CHAPTER 01

1131 Words
“This year's Gawad Parangal for Best Actress Award Category goes to…” Pikitmata akong yumuko habang mahigpit na nakahawak sa kamay si Sky, my bestfriend who also happened to be my leading man for this movie. Pareho kami na naminado para sa Best Actor and Actress pero nauna nang nai-announced ang sa catergory niya. He won and I am so proud of him. Saksi ako sa paghihrap niya para sa movie. And besides, he is known for being the Nation's Good Son. The public loves him so much dahil bukod sa pagiging magaling na artista, kilala din siya at ang buong pamilya niya bilang mga Public Servant. “Nervous?” mahina niyang bulong kaya mabilis akong tumango. “Sus! I-claim mo na. Ang galing mo kaya!” Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi dahil masyado na akong distracted gawa nang nabibingi na ako sa aobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Idagdag pa na bigatin ang mga katapat ko. “Ms. Eloisa Serdantes, The Healer! Congratulations!” ‘Imagination ko lang ba 'yon? Hallucination? Tinawag ba talaga ang pangalan ko?’ Hindi ko alam ang ire-react ko dahil hindi ako sigurado kung tama ba yung pagkakarinig ko. Masyado kasing mabilis, e. Plus the cheering of the crowd becomes louder that I wasn't able to comprehend anything. “Eloisa? Hey? You won!” sigaw ni Sky habang niyuyugyog ang balikat ko. “Hey!” “Huh?” Nanginginig kong tanong habang titig na titig sa kanya. Tumawa siya bago ako alalayang tumayo at hinatid pa sa hagdanan papunta sa stage. “Nanalo ba ako?” tanong ko pa. “Oo nga! Hurry! They're waiting!” Todo ngiti niyang sagot kaya noon lang nagsink-in sa akin ang nangyayari. ‘Nanalo ako. Best Actress!’ Nagmamadali akong pumanhik sa stage habang bitbit ang laylayan ng kulay puti kong gown. Tama nga siguro yung sinabi ng stylist ko, kay kalakip na goodluck ang pagsusuot ko ng puti. “Thank you,” bulong ko sa staff na umalalay sa pagpunta ko sa gitna, napansin niya siguro na medyo nahihirapan ako sa pagdala ng damit ko. He smiled at me and gave me a golden trophy which engraved the words ‘Best Actress’. My very first major award! I faced the huge crowd while holding the trophy tightly. I bowed my head and smiled before I deliver my speech. “Thank you so much for this award. To Gawad Parangal, thank you. Direk Dan, salamat po sa opportunity. To my The Healer production family, we made it po. Sky… thank you. Thank you kasi ginawa mo ang lahat para makumbinsi ako na mag-audition. Salamat kasi palagi kang naka-alalay sa akin sa bawat eksena natin. And of course, sa fans ko, alam ko na hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa inyo. Maraming maraming salamat po!” Sunod-sunod kong pagpapasalamat sa mga taong tumulong sa akin. Pilit ko pang pinigilan ang umiyak dahil palagi na akong nakikita ng mga tao na umiiyak sa bawat pelikula at serye na ginaganapan ko. Gusto ko, this time makita naman nila akong nakangiti. Muli akong yumuko bago lisanin ang stage. Halos madapa ako sa pagmamadaling makabalik sa upuan ko. Sunod-sunod din ang pagpapasalamat ko sa bawat madadaanan kong bumabati at pumapalakpak sa akin. “Congrats!” bati sa akin ni Sky at sinalubong pa ako nang mahigpit na yakap. “Sabi ko sayo, e.” “Totoo ba 'to? Nananagip yata ako, e.” bulong ko habang nakatitig sa trophy na hawak ko. “Hay nako. Umpisahan mo nang maniwala dahil totoong-totoo ang lahat. You won and you deserved it,” sagot pa ni Sky at pinisil ang matambok kong pisngi. “Thank you for mentioning me in your acceptance speech.” “Of course naman. What friends are for?” “Awts. Ang galing talagang mang-friendzone, e.” aniya kaya natawa ako. Sky has been sending me signals that he likes me, but I keep turning him down. He is a good person pero hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Sadyang hindi ko pa priority ang lovelife dahil kasalukuyan akong na nasa peak ng career ko. As much as possible, I don't want to have any distractions. *-* Pumwesto ako ng upo sa pinakasulok na table at doon dumukdok. Masyado nang maingay ang paligid, idagdag pa na nakakaramdam na ako ng pagod at antok dahil papalalim na ang gabi. After kasi namin sa Awards Night, dumiretso na kami sa isang club na rinentahan nila Direk Dan para sa celebration party namin. Nagawa kasi naming hakutin ang halos lahat ng awards sa category ng movie making, kaya tuwang-tuwa ang mga producers ng movie. Treat daw nila ito sa amin. Sa totoo lang, hindi ako ma-party na tao. Mas gugustuhin ko na magbasa at mag-momerized ng script kaysa magpakalasing sa labas.Kung pwede nga lang sana na umuwi na, iyon ang gagawin ko para naman magpahinga na ako. Nakakahiya lang kasi kay Direk at sa mga producer kung hindi ako magpapakita dito, e. “Oh? Bakit nagsosolo ka dito?” Nag-angat ako ng ulo at sinalubong ang tingin si Sky. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa paiba-ibang ilaw sa loob ng club, pero parang namumula na siya. Napatakip naman ako ng ilong nang maupo siya sa tapat ko. Naghalo na kasi ang amoy ng matapang niyang pabango, usok at alak. “Mukhang nakarami ka na, ha?” puna ko at inalis pa sa kamay niya ang bote ng beer na halos napangalahati na niya. “Baka hindi ka na maka-uwi? Nasaan yung driver mo?” “I'm okay. I'm not drunk yet!” sagot niya kahit pa halos bumabagsak na ang talukap ng mga mata niya. “Ikaw? Bakit hindi ka umiinom? Dapat nagse-celebrate ka din!” “I'm good,” matipid kong sagot. Actually, I had two glasses of champagne already. Medyo mababa ang alcohol tolerance ko at ayokong makipagsabayan sa mga kasamahan ko. Baka sa huli, pare-pareho kami na hindi makauwi nang maayos. Kapag kasi ganito na nagkakasiyahan ang lahat, hinahayaan ko ang manager at assistant ko na maki-party dahil alam ko na kung napagod ako sa trabaho, ganoon din sila. They deserved to have fun as much as I do. “Birthday ng anak ni Mang Cardo ngayon, e. Ayoko naman na abalahin pa siya,” aniya habang nakapangalumbaba at nakatingin sa akin. Si Mang Cardo yung personal driver niya. “Edi wag mong abalahin. Sumabay ka na sa amin ni Coco. Madadaanan naman namin yung condo mo, e.” “Nako, wag na!” Mabilis niyang tanggi. “Alam mo, hindi din naman ako mapapakali kung hahayaan kita nang mag-isa. Pumayag ka na kasi.” “Eh nakakahiya naman sayo,” sagot niya. “Ako itong lalaki, ako pa ang ihahatid mo? Major turn off 'yon!” “Turn off ka d'yan! Parang tanga lang?” Natatawa kong tugon at ginulo pa ang buhok niya. “Basta, sa ayaw at gusto mo isasabay na kita pauwi. Hintayin lang natin sila Coco at Mia.” “Hehe. Thank you, Eloisa. The best ka talaga!” aniya bago tuluyang bumagsak ang ulo sa lamesa. ‘Hindi pa daw siya lasing sa lagay na 'yan, a?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD