Ep1 (Pamamanhikan)

2042 Words
“Wala na tayo'ng magagawa bunso, andiyan na ‘yan eh, tanggapin na lang.” Umupo si Irish sa tabi ng kanyang umiiyak na kapatid at saka niya ito niyakap nang mahigpit. Ngayon ang napag usapan na araw nang pamamanhikan ng pamilya ni Blythe sa kanila at si Jade ay hindi pa din matanggap hanggang ngayon ang nangyayari kaya nasa kwarto lang siya nito, nagmumukmok at walang humpay sa pag iyak nang pasukin siya ng kanyang Ate. “Gusto man kita'ng tulungan, pero wala din akong magagawa, naaawa ako sa'yo bunso, pero tama din kasi si Mama,” mahinahon na sabi ni Irish kay Jade. “Paano magiging tama Ate? tama ba na ipagpilitan ako'ng ipakasal sa tao na hindi ko naman mahal?” “At anong gusto mo'ng mangyari Jade? ang hindi ka magpakasal kay Blythe? tapos ano? hahayaan mo na pag-piyestahan ka ng mga tsismosa dito? tapos gusto mong lumaki ang anak mong bastardo na walang kinikilalang Ama? Isipin mo naman sana ang maging kahinatnan niyan bunso.” “Pero hindi naman kasi madali eh, pwede ko naman ituloy ang pagbubuntis ko na hindi kami ikakasal, ayokong matali sa kanya, ayoko Ate, baliw si Blythe!” “Sa tingin mo sa amin ba madali? hindi Jade, pabor pa nga sa'yo ang nangyayari dahil pananagutan ka niya, Sige nga, ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya kung hindi ka papayag na sumama sa kanya aber? mayaman sina Blythe Jade, maimpluwensya ang pamilya niya hahayaan mo din ba na mapahiya siya sa magulang niya? at masira ang reputasyon ng pamilya nila? huwag ka ngang selfish.” Pilit na nililiwanag ni Irish ang kaisipan ni Jade upang mapadali sa kanyang tanggapin na lang ang sitwasyon para hindi na din siya mahirapan pa nang husto ngunit matigas pa din nito'ng ipinag-pipilitan ang kanyang gusto. “Hindi n'yo naman kasi alam kung ano ang pakiramdam ko dahil hindi kayo ang nasa sitwasyon ko! madali lang sabihin sa inyo ‘yan dahil wala kayo sa lagay ko! Pati ba naman ikaw Ate hindi mo ako maintindihan?” “Minahal mo din naman si Blythe hindi ba Jade? nabulag ka lang nang galit mo diyan sa puso mo kaya ka nagka ganyan, para din naman sa iyo ang nangyayari na ito bunso eh, umayon ka na lang.” Lalong humagulgol si Jade nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay para siyang bibitayin ng wala nang kalaban laban. Wala siyang kakampi kundi ang sarili na lang niya at kahit anong gawin niya'ng pag-iyak ay hindi na talaga mababawi ang pasya na magpapakasal pa din sila ni Blythe. “Ate, alam mo ang tunay na nangyari diba? sinabi ko sayo ‘yon. Sapilitan n‘ya ako'ng inangkin, alam mo ‘yan diba? nabuntis ako nang hindi ko gusto! dahil sa bata'ng nasa tiyan ko na hindi ko ginusto!!” Lalong lumakas ang pag iyak ni Jade at pinagsusuntok ang kanyang tiyan na may laman ng anak nila ni Blythe. “Dahil sa bata na nasa sinapupunan ko kaya masisira ang buhay ko!!” “Jade tama na!” Inawat siya ng kanyang ate Irish sa pagsuntok niya sa kanyang tiyan at mahigpit na niyapos siya nito. “Walang kasalanan ang anak mo, huwag mo siya'ng idamay! kagustuhan ng diyos ang nangyari kaya dapat tanggapin mo, pasalamat ka pa din dahil sa kabila ng nangyari ay handa kang panagutan ni Blythe, hindi ba't madami na din siyang nabuntis pero tinalikuran lang niya? pero Ikaw.. siya ang naghahabol sa'yo, dahil mahal ka niya Jade.” Mariing pinunasan ni Jade ang mga luha sa kanyang mata at saka siya tumawa nang nakaka insulto sa kanyang kapatid. “So, you mean to say Ate, na i should be thankful to Blythe dahil siya ang naghahabol? na handa niya akong panagutan para sagipin sa kahihiyan? kasi mahal niya ako?” Mas lalo siyang ngumisi sa harapan ng kanyang Ate ay nang uuyam na tumitig sa kanya. “Eh kung siya lang naman na hayop sa lahat ng kahayup-hayupan ang sasagip sa kahihiyan na ito, mas mabuti pang magpakamat*y na lang ako!” Napamulagat naman nang mga mata ang Ate Irish niya sa kanyang sinabi, tila natakot siya sa pagbabanta nito. “Huwag na huwag mo'ng gagawin ‘yan bunso, kasalanan sa Diyos ang iniisip mo.” “Hindi ba't kasalanan din ang mabuntis ng hindi pa kasal? nagkasala na din man ako, edi lulubusin ko na.” Desidido talaga si Jade sa kanyang sinasabi kaya mas lalong nakaramdam ng pangamba ang kanyang kapatid. “Jade ano ka ba! Talagang siryoso ka? wala ka na bang takot sa panginoon? pati bata diyan sa sinapupunan mo makakayanan mo'ng kitilin ang buhay? Jade, hindi ‘yan ang magiging sagot sa lahat ng gusot na nangyayari sa buhay mo.” Magsasalita pa sana si Jade ng mga sandaling iyon nang biglang magbukas ang pinto ng kanyang silid at iniluwa nito ang kanyang Ina na walang ekspresyon sa kanyang mukha at walang ka ngiti-ngiti sa mga labi nito. “Ayusin mo na ang sarili mo Jade, padating na ang pamilya ni Blythe.” Akma ng aalis ang kanyang Ina ng mabilis niyang hinawakan ang braso nito kaya napahinto siya sa pag hakbang. “M-ma.. huwag n'yo po ako'ng ipasama sa kanila please?” may pagmamakaawa sa kanyang boses na pakiusap sa kanyang Mama. “Tigilan mo ang kaartehan mo na ‘yan Jade, San ka makakita ng namanhikan at iiwan ka sa bahay? natural sasama ka sa kanila pag alis nila.” Pabalibag na inalis ng Mama niya ang kanyang kamay. “Huwag mong ipagpilitan ang sa'yo Jade, Mas mainam pa, ayusin mo na ‘yang pagmumukha mo para naman matuwa ako sa'yo.” “Pero Mama, ayoko nga'ng magpakasal sa kanya.” “Gusto mo na naman ba'ng masaktan Jade? Umayos ka ha! huwag mo'ng painitin ang ulo ko'ng bata ka!” Wala nang nagawa pa si Jade kun'di ang sulyapan na lang ang kanyang ina na naglalakad palayo sa kanyang silid. Kahit anong pilit niyang payapain ang kanyang dibdib at pigilan ang pag iyak ay hindi niya magawa sapagkat hindi niya matanggap na matatali na siya sa lalaking minsan niya'ng minahal ngunit kinasusuklaman na niya ngayon. Kalahating oras ang lumipas ay dumating na nga si Blythe Kirsten kasama ang mga magulang nito. Ang pamilya Kirsten ay isa sa kilala na negosyante sa buong pilipinas maging sa ibang bansa. pag aari nila ang pinaka malaking planta ng alak sa Pilipinas maging sa southeast Asia din. Si Fernando Kirsten ay pure Russian. Ang asawa nito na si Cynthia ay isang pinay nurse sa isang ospital sa Russia. Nagkakilala ang dalawa nang ma ospital at maopera ang ama ni Fernando noon kung saan nagtatrabaho si Cythia. Mabait naman ang mga magulang ni Blythe. Hindi sila matapobre at mapangmata sa kabila ng agwat ng estado nila sa buhay. “Magandang Gabi.” Nakangiti na bati ni Blythe sa kanya nang salubungin nila'ng mag ina ang mga ito sa harapan ng kanilang bahay. Hindi man lang niya pinag akasayahan ng panahon na sulyapan man lang ang mapapangasawa. Mabilis siyang lumapit sa mga magulang ni Blythe at saka siya nagmano sa mga ito at naglakad papasok ng kanilang bahay saka naupo sa may sofa nila sa sala. Pag-upo pa lang ni Blythe sa kanyang tabi ay napansin na nito ang pamumugto ng kanyang mga mata. Mabilis kinuha ng binata ang kanyang mga kamay at pinisil iyon. “Don't worry everything will be fine.” sabi ng lalaki sa kanya. Hindi n'ya maitago ang pagkamuhi sa binata,mabilis niyang binawi ang kanyang kamay ngunit nahuli iyon ng kanyang ina at kita niya ang nang aarok na titig ng ina niya sa kanya at ang pag ngiwi ng labi nito. Isa lang ang ibig sabihin no'n, hindi niya nagustuhan ang ginawa niyang pagbawi sa kamay niya mula kay Blythe. Tulad nga ng inaasahan ay pamamanhikan ang pakay ng mga ito at kasal ang naging usapan nila. Pakiramdam ni Jade ay nagmanhid ang kanyang pakiramdam habang naririnig ang kanilang pag uusap. Natulala siya sa isipin na hindi niya na matutuloy ang kanyang plano at suntok na sa buwan na matupad pa ang kanyang pangarap sapagkat matatali na siya sa lalaki na kanyang kinasusuklaman. “Don't you like the ring, Jade?” Untag sa kanya ng binata. “H-ha?” hindi namalayan ni Jade na malalim ang nasa isipan niya, napansin na lang niya na naka suot na pala ang diamond ring sa kanyang daliri. “I-i like it.. A-ang ganda.” Pilit ang kanyang pag ngiti. Wala na siyang nagawa kundi ang sumilay ang pekeng ngiti sa kanyang mga labi at mapilitan na tanggapin ang alok nito. “Well,i think this all settled,” nagagalak na deklara ng ina ni Blythe na si Cynthia. “And since my one and only son is now engaged with this beautiful lady Jade, i think we should celebrate.” Wala nang nagawa si Jade kundi ang magpa tangay na lang sa agos ng sitwasyon. Hindi niya naman ma arok na sirain ang kasiyahan ng mag asawa'ng Kirsten dahil alam naman niya na gusto siya ng mga ito para sa anak at boto sila sa kanya sapagkat sa kanya lang nagtino si Blythe . Siya din ang kauna unahang Babae na sumiryoso si Blythe sa isang relasyon at bukod tangi na pormal na ipakilala siya sa mga magulang. “You should be thankful my Love, because sooner you will finally become my wife.” Bulong sa kanya ni Blythe nang puntahan siya nito sa my asotea nang kanilang bahay habang nauusap pa ang kanilang mga magulang sa loob. Umalis sa umpukan si Jade upang makalanghap ng sariwang hangin co'z she felt suffocated to their talks and discussions. She couldn't take anymore to hear such words like she's soonly be Blythe's wife dahil tila siya natutuliro sa isipin na mabibilanggo siya sa isang sitwasyon na alam niya na hindi na siya makakatakas kailanman. Knowing that Blythe is obsessed over her and this guy don't want her out of his sight. “Dapat ba akong magpasalamat?” May bahid ng pang iinsulto ang boses ni Jade habang binibitawan ang mga salita na iyon kay Blythe. Gusto talaga niyang iparating sa lalaki na tutol siya at hindi niya kailan man kagustuhan na magpakasal sa kanya. “Alam mo Blythe, ang kapal mo din ano? pagkatapos mo'ng gawin sa akin ang bagay na ‘yon, ako pa ang dapat magpasalamat?” Napansin niya na nawala ang pagkakangiti sa mga labi ng lalaki, napalitan ito ng pagka dismaya habang nakatitig sa kanya at nakikinig lang sa bawat sasabihin niya. “You know Blythe that we're just going to marry just because of this child, to save my family's reputation from scandal right? isang eskandalo at kahihiyan na ikaw mismo ang gumawa.” Diniinan niya ang pagbigkas ng scandal upang kahit papaano ay makonsensya ang lalaking kaharap, ‘yon ay kung may konsensya pa ito. “Nakatawa hindi ba? na dapat magpapakasal tayo dahil mahal natin ang isa't isa, pero hindi eh, kasi alam mo? hindi ko maatim na makasal sa hayop na kagaya mo, pero andito na ‘to eh, may magagawa pa ba ako? wala, so.. sorry for me.” Ang inaasahan ni Jade ay magagalit ang lalaki sa kanyang tinuran, ngunit hindi, ngumiti lang ito sa kanya na tila wala siyang narinig na masamang salita buhat sa kanya. “ I understand why you hate me that much, alam ko na din na may pagmamahal pa na natitira diyan sa puso mo, Yeah.. nagkamali ako Jade, dahil hindi ko napigil ang sarili ko, i was drunk that time...but believe me pina----” “Shut up Blythe." Pigil niya sa iba pang sasabihin ng lalaki. “I don't need your explanation, heto na nga diba? ikakasal na tayo this coming June, so why still explaining? para maawa ako? naaahh, that's just bullsh*t Blythe.” “No Jade, sinasab---” “I said shut up right? so please Blythe, stop explaining. Kahit naman ano pa ang sabihin mo, hindi na din magbabago ang desisyon nila eh, magpapakasal ako sa'yo whether i like it or not, now happy? Oh! i forgot, i know you're very damn happy, but me? I feel like I'm already dead.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD