Chapter 7

554 Words
Ilang araw din akong nanatili sa bahay nina Jay. Gusto ko talaga silang pagsilbihan para makabawi ako sa kanya. Napalapit na rin ang loob ko sa mga kapatid niya. Pero sadyang mailap ang pagpapatawad mula kay Jay—hindi niya talaga ako kinakausap kahit lagi niya akong nakikita sa bahay nila. Isang umaga, paggising ko ay dumiretso ako sa lababo nila para magmumog. Eksakto naman na binibihisan na ni Kyla si Katkat ng uniform. "Oops, Katrine. Dapat sa age mo na 'yan, 'di ka na nagpapabihis sa Ate Kyla mo!" pangaral ko. "Hindi ko pa po kaya e!" sagot naman ni Katkat. "Kaya mo 'yan! Big Girl ka na e! 'Di ba? Dapat kapag big girl na, marunong na niyan!" "Naku Ate, spoiled kasi kay kuya Jay 'tong si Kat e," wika naman ni Kyla. Nang makita ko naman na hindi maayos ang sintas ni Bryan ay inayos ko ito—maging ang kwelyo nito ay hindi ko pinalampas. Pero habang ginagawa ko ang mga iyon ay dumating na pala si Jay galing sa palengke, at hindi ito nagpahalata. Tuloy lang ako sa ginagawa ko. Para bang sanay na sanay akong mag-alaga samantalang wala namang bata sa bahay namin. Sa maikling panahon ay pakiramdam kong malapit na ang loob ko sa mga bata. Maya-maya pa ay pumasok na nang tuluyan si Jay. "Langya, nakakuha kayo ng libreng yaya ah!" "Si kuya naman!" wika ni Kyla. "Ahm, okay lang, Jay. Nakakatuwa nga alagaan ang mga kapatid mo, pakiramdam ko nga, mga kapatid ko na rin sila." "Talaga? Buti naman at nakakaramdam ka na! Akala ko kasi wala kang pakiramdam e!" Damn! Hindi ako nakasagot. "Oh siya, pumasok na kayo! Baka ma-late pa kayo! Sige na!" Sa pag-alis ng mga bata ay lumapit sa akin si Jay at iniabot ang pinamili. "O lutuin mo, may pupuntahan lang ako." "Bakit ako?" "E sino ang magluluto? 'Di ba, ang sabi mo sa 'kin, pagsisilbihan mo kami? O 'yan na!" "Pero si Kyla kasi ang naglu..." Pinigilan ako ni Jay na magsalita. "Naku, naku! Kilala ko ang kapatid ko. Alam ko ang luto niya, kung hindi hilaw ay overcooked! Kaya 'di ako naniniwala na siya ang nagluluto! Waiter ako, alam ko ang quality at hindi. Iluto mo na 'yan!" paglalahad niya. "Ok, sabi mo eh." Kaya naman, nilutuan kong muli sina Jay at mga kapatid niya. Malapit lang naman ang school nina Bryan at Katkat kaya alam nito na uuwi sila ng tanghali para kumain. Nang makatapos akong magluto ay nabigla ako sa tunog ng cellphone ko. Si Ate Jeslie, tumatawag. Nagkumustahan kami at nakakagulat ang mga sinabi niya. 'Yung Jay na ex-boyfriend niya, gusto raw makipagbalikan sa kanya. "Ate, 'wag na! Humaba ang istorya e dahil sa kanya!" Pagkatapos naming mag-usap ni Ate sa phone ay biglang may kumatok nang malakas sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD