CHAPTER 03

1049 Words
“Ms. Serdantes, uulitin ko. Nasaan ka kagabi, around 12 midnight to 2AM?” Seryosong tanong ng isang babae na kasamang dumating at nagsundo sa akin kanina sa bahay. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na niyang tinanong sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. “Bakit mo pinatay si Mr. Sy?” Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa nila sa akin ‘to. Noong una, maayos pa nila akong kinakausap. Kinuhanan nila ako ng fingerprints tapos mayamaya, iginigiit na nila na may pinatay daw ako at si Sky pa talaga iyon. “H-hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyo. And please, itigil niyo na 'to.” Mahina kong paki-usap dahil kanina pa ako nakararamdam ng panghihina. Ramdam ko pa rin ang matinding panginginig ng mga tuhod ko. “Is this some kind of prank?” tanong ko pa. Natatandaan ko kasi na nagtrending nitong nakaraan ang pagkakaroon ng pranks online as a video content. Sa ngayon, iyon ang gusto kong paniwalaan, na isang malaking joke lang ang lahat. Masama man yung ginamit nilang biro, mas mainam at katanggap-tanggap iyon kaysa naman sa sinasabi nilang patay na si Sky. “Ano ba'ng akala mo sa nangyayari? Are we a piece of joke to you?” Iritable niyang tanong at binato pa sa mukha ko ang bungkos ng papel na kanina pa niya tinitingnan. “You brutally killed someone last night, don't you dare act innocent in front of me! Impokrita!” sigaw pa niya kaya napahawak ako sa magkabilang tainga ko. “Hindi ko alam kung a-anong sinasabi niyo,” sagot ko ulit habang nakayuko. “Direk… ayoko na. Alam ko pong prank lang 'to. Sige na, panalo na kayo. Natatakot na talaga ako!” Mangiyak-ngiyak ko pang sigaw. “Nagpapatawa ka ba?” tanong niya sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Nasalubong ko ang nanlilisik niyang mga mata kaya tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Wala kasi sa itsura niya na nakikipagbiruan siya sa akin. “And one more thing Ms. Serdantes, hindi ako madadala ng kadramahan mo. Hindi uubra sa akin ang pag-iyak mo.” Tinaasan pa niya ako ng kilay kaya nakagat ko ang lower lip ko. Hindi naman ako basta na lang nagda-drama, e. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. “Ulitin natin sa umpisa, ha? Kaninang alas-nueve ng umaga, natagpuan ang bangkay ni Mr. Sky Sy sa loob ng kanyang condo unit. We’re still looking for the murder weapon, but based on our analysis isang kitchen knife ang ginamit sa pagpatay. Only Mr. Sy and your fingerprint were in the crime scene. Wala ka nang lusot. Just tell us the truth. Nasaan ang ginamit mong murder weapon at ano ang motibo mo sa ginawa mong pagpatay kay Mr. Sy?” “Hindi ko alam! Ilang beses ko bang dapat sabihin na wala akong alam sa mga sinasabi niyo?” Depensa ko. “Ayon sa statements na nakalap namin, ikaw din ang huling tao na nakitang kasama ng biktima bago siya matagpuang patay. How can you explain that?” Mapanghusga pa siyang ngumisi sa akin na para bang sinasabi niyang katapusan ko na. “Magkasama kami kagabi. May celebration party kami dahil nanalo kami ng maraming awards.” Paliwanag ko habang pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. Prank or not, I want them to know what happened. Sa totoo lang, hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari. “Nagprisinta ako na ihahatid na siya pauwi kasi sabi niya, naka-restday yung driver niya, birthday daw ng anak. Hinatid ko siya. Saka inasikaso kasi nagkalat na siya ng suka. He was too drunk. Balak ko pa ngang balikan siya ngayong umaga kasi alam ko na wala siyang makakatulong na mag-ayos sa condo niya, e. I… I have a witness. Yung guard! Tinulungan pa niya ako na buhatin si Sky. Ask him.” Matapang ko pang hamon dahil alam ko naman na wala akong ginagawang kasalanan. Kapag talaga nalaman ko kung sino ang may pakana ng prank na ‘to, mababatukan ko. “Ah… You mean si Mr. Santos? The same man who said na alam mo ang passcode sa condo ng biktima? According to his statement, iniwanan ka niya at si Mr. Sy dahil kinailangan na niyang bumalik sa station niya. Did you take that chance to kill him? O binalikan mo ang biktima para tuluyan siyang patayin?” “Of course not! Bakit ko gagawin ‘yon? Sky is my friend!” sigaw ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko magawang i-proseso ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinsabi niya na wala na si Sky dahil imposible, e. Kasama ko pa siya kagabi. He was with me and we are both happy. “He’s my best friend,” bulong ko pa. “Best friend? Tss.” aniya at mapangutya pa akong tinawanan. Bakas sa tawa niya ang bitterness. “Ms. Serdantes, I’ve handle tons of murder cases before you. Anak, kapatid at magulang? They are all capable of doing horrendous crimes. Kaibigan pa kaya?” “Hindi ako mamamatray na tao!” sugaw ko. “Pinalaki ako ng maayos ng lola ko. Higit sa lahat, Sky is a good person, why would I kill him?” “That’s what I’m asking you, Ms. Serdantes. Between the two of us, ikaw ang mas nakaka-alam ng totoong nangyari. Why did you kill him? May kinalaman ba dito ang naging pagtatalo niyo ng biktima couple of weeks ago?” Natigilan ako sa sinabi niya. ‘Couple of weeks ago?’ “Surprised? Yeah, we know that too. According to your cousin Coco, who is also your driver; Nagtalo kayo ng biktima sa wrap up party ng movie na pinagbidahan niyo, hindi ba?” ‘My God, Coco! Ang sarap mong kurutin sa singit!’ That was too much information already. “That was a misunderstanding!” sagot ko. “Gusto akong ligawan ni Sky and I immediately turned him down. It was never a heated argument!” paliwanag ko pa. Again, if this was a prank… I really hate them all for doing this. Nakakapikon na ako sa kanila. I don’t want to be a kill joy or a b***h here but this is too much. Pagod at nagugutom na ako. “You know what? Just let me have an attorney. Ayaw niyo naman pong makinig sa akin, e.” “Well, if that’s what you want,” sagot niya bago tumayo. “Stupid human rights,” iritable pa niyang bulong bago ako iwanan. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinakalma ang sarili. ‘It’s okay. It’s going to be okay. I am innocent. I have nothing to fear of.’ *-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD