tanging naiwan lang doon ay ang mga damit ng inay ngunit sinabi ni Sir Shaw na idodonate na lang daw iyon sa mga nangangailangan. Nalulungkot akong iwan ang bahay namin ngunit wala akong magawa dahil wala pa akong sapat na kakayahan upang tumayo sa sarili kong paa. Nangako rin sa akin si Sir Shawn na pag-aaralin niya ako hanggang sa kolehiyo hangga't nasa puder niya ako. Sinabi ko rin naman na pagtatrabahuhan ko ang pag-pagpapaaral niya sa akin sa pamamagitan ng pagsisilbi ko sa kanya kagaya ng napagusapan namin noon ng kanyang ina. Nabasa ko na rin ang sulat ni inay na ibinigay sa akin ni Sir Shawn noon. Nakalagay nga doon na ipinakiusap niya ako kay Sir Shawn na pag-aralin ako hanggang sa makapagtapos lang ako. Nagtataka nga ako kung bakit wala man lang ibang mensahe doon si nanay dahil may iba akong nais na malaman pa. Ang tungkol sana sa aking itay. Siguro ay biglaan lang talaga ang lahat ng nangyari ngunit sinabi niya naman sa akin na palagi akong mag-iingat at palagi kong aalagaan ang aking sarili kapag nawala na siya. Nakakalungkot mang isipin pero kailangan kong tanggapin na wala na talaga ang inay ko at ang tamang gawin ko na lang ay ipagpatuloy ang buhay ko. "Sir Shawn, narito na po si Ella," pabatid nung isang maid. Pagdating ko ay eksaktong kumakain si Sir Shawn ng hapunan at bahagya siyang huminto ng pagkain ng marinig ang sinabi ng kanyang maid. "M-magandang hapon po, Sir Shawn..." pagbibigay galang ko. "Maupo ka at kumain, Ella. Rita, pakidala mo ang bag niya sa kanyang silid." "Opo, Sir Shawn." Kinuha nga ng maid ang bitbit kong bag sa akin. Sumenyas naman si Sir Shawn na kumain na ako pero hindi ako sumusunod. Nahihiya kasi akong sumabay sa kanya ng pagkain lalo at alam kong maraming nakatingin sa paligid. Isa pa ay magiging amo ko siya. "M-mamaya na lang po ako, Sir Shawn," nahihiyang sambit ko. "Why? My problema ba? Sit. Let's eat, Ella." Mapilit na saad ni Sir Shawn. "Pero Sir Shawn. Pwede naman po akong kumain pagkatapos nyo--" "Don't mind me here. I know you're hungry. Come on. Let's eat." Mahinahong saad pa rin niya. Bigla naman akong nahiya dahil sa pamimilit niya kaya umupo na rin ako. Wala akong nagawa kundi ang sabayan siyang kumain. Tahimik lang din siya kagaya ng pagtahimik ko at pagkatapos nga niyang kumain ay tumayo rin siya agad. "After you eat, bring me coffee to my study room." "Okay po, Sir Shawn." "Don't make me wait, Ella." "Yes, Sir Shawn." "Good girl." Pagkaalis niya ay binilisan ko na ngang ubusin ang aking pagkain. Mag-iimis pa sana ako ng pinagkainan ko ngunit mabilis na inagaw ito sa akin isang babaeng may edad na. "Ako na ang bahala diyan, Ella. Ipagtimpla mo na ng kape si Sir Shawn at dalhin mo na kaagad sa kanya." Tumango naman ako at dumiretso na agad ako sa kusina. May coffee maker naman pero mas ginusto kong ipagtimpla siya sa mano-manong kamay ko. Sanay naman akong magtimpla ng kape dahil paminsan-minsan ay inuutusan rin ako ni nanay sa pagtitimpla siya. At muli ay naalala ko na naman si nanay kaya bigla na naman akong nakaramdam ng matinding kalungkutan. Pagkatapos kong timplahin ang kape ay agad ko na itong dinala kay Sir Shawn. Bahagyang nakabukas na ang pintuan kaya alam kong naroroon siya. "Sir Shawn, ito na po ang kape mo." Magalang na saad ko. "Pakidala mo rito sa table ko." Lumapit ako sa table niya at maingat na inilagay doon ang kape niya. Kaagad naman niyang inilapag ang kanyang binabasa at kinuha ang kape. Hinipan niya muna ito at agad na hinigop ngunit nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya itong ibuga! "The f**k! Is this a coffee?" Pagalit na sigaw nito. "P-po? B-bakit po?" Natatarantang sabi ko. Hindi ko na rin kasi natikman iyon bago ko dalhin sa kanya. "You want to know the taste of your brewed coffee? Here! taste it!" Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang kape na tinimpla ko para kay Sir Shawn at pagtimik ko nga niyon ay agad akong napangiwi dahil sa sobrang pait ng lasa. Hindi ko naman magawang ibuga dahil nasa harapan ko si Sir Shawn. Naalala kong hindi ko na nabilang kung ilang kutsara ng kape ang nailagay ko at hindi ko pa yata nalagyan kahit kaunting asukal man lang. "S-sorry po, Sir Shawn! M-magtitimpla na lang po ako ulit!" Yumukod ako sa kanya at tumalikod na. Eksaktong palabas na sana ako sa pintuan ng bigla niya akong tawagin at pabalikin. "No need. Just come here. We need to talk." Napahinto ako sa paggalaw ko. Unti-unti akong umikot at humarap sa kanya saka ako dahan-dahan na naglakad pabalik sa table niya bitbit pa rin ang kapeng singpait ng buhay ko. "Maupo ka," aniya. Umayos siya ng upo at pinagsiklop ang palad niya saka ipinatong sa ibabaw ng table niya na para bang napakaseryoso ng aming pag-uusapan. "Ano pong pag-uusapan natin, Sir Shawn?" Interesadong tanong ko. Isang linggo na rin akong absent sa eskwelahan ko. Second year college pa lang ako at ilang taon pa ang bubunuin ko para makapagtapos ako ng pag-aaral ko sa kolehiyo. "You're at your second year of college, right?" "Yes, Sir Shawn." Mahinang tugon ko. "From now on, ako na ang bahala sa pag-aaral mo." "Maraming salamat po, Sir Shawn--" "But! I have conditions that I want you to follow." "Conditions po?" "Yes, may problema ba tayo dun, Ella?" "W-wala po," tugon ko kasabay ng pag-iling ng aking ulo. "What I want while you're studying is that you're not allowed to have a boyfriend. You're not allowed to hang out with any guy. Night out is not allowed and I want you to go home immediately after class." Biglang napakunot ang noo ko. Bakit parang ang dami namang bawal? Samantalang nung nabubuhay pa si Inay ay mas gusto niya akong gumala pero dapat alam ko daw ang limitasyin ko. Ako lang ang may ayaw. Pero ngayon? Bakit parang ayaw ko ng pinagbabawalan ako? "Pero, Sir Shawn--" "Any objections, Ella?" Natigilan ako. Dapat nga ba akong magreklamo sa nais niya? Syempre, hindi. Dahil siya na ang guardian ko ngayon at siya na rin ang magpapaaral sa akin. Siguro naman after graduation ay hindi na siya magiging ganito kahigpit sa akin at hindi na niya ako pagbabawalan sa lahat ng gusto kong gawin. Siguro ay gusto niya lang masigurado na makakapagtapos ako kagaya ng pangako niya sa akin ina at hindi masasayang ang lahat ng gagastusin niya sa akin. "W-wala po, Sir Shawn. Susundin ko po ang lahat ng bilin nyo." "Okay. Good girl, Ella," aniya ngunit maliit na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na mas magiging mahigpit pa pala siya kesa sa aking yumaong inay. "Uhm... may ipag-uutos pa po ba kayo?" "Wala na. You may go, Ella. Goodnight." "Okay po, Sir Shawn." Tumayo na ulit ako at binitbit ko na ulit ang kapeng mapait na nga tapos lumamig na rin. Paa ko na ang ginamit kong pambukas ng pintuan dahil hawak ng dalawang kamay ko ang tray. "Uhm... Ella..." At muli na naman akong napahinto sa pagtawag niya. Akala ko ba ay wala na siya iuutos? "Ano po yun, Sir Shawn?" "Always look at me when I talk to you, okay?" Natahimik ako at napahinga ng malalim. Naalala kong sinabi niya pala din yun sa akin noon. Hindi ko lang masunod dahil mas gusto kong may paggalang pa rin sa kanya everytime na kinakausap niya ako kaya naman palagi akong bahagyang nakatungo sa harapan niya. "Okay po, Sir Shawn." Walang pagtutol na saad ko. Nakalimutan ko naman agad ang sinabi niya at napatungo na naman ako. Nagulat na lang ako ng pag-angat ko ng ulo ko ay nasa unahan ko na agad siya! "Kakasabi ko lang. Nakalimutan mo na agad?" "P-po? S-sorry po!" At yumukod na naman ako bilang paghingi ng tawad. Hanggang naramdaman ko na lang ang kamay niya sa baba ko. Unti-unti niyang iningat ang ulo ko at tinitigan ako sa aking mga mata. Nailang akong bigla kaya naman naging malikot ang mga mata ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako makakatitig kagaya ng pagtitig niya sa mga mata ko. "Look straight into my eyes, Ella..." seryosong sabi niya. "O-opo!" Pagtingin ko ay titig na titig siya sa akin. Tumindi ang kaba sa puso ko. Napakabilis na ng kabog nito. "Alam mo bang napakaganda mo, Ella?" Mahinang sambit nito. Idagdag mo pa ang sunod-sunod na paggalaw ng adams apple niya. "S-sir Shawn..." parang timang na sambit ko... Nagulat na lang kami pareho ng biglang may magsalita sa gilid namin. "Hey guys? Am I interrupting something?" "Sir Marco?" "Oh? Is that you, Ella?" "Magkakilala kayo?!" Ani Sir Shawn na biglang nag-iba ang timbre ng tono ng boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD