Nagmistula na isang fairytale wedding ang naganap na kasal nina Blythe at Jade dahil sa napaka glamoroso na pagkakaayos nito. Simula sa wedding decorations, Set ups, souvenirs, mga gowns na talagang milyones ang ginastos ng mag asawang Kirsten para lang sa engrandeng araw nang kanilang Unico Hijo. Sa Isang Private beach resort sa Palawan na pag mamay ari din ng mga Kirsten idinaos ang kasal at talaga namang mga kilalang personalidad at mga Big time bosses ang mga dumalo. Bakas sa mukha ni Blythe ang labis na kaligayahan ng araw na iyon ng kanilang pag iisang dibdib samantalang si Jade ay napipilitan lang na makihalubilo sa kanilang mga bisita.
“Are you not happy Jade?” tanong sa kanya ni Blythe nang mapansin nito ang kanyang mukha.
“You don't need to ask me like that Blythe. You already knew my answer.” Isang pekeng ngiti ang kanyang ipinapakita sa tuwing may mga bisita babati sa kanila ng best wishes at talaga naman nakakangalay sa panga ang kanyang ginagawa.
“Nope, i want to hear your answer honey, Are you not happy on our big day?”
“Don't urge me to answer your question, baka hindi mo magustuhan kung ano ang isasagot ko,” she said in a sarcastic way.
“Come on Love, this is the reality. Wala ka nang magagawa pa, we're already married.”
“I know right? that's why i am saying sorry for my self and congratulations to you.”
Nakakatawa man isipin na si Jade pa talaga ang may gana na magmalaki kay Blythe after siyang pakasalan nito dahil lang sa nabuntis siya ng lalaki. Hindi ba't dapat ay maging masaya siya at malaking pasalamat niya sa lalaking ito sapagkat sa kabila ng yaman nang pamilya ni Blythe ay nagawa siyang panindigan at panagutan ang kanyang dinadala kahit na isa lang siyang babaeng dukha na hindi pa nakatapos ng pag-aaral, isang babae na hindi maipagmamalaki, but Blythe accepted the whole her pero heto siya at kinasusuklaman niya ang lalaki at tinatrato na isang kriminal dahil lang sa pag angkin sa kanya ng sapilitan.
Well, Jade can't blame herself. Mataas kasi ang pangarap niya sa buhay. Mga pangarap niya na sinisimulan pa lang niyang buoin ngunit hindi pa man ay ipinagkait na sa kanya ni Blythe.Sinira lahat ng lalaki ang kanyang mga pangarap na siya pa naman ang nagsisilbi sanang inspirasyon niya ngunit ito din ang dahilan ng pagkasira ng lahat. She felt disappointment to herself. Pakiramdam niya ay isa na lang siyang inutil na aasa sa yaman ng pamilya ni Blythe at di maglalaon ay mapapasa kamay ng kanyang asawa dahil siya ang magiging tagapagmana nito. She don't like easy quick money. Kinda Goldigger na rags to riches. Ang gusto niya ay ang yumaman siya dahil sa sarili niyang pagtitiyaga at pagsusumikap, but how it can possibly happen? ngayon na nakatali na siya sa isang sitwasyon na hindi na kailan man siya makakalabas.
“I will not go to office by tomorrow," wika ni Blythe sa kanya habang nakaharap ito sa malaking salamin ng kanilang kuwarto at inaayos ang kurbata nito.
Hindi siya umimik, sinulyapan lang niya ito at saka na niya ulit itinutok ang kanyang paningin sa labas ng bintana.
“ I'll be with you tomorrow for your pre natal check up."
“You don't need to do that,” mariin niyang tanggi.
“May driver naman.Kaya ko naman ang sarili ko.”
Hindi siya pinansin ni Blythe, patuloy lang ito sa pag aayos sa kanyang sarili bago pumasok sa opisina.
“No, i wanna be sure that our baby is safe in your tummy.” Lumapit sa kanya ang asawa at hinaplos ang kanyang tiyan. Dagli siyang nilukuban ng takot sapagkat sa tuwing napapadampi ang parte ng katawan ni Blythe sa kanya ay hindi niya maiwasan na hindi maalala ang ginawa sa kanya ng lalaki.
“Gusto ni Daddy na matunghayan ang paglaki ni Baby from Mommy's tummy hanggang sa makalabas ka.. diba baby.” Hinaplos haplos pa nito ang kanyang tiyan habang kinakausap ang kanilang anak.
Kapagkuwan ay tumayo na si Blythe at dinampot na ang kanyang Attaché case.
“I'm going.” Akma na siyang hahalikan sa pisngi ng asawa nang ilayo niya ang kanyang mukha.
“Okay, See you later,” sabi lang niya na umiwas ng tingin. Ngunit hindi nagustuhan ni Blythe ang kanyang ginawang pag iwas. Nakita nito ang pagtiim ng bagang nang asawa at saka siya matalim na tinitigan.
“My God Jade, we're already married, it's just a simple kiss you know," nadismaya niyang sabi sa kanya.
Ang kaninang pag tiim bagang at galit na mukha nang kanyang asawa ay napalitan nang tila malungkot at nagdaramdam na mukha, and to tell it frankly, tila may kumirot sa puso ni Jade ng makita ang kanyang asawa.
“Hindi ko na alam Jade kung anong gagawin ko sa'yo, napaka ilap mo, i was doing everything that i can just to please you.. pero bakit ang tigas mo."
Hindi niya ito inimik.Tila napahiya lang siya sa sinabi ng kanyang asawa kaya siya yumuko na lang.
“You know what? Be thankful that i love you that much Jade, and i was not losing my hope that one day you can forgive me and we can be a happy family.”
Sa huling kataga na sinabi ni Blythe ay tila pumiyok ang boses nito at halata niya na parang maiiyak ang kanyang asawa or baka nga naiyak na ito ngunit hindi niya lang nasaksihan dahil mabilis nito'ng dinampot ang kanyang Attaché case at mabilis na lumabas ng kanilang silid.
Naiwan si Jade na mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa mga narinig na kataga buhat sa bibig ng kanyang asawa. Ramdam niya na mahal talaga siya ni Blythe at nakikita nito ang pag aalaga at pag aasikaso sa kanya kahit na pagod ito galing sa opisina,ngunit masisi ba siya na hanggang ngayon ay hindi pa niya magawang magpatawad?
It's been two months nang makasal silang dalawa but still, hindi pa din niya kinakausap ng maayos ang asawa. Madalas ay nakatulala lang siya sa labas ng bintana, or nanonood lang ng TV, kapag magkasama naman sila si Blythe sa kwarto,hindi niya ito kinikibo, magsasalita lang siya kapag may tanong ito na kailangan niyang sagutin. And about their Honey moon? Yes, may nangyari sa kanila, ngunit sapilitan pa din ang ginagawa sa kanya ni Blythe. Pikit mata na lang na tinatanggap ni Jade ang lahat dahil wala na din naman siyang magagawa, asawa na din naman niya ang lalaki kaya kahit na labag sa kalooban niya na makipagtalik sa asawa ay hindi na siya tumututol dahil alam niya na useless din naman kung tatanggi pa siya. Blythe owned her right now, Pag aari na siya ng asawa at magagawa nito ang nais na gusto sa kanya kahit na ayaw man niya o hindi. She was just nothing but a Slave? Wife? Prisoner? well, those words are just the same, because living in a life with someone you don't really love feels like your in prisoned. Isang bilangguan na maghihintay na lang nang araw nang iyong kalayaan pero alam niya na suntok sa buwan.
Hindi namalayan ni Jade na umagos na pala ang mga luha sa kanyang pisngi. Nahihirapan pa din kasi niyang tanggapin ang lahat. Oo nga at masasabi na maswerte siya sa kanyang mga biyenan. They gave everything that they wanted, kahit naman na hindi na magtrabaho pa si Blythe sa sarili nilang kumpanya ay maari din naman dahil sa yaman ng pamilya nito, but her husband insisted to work at their company dahil sa gusto daw nito'ng patunayan sa kanya na hindi siya nagsisi na pinakasalan siya nito. Kung siya lang ang masusunod, gusto niya sana na tanggapin na lang lahat at sumunod na lang sa agos nang kanyang buhay dahil nakikita naman niya ang paghihirap ni Blythe para sa kanya. But everytime she was trying to be good to him ay palaging sumisiksik sa kanyang utak at pilit bumabalik sa kanyang ala-ala ang mga araw kung paano nito nakawin ang kanyang kainosentehan. Hindi niya inaakala na ang pagmamahal niya kay Blythe ay mapapalitan ng galit at pagkamuhi sa lalaki, na kahit na pilitin niyang patawarin niya ito ay hindi pa din magawa ng kanyang puso, alam niya na mapapatawad niya ang kanyang asawa, but it takes time, dahil hanggang ngayon ay paulit ulit pa din sa kanyang utak at isipan ang bangungot na pangyayari na iyon sa kanya.