bc

Forbidden love affair

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
forbidden
possessive
powerful
brave
heir/heiress
twisted
bxg
intersex
affair
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

"Akin ka lang Jade, walang ibang pwedeng mag may ari sa'yo kundi ako lang!"

'Yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Blythe kay Jade kapag mag tatangka siyang hiwalayan ang kanyang asawa dahil sa nasasakal na siya dito.

Sa kabila ng mga kasalanan nang kanyang asawa sa kanya, nagawa ni Jade na patawarin ito ngunit hindi niya magawa ang hiling nito na matutunan niya itong mahalin.

Ngunit sa pagpasok ni Marcus sa buhay ni Jade bilang bodyguard nito, nakahanap siya ng kaibigan at sandigan sa katauhan ng lalaki, hanggang nahulog siya dito at ganun din ang naramdaman ng lalaki para sa kanya.

Ngunit paano nila maipaglalaban ang kanilang pag iibigan kung sa una palang ay alam na nilang mali?

at paano ipaglalaban ni Jade ang pagmamahal kay Marcus gayong nakatali na siya kay Blythe at ayaw siyang pakawalan ng asawa?

Pipiliin pa din ba nilang ipaglaban ang maling pagmamahalan nila at itama ito kahit na ikapahamak nila?

O susundin ang tama na manatili si Jade sa piling ni Blythe at hayaan na lang na patuloy siyang ikulong kahit na alam nila ni Marcus pareho nilang mahal ang isa't isa?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ayokong makasal sa kanya Ma, masisira lang ang buhay ko sa kanya!" Hindi magkamayaw si Jade sa pag iyak habang nakaluhod sa harapan ng kanyang ina na nagliliyab sa galit upang hindi lang matuloy ang plano na pagpapakasal nila'ng dalawa ni Blythe. Ang hayop na si Blythe. Si Blythe na nagnakaw ng kanyang kainosentehan na siyang sumira ng lahat ng kanyang mga plano tungo sa magandang pangarap sa buhay. Ngunit imbis na makadama ng awa at habag sa kanya ang kanyang ina ay itinulak lang siya nito kaya siya nabuwal sa sahig. Ang kanyang Ama at Ate Irish naman ay nakatingin lang sa kanilang mag ina at larawan sa mukha nila ang pagtutol sa kagustuhan at ginagawa ng Mama niya sa kanya ngunit walang magawa ang mga ito kun'di ang tingnan lang siya sa kanyang pagtangis. Kasalanan naman niya kasi, Hindi niya masisisi ang kanyang Ina kung bakit ganito ang ginagawa niya sa kanya ngayon. Kaagad siyang nagtiwala sa lalaki'ng hindi pa niya lubusan na kilala pero sinagot na niya at ginawa'ng nobyo, nagpa dala siya sa mabulaklak nito'ng salita at sa gwapo nito'ng itsura. "At sa tingin mo hindi pa sira ang buhay mo niyan? Naririnig mo ba ang sarili mo? nabuntis ka Jade! Nasa sinapupunan mo ang kanyang anak at gusto ka niya'ng panagutan tapos ikaw ang aayaw? Nagmamatigas ka? Bakit? ano ba ang maipagmamalaki mo ha?!kagustuhan mo 'yan hindi ba? nagpabuntis ka tapos sasabihin mo ang ganyang bagay?! sana hindi mo naisipan na mag landi kung ayaw mong masira ang buhay mo dahil una pa lang ay sinira mo na buhat nang magpagalaw ka sa kanya at nabuntis ka niya!!" Napaigik si Jade sa lakas ng sampal na iginiwad sa kanya ng kanyang ina. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkakasampal na natanggap buhat sa kanyang ina. “Mama tama naaa..masakit Mamaaa...” Hinaplos niya ang kanyang pisngi na nasaktan. “Talagang mas lalo kang masasaktan kapag nagmatigas ka pa!!” Hinila nito ang kanyang buhok at pinaghahampas ang kanyang braso. “Maaaa...ayoko na po.... Pa.. tulungan mo akoo...” Ngunit sa tindi ng galit ng kanyang ina ay tila hindi naririnig nito ang kanyang pagmamakaawa sapagkat patuloy pa din siya nito'ng sinasaktan habang panay ang kanyang sigaw na walang pakialam sa mga kapitbahay na nakaka-rinig sa kanya. “Sana inisip mo muna ang bagay na ‘yan bago ka nagpakasarap! ” Isang malutong na mag asawa'ng sampal ulit sa kabilang pisngi ang natanggap niya sa kanyang ina. “Maaa...ayoko na po.. Mama please...” Patuloy na pag mamakaawa niya. “At sana hindi mo hinayaan na mabuntis ka niya at magpakasarap na kantvtin ka niya kung ayaw mo'ng magpakasal sa kanya!!!!! malandi ka!!!!” Akma pa siyang uundayan ulit ng sampal at sabunot ng kanyang ina nang hindi na matiis ng kanyang Ama ang pananakit ng ina sa kanya. lumapit ang kanyang Papa at saka hinablot ang kamay ng ina niya at pigilan ang tangka pa na pananakit sa kanya. “Hilda tama na! maawa ka sa anak natin!” “Maawa?” Humarap ang kanyang Mama na nanginginig pa din sa galit sa kanyang Papa at saka niya nginisian ito. “Julius, paano ako maaawa sa anak mo kung siya mismo ang sumira sa pangarap at buhay niya!!” “Hindi dapat ganyan, tingnan mo nga ang anak mo! halos lumuha na siya ng dugo sa pananakit mo sa kanya! imbis na saktan mo s‘ya, hindi ba't dapat tayo ang unang susuporta sa kanya?” “Ano bang ginagawa ko? sinusuportahan ko naman siya hindi ba? ang akin lang, pinapamulat ko lang ang anak mo sa kabaliwan niya dahil ayaw niya'ng pakasalan niya ang lalaking nakabuntis sa kanya samantalang gusto siya'ng panagutan!” “Pinagdaanan mo rin ‘yan Hilda, alam mo kung gaano kahirap ang ganyang sitwasyon! ikaw ang ina niya, ikaw dapat ang unang tao na gagabay at dadamay sa kanya pero ano? sinasaktan mo siya dahil sa pamimilit mo sa gusto mo!” “At anong gusto mo? malugmok sa kahihiyan ang reputasyon ng pamilya natin dahil sa pagka kerengkeng ng anak mo? Hoy Julius! nag landi ako oo! pero hindi ako ganyan tulad sa anak mo na kinalimutan ang mga pangarap para lang magpa kasarap sa lalaki!” “Itigil mo na nga ‘yang bibig mo Hilda! Intindihin mo na lang ang anak natin, hindi rin madali ang pinagdadaanan nang anak mo, kausapin mo s’ya nang maigi hindi ang ganyan na pinagbubuhatan mo siya ng kamay.” “Ah letse! ikaw ang kumausap sa anak mo na ‘yan Julius ha! kakalbuhin ko ‘yan!” Humarap sa kanya ang kanyang ina at puno pa din nang galit ang mga mata nito na dinuro siya. “Ikaw babae ka! Ayusin mo ang buhay mo! huwag mo'ng ilagay sa kahihiyan ang pamilya natin dahil kung hindi, palalayasin kita!! tandaan mo yan!!!” Mabilis na tumalikod ang kanyang Ina at iniwan silang tatlo sa may sala. “Mga Letse kayo!” Sigaw pa nito bago tuluyang lumabas ng bahay. Lumapit naman ang Ate Irish niya kay Jade kasabay ng Papa niya at saka siya niyakap at inalo nang mga ito. “Bunsooo..” Puno ng awa na niyakap ni Irish ang kanyang kapatid at inayos ang nagulo nitong buhok mula sa pagkaka sabunot ng kanyang ina habang hinahaplos ang mga sugat nito sa kanyang balat. “Sundan mo na lang si Mama please, para hindi ka na masaktan..” “Tahan na Jade, galit lang si Mama kaya niya nagawa ‘yan, lilipas din ang galit n‘ya.” Pagpapalubag ng loob sa kanya ng Papa niya na hindi din mapigil ang kanyang pag iyak dahil sa sobrang awa na dinanas ng anak sa sariling ina nito. “Nagulat lang siya sa mga pangyayari kaya nagawa ng Mama mo ‘yon sa'yo..intindihin mo na lang anak ha?” Patuloy pa nito. “Pero Pa....ayoko sa gusto ni Mama, tulungan mo ako please.. ayokong makasal kay Blythe.” Walang nasagot ang kanyang Ama sa pakiusap niya na ‘yon, tanging yakap lang ng mahigpit ang ginawa ng kanyang Ama at Ate habang siya ay umiiyak at saka siya sumubsob sa malapad na dibdib ng kanyang Papa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook