Ilang oras na ay hindi pa rin bumabalik si Jay. Hindi namin alam nina Kyla kung saan nagpunta ang kuya nila. Nang matapos sila nang pagkain ay ako na ang naglinis ng kinainan nila. Kahit naman siguro sa paraang ito ay nakakabawi na ako kay Jay.
Niyaya ako nina Kyla, Katkat at Bryan sa kwarto para raw magkwentuhan, kaya pumayag ako! Ako na ang naging bangka sa kwento. May nakakatawang istorya ako na kinukwento sa kanila, and in all fairness, bet na bet nila.
Nagtatawanan kami sa loob ng kwarto. Talagang ang saya! Kaya lang nakaramdam siguro ng antok ang tatlo. Hindi pa tapos ang kwento ko ay napansin ko na lang na pikit na pala ang mga mata nila.
Alas-otso y medya na pala kasi. Lumabas ako ng kwarto at iniwang tulog ang tatlo. Wala pa rin kasi si Jay. Baka magalit kung sa tabi ng mga kapatid niya ako matulog.
Kaya naman humiga na ako sa salas nila. At as usual, mahiga lang ng kaunti, tulog na!
Zzzzzz...
9:32 pm. Dumating na nga si Jay. Habang tulog ako ay nakita niya akong nakahiga sa salas. Tuloy lang siya sa paglakad at pumasok sa kwarto. Humiga siya sa tabi ni Bryan.
Pero hindi siguro makatulog si Jay. Bumangon ito at lumabas, may dalang unan at kumot. Then, ginising niya ako.
"Hoy, hoy!" Patuloy na niyugyog ni Jay ang balikat ko dahilan para magising ako.
"Oh! Jay? Bakit?"
"Sa mga bata ka na tumabi. Doon kana matulog. At least, hindi masyadong malamig doon."
"E paano ka?"
"Ano pa ba sa tingin mo? Dito na ako! Sige na, lumipat ka na doon!"
"Pero teka, kumain ka na ba?"
"Pwede ba? Huwag ka nang marami pang tanong! Inaantok na ako! Lumipat ka na! Tabihan mo na sina Kyla doon."
At lumipat nga ako sa kwarto, pero bago ako tuluyang humiga ay dinungaw ko muna si Jay. Mga sampung segundo ko rin siyang tinitigan pero kahit nakapikit na siya ay bigla na lang itong nagsalita.
"Hoy, nakikita kita! Matulog ka na!"
Nabigla ako kaya naisara ko na ang pinto. Pero nakangiti akong humiga, para kasing hindi na siya masyadong galit sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero bigla ko na lang nasabi sa isip ko ang linyang — "Goodnight, Jay!" sabay ngiti.