CHAPTER 5

3044 Words
Chapter 5 —Daniel's POV— GUSTO KO siyang sundan para samahan pero mabilis siyang nawala sa paningin ko. May ilang tambay na ring lumapit sa kotse at pinagmasdan iyon na para bang manghang-mangha sa nakikita. Dahil sa takot na baka magasgasan pa ang aking saksakyan ay pinili ko na lamang umalis kaagad. Hindi ko na rin naman matanaw ang babaeng iyon. Nasa gitna ako ng pagmamaneho pauwi nang makatanggap ako ng tawag mula sa ka-team mate ko sa basketball. "Oh, napatawag ka." "Captain, nasa'n ka?" "Bakit mo tinatanong? Girlfriend ba kita?" "Ul*l! Hinahanap ka kasi ni coach. Nandito kami ngayon sa bar. Nasaan ka na ba, huh? Akala ko ba susunod ka pagkatapos ng practice ninyo sa Theater. Don't tell me nakalimutan mo na kaagad." Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang maalala ang bagay na iyon. Oo nga pala may kaunting celebration kami ngayon para sa pagkapanalo ng team ng sa basketball nitong nakaraang linggo. Bakit ba nakalimutan ko iyon?Masyado ba akong naging abala kanina? "I'm on my way na," sabi ko at nag-U turn pabalik sa direksyon kung nasaan ang daan papunta sa bar na napag-usapan kanina. PAGDATING doon ay hindi na ako hiningian ng guard ng Identification Card dahil hindi naman ako minor. Higit sa lahat hindi ako mukhang minor para pag-isipang ganoon. Dito rin kami madalas tumambay ng mga kaibigan ko kaya kilala na rin ako ng mga guard at bouncer dito. Dumiretso sa private area. Naabutan ko sila sa lamesa at umiinom. "Finally Captain dumating ka rin!" salubong sa akin ni Brix ang Point Guard namin na nagsasalin ng alak sa baso. "Kanina pa ba kayo rito?" tanong ko pagkaupo "May dalawang oras na rin. Nakaubos na nga kami ng isang bote. Ang tagal mo naman kasing dumating. Akala ko ba hanggang 7PM lang ang practice ninyo?" reklamo ni Caden ang ka-team namin na maasahan sa rebound. "May inihatid lang," tipid kong sagot at nagsalin ng tubig sa baso. "Kabago-bago mo lang sa organization tapos may babae ka na kaagad. Ang bilis naman yata masyado." "Sus! Nagtaka ka pa dude eh malabo namang hindi magkababae iyan. Eh halos lahat yata ng mga babae sa Campus nangangarap na mapansin niyan. Iyong iba trying hard pang maging girlfriend ng isang Ezcarraza. Hindi nila alam na iiyak lang sila sa huli." "Grabe ang sama n'yo naman sa akin. Alam n'yo naman na pagdating sa relasyon seryoso ako." "Weh? `Di nga? Eh sino iyong kasama mo kahapon sa bar d'yan sa kabilang street? Mukhang iba yata iyon doon sa nakasama mo sa Casino noong Sabado." "Magkaiba ang fling sa relasyon. Aminado naman ako na marami akong nakaka-fling. Pero fling nga, hindi ba? Bakit ka magseseryoso kung pumasok ka sa relasyon na landian lang? Kapag mahal ko ang isang tao, seryoso at matino ako." "Oo nga naman, tol, idadamay mo pa si Captain sa pagiging babaero mo. Alam mo namang kapag mahal n'yan talaga ang babae seryo—" "Papasukin n'yo nga ako! Hindi n'yo ba ako kilala?" "Pasensya na, ma'am pero bawal po talaga ang minor dito." "Hindi nga ako minor!" "Patingin po muna ng ID, ma'am." "Ayoko nga." "Kung wala ho kayong ID na maipapakita hindi ho namin kayo papasukin." "Fine! Here!" Padabog nitong inilabas ang ID. "Minor ho kayo. Hindi ka pwede sa loob. Pasensya na, ma'am, pero iyon ang protocol namin dito. Sumusunod lang po kami sa utos." "Gusto ko ngang uminom, okay? Saka ano bang pakialam mo kung iinom ako? Sixteen years na ako, alam ko na ang ginagawa ko." "Pero kasi ma'am bawal ho talaga ang mga—" "Papapasukin mo ba ako o sisisantihin ko kayo? Oh gusto n'yo i-video ko na lang kayo para sumikat kayo sa social media sa pagtataboy ninyo sa akin?" Inilabas na nito ang phone at sinimulang kuhaan ng video ang guard. "Ginagawa lamang po namin ang aming trabaho. Sana maintindihan po nin—" "Manong guard, ako na ang bahala rito," singit ko sa usapan nila. "Kayo po pala Sir Daniel." Ngumiti ito sa akin. "Ito po kasing si ma'am makulit, gustong pumasok eh bawal nga po kasi minor." "I know her. Ako na muna ang bahala sa kaniya." Hinawakan ko sa pulsuhan iyong babae at hinatak ko na siya palayo sa lugar na iyon. "Bitiwan mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin? Are you a kidnapper?" sunod-sunod nitong tanong habang hatak-hatak ko siya sa car park. "Maybe yes, maybe no." Ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang ulo at ipinasok sa sasakyan ko sabay sara ng pinto. Umikot ako sa kabilang side. Nakita ko pang pinaghahampas niya ang bintana mula sa loob. Pagkapasok ko pa lang ay nakatikim kaagad ako ng sampal sa kaniya. Ininda ko lamang iyon at nagsimula nang paandarin ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Kung anu-ano ang mga sinabi niya dahil sa galit. Mukhang may malaking problema ang isang ito. Hindi ko lamang iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong tahimik na siya. Napagod na yata sa kasisigaw at pagwawala. "Saan mo ba kasi ako dadalhin? Ni hindi nga kita kilala," anang babaeng katabi ko na nakahalukipkip at nakabusangot na nakatingin sa labas ng bintana. "Yes, I don't know you, miss. Pero base sa obserbasyon ko kanina, masasabi ko na problemado ka. Family problem iyan, ano?" "Tsk, ano bang paki mo? Buhay ko ito huwag ka ngang makialam." "I can help you with that. Hindi rin masaya ang uminom ng mag-isa. Iyon ang rason kung bakit ka pumunta sa bar, hindi ba? Gusto mong lunurin ang sarili sa alak upang makalimot kahit saglit. Hindi ka talaga papapasukin doon. Kaya hayaan mo muna akong samahan ka." Inihilig niya lang ang ulo sa bintana. Hindi siya nagreklamo sa sinabi ko kaya tinatanggap ko ang reaksyon niyang iyon bilang pagpayag. Dumaan kami sa isang convinience store upang bumili ng alak at ilang makakakain. Ako lang ang lumabas at iniwan ko siya sa sasakyan. Pagbalik ko ay nandoon pa rin siya sa loob ng kotse. Hindi siya tumakas kahit may pagkakataon naman siya. Wala naman sigurong masama kung ia-assume ko na gusto niya rin akong makasama. "Kumain ka muna ito," iniabot ko sa kaniya ang potato chip na nabili ko. Nagsimula ulit akong magmaneho. Dinala ko siya roon sa lugar na alam kong pwede naming tambayan. Ilang minuto lang at narating din namin iyon. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad-lakad sa tahimik na lugar. Maraming puno at halaman sa paligid. Matatanaw mula rito sa itaas ang syudad sa ibaba namin. Naupo kaming dalawa sa ibabaw ng hood ng kotse ko. Inabutan ko siya ng canned beer na hindi naman niyatinanggihan. Mabuti naman at malamig pa iyon hanggang ngayon. "Nag-away parents mo?" tanong ko bilang pagbasag sa katahimikan sabay tungga ng alak sa lata. "Manghuhula ka ba?" tanong nito dahil mukhang nabasa ko ang kaniyang iniisip. "Malakas lang ang pakiramdam ko sa mga bagay-bagay. Lalo na ako dahil galing ako sa broken family. Pabaya at iresponsible kasi ang tatay ko. Alam kong hindi kita kilala pero pwede ka namang mag-open up sa akin. Tutal sabi nga nila mas masarap magsabi ng problema sa mga taong hindi ka kilala. Kasi kung huhusgahan ka man nila, it will not matter. Pwede mo naman silang kalimutan kaagad kumpara roon sa mga taong palagi mong nakakasama," mahaba kong lintya at tumungga muli. Gumuhit ang pait at lamig nun sa aking lalamunan. "Iyong step-dad ko kasi nahuli kong nambababae. Tapos iyong nanay ko namang may pagkatanga rin sa pag-ibig mas pinili pang kampihan ang magaling niyang kinakasama." "I hope you don't mind but may I know where's your dad?" "Nasa ibang bansa. Foreigner kasi iyon. Nabuntis lang ang nanay ko noong nagtatrabaho pa siya bilang OFW. Doon na sila nagkakilala ng tatay ko. Iyon gumawa lang ng bata tapos hindi naman pala kayang panindigan." "Same with my father." I laughed bitterly. "Broken family din kayo?" "Nah, I have my dad and my mom with me but they're just like friends." "Huh? What do you mean by friends?" "Iyong tipong nagsasama lang para sa mga anak. Pero kahit naman hindi nila sabihin alam at ramdam namin na hindi na nila mahal ang isa't isa. Magkasama na nga lang sa bahay nagpaplastikan pa." "Kapag ganiyan hindi na dapat nagsasama. Dapat hiwalay na kaagad." Nilagok nito ang laman ng lata. "May mga nakababata pa kasi akong kapatid, sila lang ang naiisip ko." "Tsk, kalokohan iyang mga nagsasama na hindi na mahal ang isa't isa. Why not hayaan na lang nila ang mga sariling sumaya sa piling ng iba, hindi ba? After all, they both deserve to be happy. Kaysa naman magkasama sila para sa buong pamilya pero pareho namang miserable. Ang toxic kaya ng ganun." "Pero wala tayong magagawa, mga anak lang tayo na kailangang sumunod sa magulang. Isa pa buhay nila iyan. Alam na nila ang ginagawa nila. Kapag nakialam tayo sasabihan lang nila tayo na bastos at walang galang. Sa huli sarili lang din nila ang pakikinggan nila. Kaya naman mas mabuting manahimik na lang at sumabay sa agos. Sila lang ang tunay na nakakaalam ng sitwasyon ng relasyon nila. Sino ba tayo para manghimasok sa bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan?" "Maiba ko bakit mo nga pala piniling sumama sa akin? Mag-isa ka rin ba sa bar?" tanong nito kaya umiling ako. "I'm with my teammates." "Teammates?" she asked and curiosity is visible on her face. "Yeah, sa basketball. Nanalo kasi kami sa laban namin sa MHU nitong nakaraang linggo. Small celebration lang ganoon." "Bakit mo sila iniwan? May kasama ka pala tapos sumama ka pa sa akin eh hindi mo naman ako kilala," sermon nito sa akin. "I know you need me." I looked at her and stared on her eyes. "So anong name mo pogi?" "Oh sorry, I forgot to introduce myself, miss. By the way, I'm Daniel." I offered my hand to formally introduce myself. "I'm Bridgette." She accepted my hand. "It's nice meeting you, Bridgette." Hinatak niya ako at walang sabi-sabing inangkin ang mga labi ko. Mukhang tinamaan na ng alak ang babae. Hindi naman ako nagdalawang isip na tugunan iyon. If I didn't know her age, hindi ko iisipin na sixteen lang ang babaeng kahalikan ko ngayon. Nang bumaba ang halik niya sa aking leeg ay doon ko na siya itinulak ng bahagya upang magkaroon kami ng distansya. "Why? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito na halata sa mukha ang pagkadismaya. "Sorry, pero hindi ako pumapatol sa minor." "I hate you." Umikot ang mata niya at ibinalik na lang ulit ang atensyon sa alak na iniinom. Marami akong naka-fling pero hindi ako pumapatol sa mga minor. Twenty na ako kaya pwede na akong makulong kung sakali. Iniingatan ko rin ang pangalan ko, ayaw kong masira iyon. Karamihan naman sa mga nakaka-fling ko ay mga babaeng tanging laro lang din ang gusto. Kapag na-fall ka, malas mo. "Lumalalim na ang gabi. Saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita." Bumaba siya at naglakad na papasok sa kotse. Ibinato ko lang sa kung saan ang lata at sumakay na rin ako sa sasakyan ko. "May babae kang isinakay sa kotseng ito bago ako, hindi ba?" tanong nito sa gitna ng byahe. "How did you say so?" "Kanina kasi pagkasakay ko amoy pabango ng babae. Tapos may nasipa ako ritong paper bag." Binuhat niya iyon at ipinatong sa hita. "Tingin ko naman hindi ka nagsusuot ng bikini swimwear." "Sa kaibigan ko 'yan, naiwan lang." "Ang sabihin mo fling mo." "Nah, we're not like that." I laughed when I remembered that girl. Hindi ko alam kung ano ang nakakadiri, iyon bang ka-fling ko siya o iyon bang magkaibigan kami. Kasi none of the above naman talaga ang sagot doon. Inihatid ko lang iyong babae tapos umuwi na rin ako. Mag-isa akong natawa sa sarili habang nagmamaneho pauwi sa condo. Sa gabing ito lang ay dalawang babae na ang naihatid ko. Nagmumukha tuloy akong driver na tagahatid ng pasahero. Sana pala pumasok na lang ako sa grab. Bayad na gasolina, may sahod pa. Natulog na rin ako pag-uwi. Wala na rin naman akong ibang gagawin. "MS. DIMARTIR!" Napatayo ako sa lakas ng boses ng aming professor. "Y-Yes, ma'am?" kabado kong tanong. "You're not paying attention in my class. Kanina ko pa rin na napapansin na panay ang tingin mo sa relo mo pati na rin sa wall clock. Nabu-bored ka ba sa klase ko?" Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. "H-Hindi po, ma'am." "Time na pala. Bukas na lang natin tapusin ang discussion. Be ready dahil may quiz tayo after nun. Class dismissed!" Lumabas na ito nang classroom kaya nagsitayuan na kaming lahat para lumabas. Hindi ko alam kung ako lang ba iyong bukod sa recess eh paborito rin ang salitang class dismiss. Nakipagsiksikan ako sa mga kaklase kong nag-uunahang makalabas ng pinto. Napaigtad naman ako nang may umakbay sa akin. Pagtingin ko ay si Sazha pala. "Hoy 'te, mukhang buenas na buenas ka kay, ma'am ah. Ilang beses kang natawag. Bakit ba parang wala ka yata sa sarili ngayon?" "Basta huwag mo na lang tanungin." "Mga bakla!" Napalingon kami sa tumatawag. Nakita namin si Thor na tumatakbo palapit sa amin. "Akala ko ba hindi ka makakasabay mag-meryenda sa amin dahil may klase ka pa?" "Naku naka-leave iyong professor namin. Kaya tara na kumain na tayo. Jusko hindi pa ako nakakapag-umagahan." "Bakit naman kasi hindi ka kumain?" "Late na ako 'te. Alam mo na Direktor tayo kaya masyadong busy. Lalo na ngayon third year na ako, magti-thesis na kami." "Saan ba tayo kakain?" tanong ko na tulad nila ay nagugutom na rin. "Sa labas. May bagong bukas d'yan na Milktea Shop," sagot ni Sazha na laman ng mga milktea shop at fastfoods. "Sus! Lalayo pa kayo may Cafeteria naman dito. Doon na lang tayo kumain. Saka balita ko kakain din doon ang varsity team," kinikilig nitong sambit at napatili na rin ang babaeng kasama ko. "OMG! Talaga ba?" "Oo, sis. May pa-libreng pagkain kasi sa kanila ang school." "Feeding program lang?" "Tsk, ang bitter talaga nitong si Gabriella. Kaya hindi nagkakajowa eh." "Hindi ko kailangan ng jowa para sumaya ako, okay? Kuntinto na ako sa buhay ko." Nagkatinginan ang dalawang bruha. "Hayaan na nga lang natin iyon, sis. Hindi naman iyan makaka-relate sa kaharutan natin." "Yeah, sinabi mo pa. Paunahan sa Main Cafeteria. Ang mahuli manlilibre!" Kumaripas na sila ng takbo pagkasabi nun. "Hoy! Ang daya n'yo!" sigaw ko sa mga kaibigan kong mahilig sa basketball player. Pagdating sa canteen ay humanap na kaagad kami ng mga mapupwestuhan. Buti na lang talaga at marami pang lamesa na bakante. Class hour pa naman kaya iilan pa lang ang kumakain dito kapag ganitong oras. Iyong iba naman ay mas pinipiling sa labas na lang kumain. Dahil ako ang nahuli, ako ang kailangang bumili ng pagkain sa counter. Ang dami pa naman nilang in-order, ang bigat tuloy nitong tray. "Gabriella, nasaan na ang libre mo sa amin?" tanong ng mga ito habang inihahain ko sa lamesa ang pagkain. "Oh iyan. Libre ko sa inyo," sabi ko at inilapit ko ang dalawang baso sa kanilang dalawa. "Tubig lang talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Thor. "Aba huwag ninyong nilalang ang tubig. Napakalaki ng naitutulong n'yan. Mas healthy din iyan inumin kaysa sa mga milktea at softdrinks ninyo na mataas ang sugar. Saka mahirap ang buhay ngayon, matuto nga kayong magtipid." "Okay, thank you sa tubig, besh." "Grabe siguro sobrang mahal ng tubig na ito, `no?" Itinaas pa iyon ni Thor at pinakatitigan ang tubig na wari bang isang scientist na nag-oobserba sa kaniyang ekspirimento." "Mahal talaga iyan. Baka hindi mo lang nalalaman pero sa kailaliman pa ng Sahara Desert kinuha ang tubig n'yan." "May tubig pala sa Sahara?" Nagkatinginan ang dalawa. "Oo mayroon. Nakita ko iyon sa panaginip ko. Kapag naghukay ka pa nang mas malalim apoy naman ang makikita mo." "Impyerno?" "Gaga! Magma. Hindi ka ba nakinig sa Science Teacher mo noong Grade Six? Three layers of the Earth: Crust, Mantle, at Core." "Tumigil na nga kayo d'yan. Puro kayo kalokohan eh. Kumain na lang tayo. Kanina pa ako nagugutom," sita ni Ate Girl na gutom daw pero kanina pa naman pasimpleng dumadampot ng french fries. Akala niya siguro hindi ko siya nakita. Sorry siya malinaw mata ko. "OMG! Pumapasok na sila," kilig na kilig na bulong ni Sazha kay Thor. Sa tuwing nasa eksena ang Basketball Team ng University namin ay sila ang nagiging center of attention. Lalo na iyong first five player. Huwag na kayong magtaka kung bakit alam ko. Tirador ng basketbolista itong mga kasama ko at observant akong tao. "Ang gagwapo talaga nila." "Oo nga. Sana palagi na silang kumain dito." "Grupo ba ito ng mga heartrobbed?" Narinig kong bulungan ng mga babaeng kasama namin dito sa Cafeteria. Hinampas-hampas ni Sazha ang balikat ko. Ano ba 'tong babaeng ito kinikilig na lang mananakit pa. "Besh, help me. Iyong puso ko mina-magnet nila." "Kalma, bess. Baka himatayin ka. Walang magbubuhat sa 'yo," sabi ko "Okay lang 'yan para si Caden na ang magbubuhat sa akin. Ack!" "Sure ka ba na bubuhatin ka ni Caden?" "Huwag ka ngang panira sa imagination ko." "Hi," bati ng pamilyar na boses. "Oh, ikaw pala, Daniel? Halika upo ka muna," anang Thor na ipinaghatak pa ito ng upuan. "I need to talk to Gabriella." "Huh? A-Ako? Bakit ako?" "You left this in my car last night." Ipinatong niya ang paper bag sa lamesa na naiwan ko kagabi. "Hala! Ano 'to?" Napatakip na lang ako sa kahihiyan nang pakialaman ng dalawa ang laman nun at ilabas ang isang pair ng bikini swimsuit. Parang gusto ko na lang matunaw sa kinauupuan ko dahil lahat ng mata ay nasa akin. "Hindi sa 'kin 'yan!" pagtanggi ko at nilabit na ang bag sabay takbo palabas. Pero hindi ko pa man ay nararating ang pintuan ay may tatlong lalake nang humarang sa akin. Matangkad sila at base sa suot nilang varsity jacket masasabi kong player din siya. "Dito ka lang, miss." "Padaanin mo n'yo nga ako." "Hindi pwede, miss." "At bakit hindi pwede?" "Utos ng Captain," sabi ng boses mula sa likuran ko. Pumihit ako paharap sa pinanggalingan ng boses. Galing iyon sa apat na starting player na ng team na prenteng nakaupo. "Walang kahit sino ang pwedeng sumuway sa utos ng Captain." —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD