Chapter 8

584 Words
Sa aking pagbukas ay nabigla ako sa taong iyon—ang bruhildang itinuro ako sa mga lasinggero para mapagtanungan. "At anong ginagawa mo rito?" bungad na salita niya. Naku, giyera 'to! Ito nga pala ang higad na may gusto kay Jay. Ano kaya'ng gagawin ko? Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nasa isip ng babaeng ito. Agang-aga kung mang-akit! Ang iikli ng suot, hindi pa naghubad! "Hoy, tinatanong kita! Ano'ng ginagawa mo sa bahay ng boyfriend ko!?" "Excuse me, Miss! F.Y.I., may pangalan ako, 'wag mo akong tawaging Hoy! At kung boyfriend mo man si Jay, e 'di sa 'yong sa 'yo na!" "So what kung tawagin kitang Hoy? Ba't ka ba talaga nandito?" paulit-ulit niyang tanong. "None of your business!" mataray kong tugon! "Gano'n? E kung saktan kaya kita ngayon? "Wow! E 'di ikaw na ang nakakatakot!" Naku, mapipilitan talaga ako ilabas ang kaalaman ko sa karate sa babaeng ito. Nakakagigil, ang sarap i-karate chop sa mukha! Naku Janine, kalma! Gigil nito si ako ah! Pero hindi nagpapigil ang bruha, akma na niya akong sasampalin, pero naunahan ko siya. Ayoko siyang saktan pero naglalaban! E wala namang kaalam-alam sa self-defense! Kahit anong sugod niya, siya pa rin ang natatamaan at nasasaktan. Basic counter attack lang ang ginagawa ko. At naabutan nga kami ni Jay. Susugod muli si Mayet sa 'kin pero pinigilan na siya ni Jay. "Ano ba, Mayet? Leche, umalis ka nga!" bulyaw nito. "Iyan!" Dinuro ako ni Mayet. "Iyang babaeng bruhang 'yan ang paalisin mo!" "Hindi ko siya paaalisin! At hindi rin siya babaeng bruha tulad mo! Ikaw ang umalis, Mayet!" "Pero Jay!" "Hindi ka ba aalis? Sabi ko, alis!" "Hindi! Ayokong makita na may kasama kang ibang babae dito!" "May sapak ka ba sa ulo, Mayet? Unang-una, hindi naman tayo! Pangalawa, walang ginagawang masama sa iyo si Janine! Kaya bakit mo ako pinipigilan na magkaro'n ng kasamang babae dito sa bahay?" "Kasi mahal kita, Jay. Alam mo 'yan! Kaya 'di ako aalis! Siya ang paalisin mo!" Hindi ako makapagsalita sa pagtatalo ng dalawa. Bigla na lang lumapit si Jay sa akin. Naramdaman kong galit na siya kay Mayet. Habang nasa tabi ko siya ay tinanong niyang muli si Mayet kung aalis ba o hindi. "Hindi" sagot ni Mayet. Nabigla ako nang hawakan ng dalawang kamay ni Jay ang mga pisngi ko! At "Oh my God!" Hinalikan niya ako sa labi ko. Hindi ako nakapalag. Natulala ako at hindi na nakagalaw pa! Bumaling muli si Jay kay Mayet nang may kaunting inis sa mga mata. Kahit si Mayet ay hindi nakapaniwala. Tumakbo palabas si Mayet. Matapos no'y sinarahan ni Jay ang pinto. Lumapit sa akin si Jay. "Pasensya ka na! Hindi ka titigilan no'n kung 'di ko gagawin iyon! Isipin mo na lang na walang nangyari." Matapos sabihin iyon ay pumasok na siya sa kwarto. Nanginig ako. Hindi pa rin ako nakapagsalita. Umurong ang dila ko nang mahalikan niya ako! Nagmanhid ako at 'di na ako nakagalaw pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD