CHAPTER 6
"Let's talk."
Para akong nahipnotismo at kusa akong tumango-tango. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at marahan akong hinatak palabas ng Cafeteria.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko habang tinatahak namin ang kahabaan ng corridor.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang tingin ng mga estudyante. Medyo kinakabahan tuloy ako sa mangyayari sa akin pagkatapos nito. Sikat na sikat ang lalakeng may hawak ngayon ng kamay ko at paniguradong magiging malaking issue ito. Kilala siya na nakaka-date ang mga magaganda at mayayamang babae na nag-aaral dito. Pero ngayon ay isang hamak na commoner na umaasa lang sa palibreng mainit na sabaw sa canteen ang kasama niya. Pumasok kami sa loob ng locker room nila. Dito nagbibihis at tumatambay madalas iyong mga player.
"I just want to say sorry for what happened. I didn't intend to make things worst. I just wanted to give it back to you," he said pertaining to the paper bag on his hand. "I didn't expect that it will happen. I really appologize."
"O-Okay." Hiniklas ko ang paper bag at tumakbo na palabas ng locker room.
Lumayo na kaagad ako dahil nag-iiba ang pakiramdam ko. Iyong puso ko bumibilis ang t***k habang nakatitig ako sa kaniya. Ito ba iyong rason kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya? No, no, hindi siya gwapo. Ipinilig ko nang mabilis ang aking ulo at huminga nang malalim. Isang oras pa naman bago mag-umpisa ang klase kaya naisipan ko munang tumambay sa library.
ISINARA KO na ang libro dahil oras na para sa klase ko ngayong hapun. Sana lang nakalimutan na ng mga tao sa canteen ang mukha ko. Ayokong maging laman ng usapan dito sa Campus lalo na kung may kinalaman sa lalakeng iyon. Pagdating ko sa room ay naghanap kaagad ako ng mauupuan.
"Hoy besh ah may hindi ka pala sinasabi sa akin," anang Sazha na kadarating at sinundot pa ang tagiliran ko.
"Maupo ka na nga lang d'yan."
"Kuwento ka na kasi ano ba talaga ang nangyari?"
"Tsismosa ka talaga kahit kailan." Inilabas ko ang aking notebook at ch-in-eck ang schedule ko pagtapos ng klase.
May isang subject pa ako pagkatapos nito tapos may practice kami sa theater. Siguradong makikita ko na naman ang lalakeng iyon. Medyo kinakabhan tuloy ako. Bigla ko na lang siyang iniwan kanina. Alam kong isa iyong kabastusan. At batid kong kapag sa akin ginawa iyon ay maiinis o magagalit din ako.
"Magkuwento ka na kasi. Alam mo hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagkukuwento. Kilala mo ako besh kapag gusto kong malaman ang isang bagay, walang kahit na sino ang makakahadlang."
"Oo na, inihatid niya nga ako kagabi. Ipinakilala siya sa amin ni Direk Thor bilang bagong member ng theater group. Tapos iyon noong gabi nag-offer siyang ihatid ako," pagsuko ko dahil alam ko naman na hindi ako titigilan ng babaeng ito.
"At nagpahatid ka naman? Ang rupok mo rin 'te, no? Akala ko ba ayaw mo sa kaniya? Bakit may hatiran nang nagaganap?"
"He insisted," I pointed out.
"Sus, pahatid-hatid lang 'yan ngayon. Baka bukas-bukas besh ipinagluluto mo na iyan."
"Hindi ah. Kung patitikimin ko siya ng luto ko lalagyan ko ng lason."
"Grabe ka besh ang brutal mo ah. Bakit ba ang init-init ng ulo mo kay Ezcarraza?"
"Nakalimutan mo na ba na tinamaan niya ako ng bola?"
"Syempre hindi. First time kaya kitang nakitang nag-pass out noong time na iyon."
"See? Paano na lang kung nagkadepekto ang utak ko? O hindi naman kaya may nangyari sa aking masama? Edi hindi na ako nakapasok sa trabaho. Alam mo naman na ako na lang ang inaasahan ng pamilya namin sa probinsya."
"Besh, naiintindihan naman kita sa part na iyan. Alam ko na masyad ka lang nag-iingat para sa sarili mo. Pero wala namang masamang nangyari. Sabi pa nga ng doktor maswerte ka raw na walang komplikasyon na nangyari. Saka tingnan mo nga magaling ka na. Hindi ka pa man fully healed pero unti-unti nang naghihilom ang sugat d'yan sa ulo mo. Sana ikaw rin mag-heal na. Mahirap iyong papasok ka sa school na may tao kang ayaw makita," aniya kaya napaisip akong bigla.
Masyado na ba akong nadala ng galit ko?
"Tingin mo ba mali na iyong ginagawa ko?"
"Exactly! Maling-mali talaga besh. Unang-una, aksidente ang nangyari. Pangalawa, personal ka niyang dinalaw sa clinic para mag-sorry. Tapos sinampal mo pa. Hindi ko nga alam bakit ang init ng ulo mo kay Captain Ezcarraza. Kung ang dahilan ay iyong tinamaan ka niya ng bola sa ulo, naku sis ako na ang nagsasabi, napaka-unreasonable. Ganiyan na ba katindi ang pang-aapi sa 'yo ng tita at mga pinsan mo para ibuhos mo ang galit mo sa ibang tao? Isa pa, hindi na rin kasi healthy. Mahirap ang may kaaway besh. Lalo na kapag iisang kahon lang ang ginagalawan ninyong dalawa. Sana maging okay na kayo ni Daniel. Hindi man kayo maging magkaibigan pero sana magkasundo man lang kayo. Lalo at kayo pala ang gaganap na bida sa play na ipapalabas ninyo sa Foundation Day ng school natin," mahaba nitong sermon sa akin.
NATAPOS ANG KLASE ko sa buong maghapun nang wala akong masyadong naintindihan sa discussion. Mabuti na lang talaga at wala kaming naging pagsusulit dahil siguradong babagsak ako kapag nagkataon. Tumatak sa akin ang mga sinabi ni Sazha. Napagtanto ko na may punto nga naman siya. Tama siya kahit ano pa ang nagawa ng tao hindi dapat magtanim ng galit. Kung nandito si mama at nalaman niya ito siguradong madi-disappoint din siya sa akin. Pinalaki niya ako sa paalala na maging mabuti kahit kanino at maging bukas sa pagpapatawad.
Nagpalit langa ko ng damit para sa practice. Hindi komportableng umarte ng naka-uniform. Basa na rin ako ng pawis kanina pa dahil inaayos pa iyong aircon sa room na ginamit namin sa last period. May practice ng volleyball si Sazha samantalang ako naman ay sa theater club ang deretso. Wala pa iyong iba naming kasama nang dumating ako. Mukhang nasa klase pa sila. Ala cinco na ng hapun. Hanggang ala siete lang naman ng gabi ang practice. Wala pa iyong ibang kasama ko stage actress/actors kaya naman naupo muna ako.
Pinanuod ko ang mga dancers namin na nagpapa-practice na ng sayaw na na-choreograph nila. Ang gagaling nila sa totoo lang. Alam ko sa sarili ko at confident ako na magaling akong umarte. Pero pagdating sa pagsasaway ay uuwi na lang ako dahil siguradong wala akong laban. Inilabas ko ang script sa bag ko at naglakad-lakad muna ako habang pinag-aaralan ang mga linyang bibitawan ko mamaya. Buti naman at hindi ganoon kahahaba ang mga linya ko. Ang hirap kayang mag-memorize. Dumating si direk kasama si Mr. Ezcarraza at doon na nag-umpisa ang practice.
"Is everyone here?" tanong kaagad nito pagkapasok.
Magkaibigan kaming dalawa pero pagdating sa trabaho ay walang kaibi-kaibigan. Strikto kung strikto. Saka na lang ako bawi pagkatapos ng practice. Char lang po.
"Nakabuo na kami ni Tiara ng choreography. Itinuturo na lang namin sa kanila para bukas makakapag-doings na sila."
"Good to hear that. How about the design team? Buo na ba ang concept?"
"Okay na pini-print na lang para maipakita sa 'yo ang blue print. Iyong leader na namin daw ang bahalang mag-explain sa 'yo, Direk Thor. Nasa labas lang siya ngayon at nagpapa-print."
"Sige basta kapag may update o problema sabihan n'yo lang ako." Tumingin sila sa amin. "Kayong dalawa sumunod kayo sa akin sa taas. Mag-uusap tayo."
Sumunod kaming dalawa tulad ng sinabi nito. Ramdam ko ang matinding ilangan sa pagitan namin. Nahihiya talaga ako sa totoo lang. Dahil sa mga sinabi sa akin ni Sazha na-realize ko an ako talaga ang may mali rito. Kahapon in-offer-an pa niya akong ihatid tapos kanina tinakbuhan ko lamang siya matapos isuli ang gamit na naiwan ko sa kotse niya.
"Uulitin pa ba natin iyong scene 1 noong nakaraan?" tanong ko
"Iyong Scene 2 naman ang pa-practice-sin ninyo ngayon. Para kapag nagawa n'yo na ng maayos ang scene na iyan, maipe-present n'yo na sa akin mamaya ang scene 1 at 2. Ready na ba? Binasa n'yo naman siguro ang script, hindi ba?" Tumango-tango kami. "Bale sa eksenang itong papasok na si Gabriella sa klase niya na kasalukuyang PE ang subject. Tapos darating si Daniel na late rin. Since dance ang topic n'yo uutusan kayo ng instructor ninyo na humanap ng makakapareha para sa sayaw. Tandaan kailangan ma-feel ko iyong kilig factor sa inyong dalawa. Please kahit dito lang i-set aside n'yo muna ang galit ninyo sa isa't isa.
"Ah eh, teka sino ba ang unang papasok sa eksena? Ako ba o siya?"
"Malamang ikaw. Sabi ko nga ikaw ang unang dadating sa classroom tapos after few seconds darating din si Daniel. Syempre magugulat ka dahil magkaklase pala kayo. Lutang ka ghorl? Ano gets mo na?"
"Oo, gets ko na po, direk."
"Good. How about you Daniel, okay na ba?" tanong nito sa makakapareha ko at sinagot siya nito ng isang marahang tango. "Okay, cast come up on stage!" tawag niya sa mga kasama namin na gaganap bilang kaklase at teacher.
Pitong pares lang ang kasama namin para hindi kami siksikan sa stage kung sakali. Na-practice na ng mga kasama namin ito kaya alam na nila. Kinakabahan tuloy ako. Sana ay hindi ako magkamali ng hindi ako masigawan. Pagkasigaw niya ng salitang action ay bumilang ako ng limang segundo bago pumasok sa stage. Sa kaliwang side ng stage lang ako pumwesto at saka kalahating iyon lang din ako nagpauli-uli. Gamit kasi ang kabilang bahagi ng stage bilang classroom setting.
"Good morning, sir. Sorry I'm late."
Tumango lang ito kaya nagpatuloy ako sa loob. Humanap ako ng upuan at doon naupo. Tapos pumasok sa eksena si Daniel, ang lalakeng nakabangga sa akin kanina. Nagkatinginan kaming dalawa tulad ng nakasaad sa script.
"Okay, choose your partner because we will have a pair dance."
Kumuha na ng kaniya-kaniyang kapareha ang mga kaklase ko at tulad ng nakalagay sa eksena kami na lang ang maiiwang nakaupo at wala pang kapareha.
"Kayo Mr. Ezcarraza at Ms. Dimartir, mauupo na lang ba kayo d'yan?"
"H-Hindi po," sabi ko sa nahihiyang boses
"Gusto mo tayo na lang?"
"Uhm, sige. Pero hindi ako marunong sumayaw ah," sambit ko sa malumanay na pananalita.
Mahinhin at hindi makabasag pinggan daw kasi ang karakter ko rito. Kailangan kong maging professional dito. Isasantabi ko muna kung ano mang alitan ang mayroon kami. Tumayo kami sa gitna ng platform. Ilang segundo lang kaming nakatayo kaharap ang isa't isa. Nagkakahiyaan kung sino ang unang gagawa ng unang hakbang. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ipinatong niya iyon sa kaniyang balikat at inilagay ang kamay niya sa aking bewang.
Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa mga palad niyang nakadikit sa akin. Nakasaad sa script na titingin ako sa mga mata niya pero hindi ko kaya. Nagsimula na kaming magsaway at naging maayos naman ang takbo ng eksena. Ngunit may isang pagkakamali kaming nagawa. Sa parteng ibi-bent ako ay nabitawan ako ng aking kapareha. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayaring naganap. Natagpuan ko ang aking sariling nakahiga at nasa ibabaw ko si Daniel Ezcarraza na ga-hibla na na lang ang layo sa akin.
—Azureriel