Chapter 4
Chapter
"Great choice of lead portrayer direk. I'm sure maraming manunuod sa performance natin sa Fj.ooundation Day dahil ang isang sikat na si Daniel ang gaganap," tugon ng isa sa mga co-actress ko.
"Yeah, tama si Amaea. For sure pag-uusapan at aabangan ito ng buong eskwelahan," sang-ayon ng isa pa kaya napangibit ako.
Bakit ba gwapong-gwapo sila sa lalakeng ito? Kung alam n'yo lang sana kung gaano kagaspang ang ugali ng isang ito baka ma-turn off kayo. Tumayo ako kaya napatingin sa akin ang lahat ng nandito.
"Isang malaking karangalan sa akin ang mapili bilang pangunahing tauhan sa theater play natin. Ang lubos akong nagpapasalamat sa pagtitiwala ninyo. Pero sa tingin ko hindi iyon nababagay sa akin. Mas makabubuti siguro kung papalitan n'yo na lang ako," pagbitaw ko sa role sa magalang na tono.
Ayokong isipin ng mga kasama ko na napaka-ungrateful ko para tanggihan ang offer na ito. Alam ko na may mga maiinis dito dahil sa sinabi ko. Lalo pa at marami ang nangangarap na maging bida sa play at makapareha ang campus heartrob na mukhang tipaklong na si Daniel Ezcarraza. Pero mas pipiliin ko na lang na hindi maging bida kaysa naman makapareha ang lalakeng iyon.
"S-Sigurado ka?" hindi makapaniwalang tanong ng aming direktor.
"Oo nga, sayang naman kung hindi ka gaganap. Ikaw pa naman ang nai-imagine kong nagpi-perform sa stage habang sinusulat ko ang script," segunda ng aming writer na bakas sa mukha ang panghihinayang.
"Isang karangalan ang marinig iyan. Nagpapasalamat ako sa oportunidad na ito pero pasensya na... hindi ko talaga matatanggap."
Narinig kong nagbulungan ang mga kasama ko. May mga nalungkot at may iba rin naman na natuwa partikular sa kababaihan dahil may pag-asa pa silang makapareha si Daniel.
"Kung hindi mo talaga tatanggapin ang role edi pumili na lang tayo ng ibang gaganap na bidang babae sa play. Nomination na ba?"
"Sure, direk!" kilig na kilig na sabi ng isa kaya nakahinga ako ng maluwag.
Naupo na ako at bumalik sa pwesto. Sa wakas hindi ko na kinakailangang pakisamahan ng matindi ang lalakeng iyon. Hindi ko itatanggi na magaling akong artista. Hindi rin naman ako mapipili para sa role na ito kung hindi. Pero pagdating sa lalakeng ito baka hindi ko mapigilan ang sariling manakit. Walang magandang mangyayari kung kami ang magkapareha. Lalo na at mahalaga na kasundo mo ang kapareha mo para makabuo kayo ng tinatawag na chemistry at makapagtrabaho rin ng maayos.
"Raise your hand if you want to nominate— yes Mr. Daniel?"
Napalingon ang lahat sa lalakeng nakatayo sa tabi ni Direk Thor. Panlalakeng-panlalake iyong pangalan niya pero kabaliktaran niyon ang kaniyang personalidad. Kilig na kilig ang lahat ng babae habang hinihintay sa kung sino sa kanila ang malas na mapipili nitong i-nominate. Inilabas niya ang isang kamay na nakapasok sa bulsa ng pants at hinawi patas ang buhok. Tss, feeling cool.
"I nominate Ms. Gabriella Dimartir."
"What!" Napatayo ako sa inis. Napatingala naman sa akin ang lahat dahil sa taas ng aking boses. Tumikhim ako at pilit kinalma ang sarili. Ayoko ngang magmukhang masama rito. "B-Bakit ako pa ang ini-nominate mo, Mr. Ezcarraza eh nagbitiw na nga ako sa role hehehe?" tanong ko sa pinakamahinahong boses kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang batuhin nitong flask ko ang lalakeng nasa harapan ko.
"Oo, may punto siya roon. Bakit nga siya eh gusto na nga niyang magpapalit kaya tayo may nomination nga—"
"I will not accept this role unless Ms. Dimartir would be my leading lady," seryoso nitong sambit at nagbulungan ang lahat.
Gosh! Ano bang gustong mangyari ng lalakeng ito? Alam kong may pinaplano siya at hindi ko hahayaan na matuloy iyon.
"Pero—"
"Huwag na nating pagdebatehan pa ang bagay na ito. Hahaba lang ang usapan. Sayang sa oras. Malapit na ang performance walang pwedeng sayangin maski segundo. Mr. Daniel Ezcarraza would take the male lead character while Ms. Gabriella Dimartir would be the female lead character for our stage play. No more questions. No more complaint. That's final. Tumayo na kayong lahat d'yan nang makapagsimula na tayo ng practice."
"Okay po, Direk Thor." Nagsitayuan na ang lahat ng aming kasama.
"Visual Art Team kayo na ang bahala sa props na gagamitin. Stage Designers pag-usapan n'yo na rin ang magiging gayak sa stage. Singers and Dancers magsimula na rin kayo sa pagbuo ng kanta at choreo. Iyong iba d'yan huwag kayong tutunga-tunganga d'yan magplano na rin kayo. Pagkatapos n'yan iyong mga leaders ng bawat grupo lumapit sa akin para sa approval. At kayong dalawa, Daniel at Gabriella sumunod kayo sa akin sa itaas ng stage."
Nagpatiuna na ito sa paglakad ako naman napabuga ng hangin sa inis. Ano bang lucky zodiac ngayon at ang malas ko yata. Inirapan ko muna si Mr. Ezcarraza bago ako sumunod sa direktor namin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na mas nagpainit sa ulo ko. Tsk, bakit ba siya tumatawa, wala namang nakakatawa. Or else, tumatawa siya dahil nakikita ko na naaasar. Hindi... hindi pupwedeng ganito. Ayokong maging dehado ako sa parteng ito. Hindi ako papayag.
"Let me formally introduce you to each other. Kahit na alam ko naman na kilala n'yo na ang isa't isa, hindi ba?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa.
"Paano ko ba naman hindi makikilala iyan eh ang lalakeng iyan lang naman ang bumato sa akin ng bola," pigil galit kong tugon.
"Lemme correct you, miss, hindi kita binato. Aksidente ang nangyari at walang kahit na sino ang dapat sisihin."
"Hindi sinadya pero ganoon kalakas? Ayos ka lang?"
"Miss, isipin mo ngang mabuti, bakit naman kita babatuhin ng bola? Sino ka ba para bigyang atensyon ko? You just a commoner in this school. Hindi nga kita kilala."
"Kita mo na Direk Thor? Hindi ba at napakagaspang ng ugali ng lalakeng ito?"
"Eh may punto naman kasi siya. Saka bakit ka naman niya babatuhin ng bola gayung on game sila at naghahabol sila ng score."
"Pero kasi hindi lang naman iyon ang ginawa niya sa akin. Alam mo ba na binangga n'yan ako noong Biyernes sa hallway. Tapos hindi man lang ako tinulungang pulutin ang mga nahulog kong gamit."
"I did that intentionally so why would I help you?"
"Oo nga naman. Bakit ka naman niya tutulungan eh sinadya niya nga iyon?"
Binalingan ko ng masamang tingin si Direk Thor. "Sino ba ang kaibigan mo rito? Dito pa ba masisira ang limang taon nating pagkakaibigan?" tanong ko at pinaningkitan ko siya ng mata.
"Uhm, hehe. Sinusubukan ko lang tingnan ang both sides," katwiran nito.
"Anong tinitingnan mo both sides eh ang bias mo nga."
He cleared his throat. "I'm the Director here." He gave us a warning look to change the topic. "Mr. Ezcarraza and Ms. Dimartir, heto ang script. Pakibasa na muna at pag-aralan ninyong mabuti. After thirty minutes tawagin n'yo ako. Gusto kong mapanuod kung paano ninyo ipu-portray ang ilang parts sa kuwento. Pupuntahan ko lang ang iba pa nating kasama para i-check ang mga ginagawa nila. Good luck sa inyong dalawa." Nilampasan na niya kami at naglakad na siya pababa ng hagdan.
