
"Case Dismissed. This court is adjourned."
“All rise.”
Hinayaan kong umagos ang saganang luha mula sa mga mata ko habang sinusundan ng tingin ng pag-alis ng judge. Sa wakas! Matapos ang anim na buwang pagdurusa mula sa kasalanang hindi ko naman ginawa… napatunayan ko na rin sa hukumang ito na inosente ako.
God knows that I can't and I will never do such things.
"Mamatay tao ka! You deserve to be hanged till death!"
"Baka ginamitan ng ganda at katawan kaya na-abswelto sa kaso niya."
"Kakarmahin din 'yan."
"Dapat sa kanya, mabulok sa kulungan. Baka sa huli, lahat tayo patayin na ng babaeng 'yan!"
Iniyuko ko ang aking ulo at tahimik na linunok ang masasakit na salitang binabato nila sa akin.
Killer.
Murderer.
Psychopath.
Ilan lamang sa mga salitang iyan ang tawag ng lahat sa akin. Hindi rin ako sigurado kung bakit ang dating tinitingala at ginagalang na Eloisa Serdantes ay isa nang kriminal sa mata ng lahat ng tao.
“It's okay. You know the truth.” Mahinang bulong sa akin ng isang lalaki na kahit sa panaginip, hindi ko inaasahang magpapagaan ng kalooban ko. “You never killed anyone, right?” Hindi ko magawang sumagot sa tanong niya kahit pa iyon ang matagal ko nang pinaglalaban. He smiled and offered his right hand. “Helping you means ending my own career, but I'm glad that the truth is finally out.”
Instead of accepting his hand, I hugged him. Ramdam ko ang bahagyang pag-stiff ng kanyang katawan pero hindi ko na iyon pinansin. “T-thank you.” bulong ko at sa unang pagkakataon mula nang magkakilala kami, I let myself burst into tears kahit pa nakamata pa rin sa akin ang lahat. “But this is not the end. I promise.”
Kahit pa napawalang sala ako, hindi pa tapos ang laban. Gusto kong mapatunayang inosente ako.
Gusto kong linisin ang pangalan ko.
Higit sa lahat, gusto kong mahanap ang totoong kriminal na pumatay sa kaibigan ko.

