Frustrating.
Kung may isang salita ako na pwedeng gamitin sa sitwasyon ko, frustrating na siguro iyon.
I was left in the interrogation room and I've been waiting for my attorney. Hindi ko alam kung bakit wala pang dumadating gayong dapat kanina pa nagpadala ng tao ang management ng talent agency na pinapasukan ko. Based sa napirmahan kong kontrata, sila ang mag-aasikaso ng tungkol sa mga civil and legal actions na katulad ng ganito.
Mas lalo lang tuloy akong kinakabahan sa sitwasyon ko. Gustong-gusto ko nang umalis dito pero ayaw nila akong payagan. They even handcuffed me as if I was a criminal. Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang tahimik na umiyak. Pakiramdam ko kasi, wala akong kakampi dito.
‘Kung nandito lang sana si Sky.’
Kung nandito siya, sigurado ako na papagaanin niya ang kalooban ko. Katulad ng palagi niyang ginagawa kapag nafu-frustate na ako sa mga eksenang sa tingin ko ay hindi ko nade-deliver nang maayos. Palagi niya akong pinapa-alalahanan na ayos lang ang lahat… na magaling ako at wala akong ginagawang mali.
‘Pero… pero wala na siya. Wala na talaga yata siya…’
Ayoko man na maniwala na patay na si Sky, parang iyon nga ang totoo. Alam ko na hindi nila magagawa na gawing biro ang tungkol sa buhay ng isang tao. Sky is not like that. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pinagpipilitan nila na ako ang pumatay sa kanya.
I mean, bakit ako?
Sky is my friend, my best friend!
And besides, katulad ng sinabi ko, mabuting tao si Sky at wala akong nakikitang dahilan para may gumawa ng ganito sa kanya. I can't even name a single person na pwedeng magtanim ng sama ng loob sa kanya dahil wala sa vocabulary ni Sky ang salitang gulo.
He's a good person. He came from a very respected and loved family. Kilala ang pamilya Sy bilang mga Public Servant na handang tumulong sa taong bayan. Kung hindi ako nagkakamali, bata pa lang si Sky, numulat na siya sa mga gawain ng mga magulang niya kaya naman malaki ang naging impluwensya ng mga ito sa kanya. May sarili din siyang mga proyekto at inii-sponsor-an na foundations na tumutulong sa mahihirap na sektor ng bayan.
Ang akala nga ng lahat, papasukin din niya ang larangan ng politiko kaya marami ang nagulat nang bigla siyang nag-artista.
“I don't need to be in the politics para lang makatulong. Kahit anong propesiyon mo, pwede ka pa ring gumawa ng mabuti sa kapwa mo.”
Those were his words when he was asked about the subject. And because of that, a lot of people supported him. Everyone knows him as a gentle, sweet and kindhearted person that's and everyone admires him. Siya lang siguro ang kakilala kong artista na walang bashers.
That's why I'm having a hard time swallowing the fact that he's gone. That he was killed by someone.
“Paano ba 'yan, Serdantes? Mukhang wala kang abogado na hinihintay dito?” Bungad sa akin nung same na babae na kumausap sa akin kanina. Nakangisi pa din siya habang nakatingin sa akin na para bang ako na ang pinaka-nakakadiring insekto sa mundo. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yumuko. As much as possible, ayokong makita pa niya ang pag-iyak ko. Alam ko na nakatatak na sa utak niya na artista ako at iniisip niya na madali lang sa akin ang pagpatulo ng luha. Ayokong isipin niya na nagpapa-awa lang ako. “Mayroon naman tayong tinatawag na mga Public Attorney, iyon ay kung gugustuhin nilang tulungan ka.”
“Magpapadala ng tao ang mga boss ko. Hindi nila ako papabayaan dito,” mahina kong sagot habang nakayuko pa din. “Inosente ako kaya alam ko na makakalabas ako sa lugar na 'to.”
“Sige lang, kung iyan ang nasa isip mo.” Natatawa pa niyang sagot bago tumingin sa malaking salamin na nasa gilid namin. “Narinig niyo siya? Magpapadala daw kayo ng tao,” aniya na para bang may kausap siya sa kabilang bahagi ng salamin. “Matagal pa ba? Kanina pa kami dito, e.”
“N-nasa kabila sila sir Jules?” tanong ko habang nakatingin sa salamin. Tama. Naalala ko ang existence ng mga two way mirror. Minsan na akong naka-encounter ng ganoon during taping. “Sir! Tulungan niyo ako! Wala akong kasalanan!” sigaw ko pa at wala lang siguro itong posas na nakakabit sa akin, baka nagawa ko pang lumapit at lumuhod sa kanila.. “Sir… please. Hindi ko magagawa kay Sky ang mga binibintang nila sa'kin… sir Jules! Please!”
“Hoy! Kumalma ka nga d'yan! Wala ka sa awards night para i-todo iyang acting mo,” aniya kaya napakagat ako sa lower lip ko. “Ikaw na talaga ang nagwagi!” Mapangkutya pa niyang sigaw.
Bakit ba ang init ng dugo niya sa akin? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na para bang may mas malalim siyang galit laban sa akin. Ngayon ko lang naman siya nakita, pero yung way of treatment niya, sobra na.
‘Legal pa ba 'tong ginagawa niya sa akin?’
Tatlong magkakasunod na katok ang umagaw sa pareho naming atensyon.
“Inspector Salas, dumating na yung abogado ni Serdantes,” sabi nung isang naka-uniform na pulis. Kasunod naman niya ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki. He was wearing a navy blue suit and on his hand was a black attache case. Sa unang tingin, hindi siya mukhang abogado. Mas mukha siyang artista o kaya naman modelo.
“Good evening!” Bati niya sa babae na nag-e-enterrogate sa akin kanina pa. “I'm Atty. Zigmund Park, Ms. Serdantes' lawyer for this case. I'd like to have a few words with my client, privately.” pormal niyang pahayag at tiningnan pa ako. Nang magtagpo ang aming mga mata, he gently smiled at me exposing his perfectly aligned set of teeth.
“But—” She was about to complain but he cut her off.
“You already talked to her for the past fifteen hours. I guess it's my turn now.” Putol pa niya sa akmang pagpo-protesta ni Inspector Salas. “Please give us a moment.”
“Fine,” sagot nito bago magpunta sa pintuan pero bago pa siya tuluyang lumabas, huminto siya at binalingan yung abogado ko. “You're so dumb for doing this Ziggy.”
“I know what I"m doing, Sherleen,” sagot naman niya kaya napakunot ako ng noo. Mukhang magkakilala pa yata silang dalawa. “Kung maaari lang, paalisin mo na din muna yung munting audience niyo.” Dagdag pa niya bago pasimpleng tiningnan ang malaking salamin sa gilid. Tango lang ang isinagot nito bago tuluyang lumabas. Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago lumapit sa akin at naupo na sa katapat kong upuan. “Hi! I'm Atty. Zigmund Park, you can call me Ziggy.” Pagpapakilala ulit niya habang nakangiti sa akin. Nag-alok pa siya ng kamay kaya tinanggap ko iyon.
“Eloisa. Pero Eli na lang,” ganti kong pagpapakilala. Gustuhin ko man na tumbasan ang pagngiti niya, hindi ko magawa nang dahil sa sitwasyon ko ngayon. “I-ikaw ba ang pinadala nila Sir Jules? Buong akala ko, naniniwala sila sa mga ibinibintang sa akin, e. I'm glad that they sent yo—”
“I don"t work for them, Eli.” Putol niya sa sinasabi ko kaya napakagat ako ng lower lip ko. Pinigilan ko ang sarili ko na maging emosyonal dahil alam ko na hindi iyon makakatulong sa akin. “I'm sorry but I don't think that they will help you with this case.”
Muli akong yumuko bago magtanong, “Sino yung kumuha sayo?”
