CHAPTER 02

1125 Words
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga matapos ipasok sa sasakyan sina Coco at Mia. Katulad nang inaaaahan, lasing na lasing silang pareho. “Eloisa, are you sure? Kakayanin mo ba silang tatlo?” tanong ni Direk Dan habang nakatingin kila Sky, Coco at Mia na kapwa nahihimbing na sa pagtulog sa loob ng van. “Ako na pong bahala, Direk.” Nakangiti kong sagot bago magpaalam sa kanya. Sumakay na ako sa driver's seat at nagmaneho na papaalis. “Eli…” tawag sa akin ni Sky kaya sinilip ko siya mula sa rearview mirror. Nanatili siyang nakapikit kaya sa tingin ko, nananaginip lang siya. “Eli…” “Uhm?” “I'm proud of you…” aniya kaya napangiti ako. “I know that you'll do well no matter what happened..” “You too, Sky. I'm proud of you, too.” sagot ko. Kung may isang tao man akong maituturing na matalik na kaibigan, si Sky iyon. Mabait si Sky. Kwela at masarap kasama. Siya yung masasabi ko na emotional pillar ko dahil sa kanya ko lang din naman nasasabi ang mga worries ko sa buhay. May mga bagay kasi na hindi ko magagawang sabihin sa pamilya ko. Lalo pa nga't tanging ang lola ko na lang ang kasama ko sa buhay. Matagal na kasing namatay ang mga magulang ko. Wala din naman akong ibang kapatid kaya bukod kila Coco at Mia na malayong mga pinsan ko, si Sky lang talaga ang palagi kong nakakasama. Halos magkasabayan kaming nag-umpisa sa pag-aartista. Hindi rin naglalayo ang edad namin kaya't hindi nakakapagtaka na madalas kaming magkasama sa mga projects. Noong una, puro supporting roles lang ang nakukuha namin. Doon kami nag-umpisang makilala ng mga tao. Two years ago nang pinilit ni Sky na mag-audition kami para sa movie na The Healer at swerte naman na nakuha namin ang lead roles. At ito nga, nagawa naming maghakot ng awards. Maingat akong nag-park sa tapat ng building ng condo ni Sky. Sandali lang naman ako kaya hindi ko na ginising sila Coco at hinayaan na lang silang magpahinga. Dahan-dahan kong inalalayan na makalabas si Sky sa sasakyan at saka mabagal na pumasok sa building. “Oh! Ms. Eloisa, kailangan mo ba ng tulong?” tanong sa akin nung guard kaya tumango ako. May kabigatan kasi si Sky, idagdag pa na mas mataas siya sa akin. “Nabalitaan po namin, congrats nga po pala!” “Ay salamat po,” magalang kong sagot bago ilipat sa kanya si Sky. Nagmamadali ko pang pinindot ang floor kung nasaan ang condo unit ni Sky. “Hindi po ba kayo mapapagalitan kung mawawala kayo sa station niyo?” “Ayos lang po, papadating na rin naman po yung karelyebo ko.” sagot niya kaya ngumiti ako. Nang makarating kami sa condo ni Sky, kaagad ko na iyong binuksan dahil alam ko naman ang security code ng unit niya. “Kuya, padiretso na lang po si Sky sa bedroom. Gusto niyo po ng tubig?” tanong ko habang kumukuha ng tubig sa ref. “Hindi na po, ma'am.” aniya bago ipasok si Sky sa kwarto. Nagsalin ako ng tubig sa baso para sa akin since ayaw naman ni manong guard. “Ay ma'am! Sumuka po si sir Sky!” sigaw niya kaya nagmamadali akong pumasok sa loob at tiningnan sila. “Nasukahan din po ba kayo?” “Hindi naman po. Kaya lang yung kama po niya ang puro suka.” “Hayaan niyo na po. Ako na po ang bahala,” sagot ko bago maghanap ng pwedeng ipang-linis kay Sky. “Ay ang sweet niyo po talagang dalawa!” aniya kaya bahagya akong natawa. “Eh, ma'am. Mauna na po ako sa ibaba.” “Sure po. Salamat po, kuya.” tugon ko at