Naiwan naman kaming dalawa ni Mr. Ezcarraza sa ibabaw ng stage. Nakatayo lang kami at hindi nag-iimikan. Kumukulo talaga ang dugo ko sa isang ito. Hindi ko gusto na sa kabila ng paghanga na natatanggap niya mula sa mga tao sa paligid niya ay may ugali siyang hindi kanais-nais. Lumayo ako sa kaniya at pumuwesto sa bandang gilid ng stage. Pag-aaralan ko na lang ng mabuti itong script dahil sayang ang oras kung makikipagtalo ako sa magiging kapareha ko. Lumupagi ako sa sahig at nag-umpisa nang basahin ang script. Kailangan kong galingan dito para hindi naman nakakahiya. Ipapakita ko sa kanila na deserve ko ang role na ito. Sana lang maganda character ko rito.
Magkaibigan na kami ni Thor simula noong High School pa. Bale ako, si Jiro, at siya ang magbabarkada noong High School. Mas ahead lang sa amin si Thor ng dalawang taon. Third na kasi ito samantalang kami ni Jiro ay nasa First year pa lang. Nakasama ko rin sa Theater Group sa school noong High School si Thor. Masasabi ko na magaling talaga siya. Pangarap niya makapag-direct ng malalaking play noon. Kaya naman natutuwa ako na unti-unti na niyang natutupad iyon ngayon. Hindi naging hadlang ang age gap dahil parang magkakaedaran lang kami kapag magkakasama. Kumurba ang ngiti sa labi ko nang makita na may sampalan scene sa script. Kita mo nga naman ang pagkakataon oh, kung sinuswerte ka nga naman.
"ANO KUMUSTA? Pwede ko na bang makita?" tanong ni Direk Thor pagkalipas nv kalahating oras.
Nagkatinginan kami ni Mr. Ezcarraza pero kaagad din namang nag-iwas ng tingin sa isa't isa. Tumango na lang kami pareho kahit na wala pa kaming napag-uusapan tungkol sa nakasaad sa script. Basta ako isa lang ang eksenang gusti ko rito at iyon iyong kailangan ko siyang sampalin. Sasadyain kong magkamali para makailang take kami. Lalakasan ko na rin para naman magmukhang realistic.
"Direk Thor magpapa-check po kami ng output!" sigaw ng babaeng nasa ibaba ng entablado.
"Mamaya ko na 'yan chi-check-en. Titingnan ko lang itong dalawang ito kung may maayos bang nabuo sa nakalipas na oras. Ibigay n'yo na lang muna iyan sa Assistant ko at sa Head Writer natin," anito sa istriktong boses. Pagdating sa craft niya seryoso talaga siya.
"Okay po, direk!" Tumakbo na palayo iyong babae.
"Kayong dalawa pumwesto na kayo sa gitna," utos nito na kaagad din naman naming sinunod. "Para sa Scene 1 tumatakbo si Ashley (babaeng bida) papuntang sa corridor dahil late na siya sa klase tapos aksidente niyang makakabangga si Ross. Tutulungan niya itong pulutin ang mga iyon tapos at magkakatitigan sila. Ano gets n'yo ba?" tanong nito sa amin.
"Yes, direk!" sigaw naming pareho.
Naki-cringe talaga ako roon sa eksena pero wala naman akong magagawa dahil hindi naman ako ang Writer dito. Hindi ko alam kung bakit sobrang mabenta ang mga ganiyang kuwento eh malayo naman sa katotohanan. Saka Foundation ito hindi naman Valentines ah. Pero since ito ang gustong makita ng mga manunuod, ito ang ipapalabas namin. Opo, kami na ang nag-adjust.
"Okay, lights, open curtain, action!"
Sinakbit ko ang backpack ko at nilabit ang mga libro bilang props. Tumakbo ako papunta sa stage at umaktong nagmamadali dahil mali-late na sa klase. Panay ang tingin ko sa aking relo habang balisa dahil may pagsusulit kami ngayong umaga. Sa pagtakbo ko ay nabangga ako sa isang lalakeng kasalubong ko.
"Aray! Ang sakit ah! Nananadya?"
"Cut! My goodness! Ano ba naman iyan. Wala naman iyan sa dialogue ng script. Gabriella mahinhin ang role mo rito, dalagang Filipina. So bakit para kang siga sa kanto rito, huh?"
"Ang lakas kasi nung pagkakabangga niya sa akin," kunot noo kong depensa. "Parang nananadya eh." Umikot ang mata ko..
"Miss, umaarte lang ako. Ikaw iyong tumakbo palapit sa akin. Ikaw ang bumangga."
"Ako pa talaga? Sana kasi ayusin mo ang pag-arte mo. Kapag ako na-injured dito mas malaking prob—"
"Enough! Kayong dalawa ayusin ninyo ah. Sa inyo nakasalalay ang performance natin. Kahit dito lang magkasundo naman kayo. Be professional, okay?"
"W-Wait, direk."
"Ano iyon, Ms. Dimartir? May sasabihin ka ba?"
"About sana sa script. Alam mo mas okay sana kung gagawin nating mas reyalistik. Tingin ko normal lang naman iyong naging reaksyon ko sa nangyari. Sa totoong buhay naman kapag nabangga ka hindi ka kikiligin. May nabangga ba na masaya pa? Luh! Ano kaya iyon. In real life kapag nabangga ka ng kung sino at nahulog ang mga dala mo lalo na at mali-late ka na, iinit ulo mo. Pagtatalo na ang kasunod nun dahil nakakainit talaga ng ulo. Baka nga magka-Tulfo-han pa kayo," mahaba kong lintya.
"Ikaw ba writer dito?" nakataas ang kilay na tanong ng aming Head Writer na kanina pa pala nakikinig sa amin. "May problema ka ba sa script ko?" Pinag-cross nito ang mga braso.
"Ah eh w-wala naman. Nagsa-suggest lang po."
"Good. Huwag kang mas maalam pa sa Writer." Naglakad na siya palayo.
Napabuga ako ng hangin dahil sa kaba. Mabait naman itong head writer namin pero pagdating sa craft niya, seryoso rin siya. Ayaw niya sa lahat ay iyong pinapangunahan siya. Iyon ang naobserbahan ko sa maiksing panahong nandito ako sa theatro. May aura siya na nakakatakot talaga. Ewan ko ba kung bakit pero kapag galit siya tumitindig talaga ang balahibo ko.
"Okay back to work. Ayoko ng maraming arte ah. Daniel at Gabriella ayusin ninyo. Alalahanin ninyong mabuti na scene pa lang ito. Marami pa tayong kailangang praktisin. Sayang ang oras. Gusto kong maramdaman ang kilig, okay? Nakakakilig na eksena ito kaya huwag kayong parang atomic bomb na magbabanggaan. Hindi ganun! Kailan ninyong iparamdam sa akin at sa mga audience iyong kilig factor. Naiintindihan n'yo ba?"
"Opo, direk!"
"Okay take 2. Lights, curtain, action!"
Umarte ulit kami at hindi ko na rin mabilang kung nakailang take kami sa iisang scene. Mainit na ulo ng direktor namin pero mas mainit ulo ko. Marami pang magpapa-check nh output kaya iniwan niya na kami para check-in ang iba at para makapag-practice daw kami. Sa huli ay wala kaming nagawang maayos dahil para kaming mga bombang magsasalpukan. Inabout na kami ng Time Out kaya nagpasya na kaming umuwi. May pangalawang sermon pa akong uuwian kaya kailangan kong magmadali.
"It's late night. I'll give you a ride."
Napahinto ako sa paglakad nang marinig ang pamilyar na boses. Nilingon ko ang pinanggalingan nun at nakita ko si Mr. Ezcarraza na nakasandal sa pinto ng kaniyang kotse at pinaglalaruan sa kamay ang susi.
"No, thanks." Humakbang ako muli palayo pero kaagad din natigil dahil hinawakan niya ang pulsuhan ko. "Ano bang problema mo?"
"7:30 na baka kung mapano ka daan."
"Are we friends?"
"N-No. But I'm concern about you— about the play. If something bad happens to you it will affect the whole performance. I'm joining here to make my parents proud. I don't want to disappoint them in our performance."
I can see the sincerity in his eyes. My eyes lower down on his hand holding my wrist. Masyado ba akong nadala ng galit kaya ganito ko siya itrato? Nagiging masama na ba ako?
"Fine," pagsuko ko. Sayang din kasi ang pamasahe.
Binuksan niya ang pinto at pumasok ako. Umikot siya sa likuran ng kotse para sumakay sa driver seat. Itinaas niya ang lahat ng bintana at tumahimik lalo ang paligid. Dito lang ako nakaramdam ng matinding kaba. Mukhang maling desisyon yata na sumabay ako. Paano na lang kung may gawing hindi maganda sa akin ang lalakeng ito? Sinubukan kong buksan ang pinto sa gilid ko pero naka-lock na iyon. Unti-unti nang gumapang ang takot sa dibdib ko.
"Palabasin mo ako rito!" pasigaw kong utos habang natataranta ako sa pagbubukas ng pinto.
Ilang beses kong sinubukan pero walang nangyari.
"Calm down, miss. Ano bang nangyayari sa 'yo?" kunot noo nitong tanong habang nakatingin sa unahan at nasa steering wheel ang kaliwang kamay.
"Alam ko naman na may pinaplano kang masama kaya nag-offer ka na ihatid ako. Tingin mo ba mauuto mo ako?"
He chuckled. "I don't know what you're talking about, Ms. Dimartir. God knows that I have a clean conscious."
"Dinamay mo pa talaga ang Diyos sa kalokohan mo."
"Wala akong gagawing masama, okay?" Ini-start niya ang makina at sinimulan nang patakbuhin ang sasakyan.
Habang nasa byahe kami ay nasa loob ng bag ang aking isang kamay, hawak-hawak ang pepper spray. Madalas akong may dala nito dahil nagku-commute ako at madalas ay gabi na umuuwi gawa ng part time job. Kapag may ginawang hindi maganda ang lalakeng ito, hindi ako magdadalawang isip na i-spray ito sa pagmumukha niya.
"Hindi maganda na nag-iisip ka ng hindi maganda sa kapwa mo, miss," sambit nito kaya napalingon ako.
"Wala akong iniisip na masama," pagsisinungaling ko.
"I don't believe you." He chuckled.
"Edi don't." Umikot ang mata ko sa hangin. "Iliko mo d'yan sa kaliwa, sa pangalawang kanto. Iyon ang daan papunta sa amin."
"Okay, no problem."
Pagkahinto pa lang ng kotse niya ay bumaba na ako. Maingay ang lugar dahil sa mga tricycle na dumadaan. Idagdag pa ang ingay ng mga nag-iinuman sa tindahan ni Aleng Fe at ang mga batang naglalaro sa daan ng tumbang preso at pogs. Gabing-gabi na nasa labas pa itong mga batang ito. Panigurado kagulo na naman mamaya kapag inabutan ng curfew.
"Salamat," sabi ko pagkalabas ko ng sasakyan.
"Sa tindahang iyan ka ba nakatira?" tanong nito na itinuro pa ang tindahan sa tapat namin.
"Sa kabilang kanto pa bahay ko," pagsasabi ko ng totoo.
"Sa kabilang kanto pa pala pero bumaba ka na. Sumakay ka ulit ihahatid kita roon."
"Hindi talaga ako magpapahatid sa 'yo sa mismong bahay namin edi nalaman mo address ko. Salamat sa paghatid. Gusto ko lang ng libreng pamasahe kaya pumayag ako. Sige na umuwi ka na. Baka pagtripan ka pa ng mga tambay dito, ang ganda pa naman ng dala mong sasakyan."
"Pero baka mapaano ka kung mag-isa kang maglalakad. Delikado na kapag—"
"Kaya kong sarili ko." Ikinaway ko ang likod ng aking kamay at naglakad na ako palayo.
—Azureriel