“Let's talk about that later,” aniya. This time nagseryoso na siya kaya nakaramdam na naman ako ng labis na kaba. “Alam mo ba kung bakit ka nandito?”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ayoko kasing ma-misenterpret niya ako. Gusto kong tumango dahil kanina pa nila sinasabi kung bakit ako nandito. Gusto ko din umiling dahil hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasangkot ako sa gulong ito.
“Earlier today, natagpuan ang bangkay ni Mr. Sky Sy. You know him, right?” aniya habang may tinitingnan na papel mula sa attche case na dala niya. Tumango ako bilang sagot. “He was stabbed to death. Base sa ni-released na autopsy report, total of sixty-five stab wounds all over his body.”
Kinilabutan ako sa sinabi niya dahil hindi ko ma-imagine ang maaaring itsura ni Sky. Oo, nasabi na sa akin na brutally killed si Sky pero hindi naman ganito. Mas lalo lang akong naguguluhan tila may malalim na galit sa kanya ang gumawa 'non.
“As of now, hindi pa din nakikita ang ginamit na murder weapon. And so far, all the evidences tleads to one person, which is his co-worker, that is you. He was with you when he was last seen alive. Magkasama kayong dumating sa condo ng biktima. You spent, total of 37 minutes alone with the victim. Can you tell me what happened during that 37 minutes?” seryoso niyang tanong pero walang bakas ng panghihinala sa boses niya. He was calm and somehow, I felt safe.
“I cleaned him up,” sagot ko. “Medyo nakarami siya nang nainom kagabi. Ayoko naman na iwanan siya sa ganoong sitwasyon kaya inasikaso ko muna siya. I left after that.”
“May kasama ba kayong iba habang inaasikaso mo siya?”
“W-wala.” sagot ko. Kung alam ko lang na mangyayari ang mga ito sana pala hindi na ako pumayag na umalis si manong guard.
“Then you don't have any proof to support your alibi.” Komento niya habang nakatingin pa din sa papel. “There are no CCTV footages inside the condo unit too.” Humingi siya nang malalim bago tumingin sa akin. “Hindi iyon maganda para sa side natin.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
“Walang kayang patunayan ang mga salita mo sa ngayon. You are the only suspect for this case. Hindi matibay ang alibi mo at higit sa lahat, may mga witness laban sayo.”
“Witness? If there are witnesses, then more reason that I shouldn't be here. I didn't kill him. Hindi ko magagawa 'yon,” bulong ko. “Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin?” tanong ko matapos siya tingnan nang diretso sa mata.
“Naniniwala ako sayo,” aniya habang nakangiti sa akin. Para akong nakahinga nang maluwag sa narinig ko pero kaagad din iyong nawala nang muli siyang magsalita. “As your lawyer, it's my job to trust you and your statement. Don't worry, Eli. We are on the same boat here.”
Naniniwala lang siya dahil trabaho niya? Paano kung hindi siya ang abogado ko? Katulad din ba ng iba, maniniwala din siya na ako ang pumatay? How about the truth? Hindi ba mas mahalaga 'yon? Hindi ba mas priority nila na malaman kung sino talaga ang may gawa ng lahat ng ito? Someone was brutally murdered and the true killer is still out there.
“Eli? Nakikinig ka ba?” tanong niya.
“S-sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?”
“Ang sabi ko, may kilala ka ba na pwedeng gumawa nito kay Mr. Sy? Nabalitaan ko na malapit ka sa biktima. Wala ba siyang naiku-kwento sayo? Wala ba siyang nakaka-away?”
Mabilis akong umiling.
“Think harder, Eli. Kung gusto mong mapatunayan na wala kang kasalanan, you need to help yourself. Sa ngayon, dalawang bagay lang ang hindi nila magagamit laban sayo. The missing murder weapon and clear motive, but… with all the other existing evidences? They can easily put you in jail for the rest of your life.”
Napapikit ako habang pilit na pino-proseso sa utak ko ang mga sinasabi niya. It was too overwhelming.
“Hey, you need to be strong,” mahina niyang bulong at tinapik pa ang likuran ko. “I will find a way to bail you out fir—”
He wasn't able to continue when the door suddenly opened.
“Nasaan ang mamamatay tao na 'yan?!” Napatayo ako nang makilala ko ang boses na iyon. “You! You killed my son!” galit niyang sigaw at sinugod pa ako.
“T-tita!” tawag ko sa kanya pero mabilis na pumagitan sa amin si Ziggy at ang ilang mga pulis.
“Tita? You've got the nerve to call me Tita after you murdered my son?!” sigaw niya habang pilit akong inaabot. “Ang kapal ng mukha mo! My family treated you like a good person! Anong kasalanan ng anak ko para patayin mo siya?!”
“Tita, hindi ko po magagawa kay Sky ang pinaparatang nila. Tita… please po. Maniwala kayo sa akin,” paliwanag ko pa.
“Mom! Stop this!”
“Sky…” bulong ko nang makita ko si Sky sa may pintuan. His face wss covered with grim as he was trying to control his mom. “Sky…” tawag ko ulit sa kanya kasunod ang pag-agos ng mga luha ko.
He's safe? He's alive?
No.... Something is wrong here...
“I'm… I'm not Sky,” sagot niya kaya natigilan ako. “I'm sorry…” dagdag pa niya kaya nanlata ang mga tuhod ko nang mapagtanto ko kung sino ang kaharap ko ngayon.
Luckily, Ziggy was behind me to keep me standing because all my strength is gone.
For a short moment… I was hopeful. But then, reality hits me. ‘Hindi siya si Sky…’ Sadyang halos replika ang wangis nilang dalawa. It was like I was just looking at him.
“Bakit ka nag-a-apologize ka babaeng 'yan?! Cloud, siya ang pumatay sa kapatid mo!” sigaw ulit ni Tita Maricar at sa pagkakataon na ito, nagawa niyang makalapit sa akin. Nag-echo sa silid ang malakas na tunog mula sa sampal na ginawad niya sa kaliwang pisngi ko at halos mamanhid ang buong mukha ko nang dahil sa impact noon. “I swear, gagawin ko ang lahat para mabulok ka sa kulungan. Kung kinakailangan na ubusin ko ang lahat ng pera ng pamilya ko, gagawin ko maparusahan ka lang! Buhay ng anak ko ang kinuha mo, iyon din sisingilin ko sayo!”
“Tita… please. Hindi ko 'yon magagawa kay Sky.” sagot ko. “Cloud, kaibigan ko ang kapatid mo. Hindi ko magagawa sa kanya 'yon.” Baling ko naman kay Cloud na tahimik lang na pinipigilan ang mommy niya.
“What are you trying to say to my son?! Huh?! Is it not enough to kill Sky and now you're targeting his own brother, huh?!” Gigil na gigil niyang sigaw.
“Tita, no. It's not like that...” umiiling ko pang sagot. ”Please... Cloud...”
Nag-iwas siya ng tingin nang magtama ang mga mata namin. “Ilabas niyo muna si mommy,” utos niya sa kasama niyang mga body guard. Nang tuluyang makalabas ang mommy niya saka siya muling nagsalita. “My brother loved you,” bulong ni Cloud. Bakas sa boses niya ang hinanakit at kitang-kita ko kung paano niya sinusubukan na labanan ang sarili niyang emosyon. “Walang ibang bukang-bibig si Sky kung hindi ikaw. You are his source of happiness. How could this happen? Is it true? Ginawa mo ba talaga 'to?” aniya kaya umiling ako nang paulit-ulit. “Gusto kong magalit sayo pero alam kong hindi iyon gugustuhin ng kapatid ko. He loved you that much, Eloisa.”
Hindi ko alam pero sa mga salitang binibitiwan niya, biglang nanikip ang dibdib ko. He was pained. His voice was full of grieving. I want to hug him and give him comfort but in my given situation, I can't.
-