hinatid siya sa pintuan. “Ah, maki-tingnan na lang din po muna saglit yung dala kong van.” “Copy, ma'am!” sagot niya at sumaludo pa sa akin bago ako tuluyang iwanan. Isinara ko na ang pintuan at binalikan na si Sky para asikasuhin siya. Nag-gayak ako ng bimpo at maligamgam na tubig. Naghanda din ako ng extra t-shirt niya. “Eli…” “Oh? Binigyan mo pa ako ng trabaho!” natatawa kong reklamo bago maupo sa tabi niya. “Eli… can't you give me a chance? You're all I have…” bubod niya pero hindi ko na siya pinansin dahil lasing lang siya. Ganyan talaga 'yan kapag nalalasing, medyo nagiging emotero tapos patay-malisya kinabukasan. ‘Hay nako. Lagot ka sa akin bukas, Sky.’ bubod ko bago siya linisin. Inalalayan ko muna siya papunta sa couch niya at doon siya inasikaso. Inalis ko din muna ang bedsheet niya dahil nandoon lahat mg pinagsukahan niya at ayoko naman na doon siya matulog. Wala akong makitang pamalit sa kama niya kaya napagdesisyonan ko na sa hayaan nang walang bedsheet. Ngayong gabi lang naman, e. Hindi naman siguro siya magrereklamo, sabi ko nga kaysa naman mahiga siya sa pinagkalatan niya. Nang matapos ako, nagmamadali na akong lumabas ng condo niya at sumakay na sa elevator. Baka nakaka-abala na yung van dahil basta ko na lang naman iyon pinark sa harap. Papasara na yung pintuan nang may kamay na biglang pumigil doon kaya napasigaw ako sa gulat. “Sorry po,” paumanhin ko dahil sinamaan ako ng tingin nung lalaki na sumakay. Inismiran niya lang ako bago magsalita. “Paalis na nga ako. Kapag walang kwenta 'yang sasabihin mo, lagot ka sa akin, Ivette.” banta niya sa kausap at doon ko lang napansin na may nakasalpak palang airpods sa taenga niya. Bahagya akong lumayo sa kanya dahil ayoko namang isipin niya na nakiki-tsismis ako sa usapan nila at mukhang wala siya sa mood makipag-socialized dahil halos magdikit na yung magkabila niyang kilay. ‘Sayang. Gwapo pa naman, kaya lang mukhang masungit.’ sa isip-isip ko bago tingnan ang repleksyon ko sa salamin at nag-practice na lang ng iba't-ibang expression kahit pa nagmumukha na akong ewan. “Tch. Crazy.” Mapanghusga niyang bulong kaya natigil ako sa ginagawa ko. “Sorry. Nagpa-practice lang, hehe.” Awkward kong sagot at tahimik na hinintay ang pagbukas ng elevator. Nag-iwas pa ako ng tingin dahil baka makilala niya ako at ipagkalat pa niya na baliw ako. Nang bumukas ang pinto, nagmamadali pa akong tumakbo papalabas. Wala si manong guard kaya hindi na ako nakapag-paalam at nakapagpasalamat sa kanya. Next time na lang siguro. Sigurado naman ako na babalik ako since dito nakatira si Sky. *-* NAGISING AKO sa sunod-sunod at malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Nagmamadali akong tumakbo at binuksan iyon. “Lola, bakit p—” Hindi ko nagawang tapusin ang dapat sanang magpapatanong ko dahil bigla na lang akong hinawakan ng dalawang lalaki na nakasuot ng uniform ng pulis “A-ano pong nangyayari? Lola? Bakit nila ako kinukuha?” “Ms. Eloisa Serdantes, may dala kaming warrant of arrest sayo para sa kasong pagpatay kay Mr. Sky Sy. You have the right to remain silent.” “S-sandali lang po. A-anong kaso? Pagpatay? K-kay Sky? Sky Sy?” sunod-sunod kong tanong habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nila sa akin. Hindi ko magawang i-proseso ang mga naririnig ko. ‘A-ano bang nangyayari?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD