AN: Thank you for getting this far in reading my story. I really do appreciate it. Please enjoy reading.
---***---
"Hija ayos ka lang ba?" tanong ni Mrs. Cherry sa akin habang inaalalayan akong makabangon mula sa pagkakahiga sa clinic bed.
Dinala siguro nila ako dito kanina nung nawalan ako ng malay. Grabe naman kasi ung pressure na naramdaman ko kanina eh. Tapos sobrang gwapo pa ni Mr. Hunky Papalicious, ay este Mr. Devon pala. At hindi lang yun, gusto niya pa ako maging secretary! Which means, lagi kaming magkikita.
Owshiee! Please puso kalmahan mo lang...
Lihim akong napangiti dahil sa tumatakbo sa isipan ko.
"Naku Ma'am Cherry huwag po kayong mag-alala masyado dyan kay Kendra at mas malakas pa sa kabayo yan." sabi ni Avon na kakalabas lang galing sa CR at umupo sa tabi ko sabay kiliti sa tagiliran ko. "May balak pa nga 'tong mangabayo mamaya eh."
Nanlaki ang mata ko at nag-init ang pisnge ko dahil sa sinabi ng haliparot na baklang 'to. Dahil dun siniko ko siya ng mahina. Tiningnan ko siya at pinanlakihan pa ng mata.
"Shhh.. Avon nakakahiya kay Ma'am Cherry! Yung bibig mo masyadong garapal." tawa lang tawa ang gagang 'to habang ako ay hindi naman makatingin kay Ma'am Cherry dahil sa kahihiyan.
Tiningnan lang kami ni Ma'am Cherry ng may pagtataka dahil ang walanghiyang baklang BFF ko ay panay lang ang hagikhik sa tabi ko.
"I mean po Ma'am Cherry mag-iinuman po kami ng Redhorse mamaya, 'yon po ang ibig sabihin ng mangangabayo. Mayroon po kasing isa dyan na masyadong madumi ang utak." sabi nito at humagalpak ng tawa.
Napangiti lang si Ma'am Cherry tanda na naintindihan na niya ang tinutukoy ni Avon. Tinapik niya ang balikat ko.
"O siya sige. Ang mabuti pa ay bumalik na kayo sa mga cubicle niyo at marami pa tayong tatrabahuing papeles." tiningnan ko siya ng may halong kahihiyan at bahagyang ngumiti.
"Okay po Ma'am. Pasensya na po sa abala."
"Don't be hija , nandito ka sa opisina kaya kargo kita at obligations ko ang mapangalagaan kayo. Para ko na rin kayong mga anak." nakangiting saad nito. "Mauna na ako at marami pa akong gagawin and may meeting pa akong aattendan mamaya.
Tumalikod na ito at akmang bubuksan ang pinto ng bigla itong huminto at humarap sa amin.
"Hija I forgot to tell you na kailangan ka ni Devon sa opisina niya ASAP. That's all, see you when I see you" at tuluyan na itong lumabas sa clinic.
Naiwan kami ni Avon na parehong natigilan sa huling sinabi ni Ma'am Cherry. Ang tawa ni Avon lang ang bumasag sa katahimikan ng loob ng clinic.
"Gaga, tingin ko masyadong wild 'tong si Mr. Devon. Biruin mo unang araw pa lang ay gusto agad birahin ka." tawang tawang sabi nito at tumayo na para lumabas din. "Tara na, baka hindi na makapagtimpi 'yong si Mr. Devon kagatin ka kaagad nun pagkapasok mo pa lang sa office niya."
Inalalayan niya akong tumayo at sabay kami na lumabas ng clinic. Hindi ako makaimik o kaya makatawa. I'm so nervous to the point na wala ng lumalabas na salita sa bibig ko. Kahit sa mga biro ni Avon ay hindi ako matawa.
"Baklush, sabi ko magcelebrate tayo mamaya at napromote ka bilang secretary." mahinang sinambunutan ako ni Avon para makuha ang atensyon ko. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Masyado na kasi siyang nagiging brutal sa pagkuha ng atensyon ko. "Nakatulala ka kasi baklush! Kanina pa ako ngsasalita dito, hindi mo naman pala ako pinapakinggan!"
Napangiti ako sa sinabi niya. Nagtampo ang baklang haliparot. Inakbayan ko siya.
"Sorry na baklush. Madami lang akong iniisip lalo na ngayon na secretary na ako ng anak ng may-ari ng Iralde Enterprises." sabi ko. "Alam mo na napepressure ako to the highest level." dagdag ko pa.
"Alam ko naman yon baklush. Sino naman kasing hindi mapepressure sa ganung kagwapo na Boss eh. Makalaglag panty." napahagikhik ito bigla.
"Basta baklush diretso tayo sa Giligans mamaya to celebrate. Okay? Treat ko promise." nginitian ko siya.
"Wala ng bawian iyan ha?"
"Oo, promise! Yayain mo din sila Abby, Chona, Jeric at ung jowa mong medyo monggoloid." tatawa tawang sabi ko.
"Grabe makamonggoloid baklush ah. Kahit sinto-sinto yon mahal na mahal ko pa din yon. Sige na dito na ako. At marami pa akong tatapusing report. Kita na lang tayo mamaya." tumalikod na ito at bumalik na papuntang cubicle niya. Hinatid niya pa kasi ako sa desk ko to ensure na hindi daw ako hihimatayin sa corrigdor.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ma'am Cherry na kailangan kong pumunta sa opisina ni Mr. Devon pero nagdadalawang-isip ako lalo na at napagsalitaan ko pa naman siya ng hindi maganda kaninang umaga.
Bahala na! It's either do or die situation naman eh.
Dali-dali kong inayos ang sarili ko at pumunta sa opisina Mr. Devon. Kahit kinakabahan ako dapat with poise pa rin tayo. Bawal magmukhang kawawa lalo na at mukhang ugaling monggoloid 'tong magiging boss ko. Sa wakas nakarating din ako sa tapat ng opisina ni Mr. Devon. Tumigil ako at huminga ng malalim.
This is it, pansit! It's now or never!
Kumatok ako ng tatlong beses bago ako nakarinig ng boses mula sa loob.
"Come in." gamit ang baritonong boses.
Grabe ang pressure men! Mukhang maiihi pa ata ako sa panty ko. My God! What am I gonna do!? Naguguluhan ako! Iniisip kong kaming dalawa lang sa loob ng opisina niya. Napakagat ako ng labi dahil sa iniisip ko. Harot talaga!
What the hell! This is not happening! Kinikilig ako! Oh my God! Please puso makisama ka sa akin. Huwag ka munang pakaba-kaba dyan..Please Lord help me survive sa tuksong papasukin ko.
Huminga ulit ako ng malalim at dahan-dahang pinihit ang doorknob ng pinto para makapasok. Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumugad sa akin ang maaliwalas na espasyo ng opisina niya.
Grabe ang ganda! It's like seeing a photo on a magazine. Sobrang cozy ng ambiance and yet so masculine. White and gray ang mga pader at may mga glass separation wall pa. The design is very intricate and elegant. Masasabi mo talagang pang mayaman. Opisina pa lang yan ha, what more kung bahay na ang papasukan ko. Lihim akong napangiti. Nakita kong nakaupo siya sa swivel chair facing the glass wall.
"Good Morning S-sir! P-pinapunta niyo daw po ako dito sabi ni Ma'am Cherry." pautal utal kong sabi para makuha ang atensiyon niya.
Humarap siya sa akin with dazzling good-looking eyes. Nangatog bigla ang tuhod ko at feeling ko matutumba ako anumang oras. He look at me straight in the eyes and then there's me! Parang sinasapian dahil kung saan saan napapadpad ang mga mata ko para lang maiwasan ang magaganda niyang mata.
Holy m*therf*cking s*it! Paano ko iiwasan ang pinakagwapong nilalang sa mundo? Enlighten me Lord, please.. Need your helping hands here right now.
"What took you so long to come here!?" pagalit na sabi nito.
Napatitig ako sa kanya ng hindi oras dahil narinig kong galit ang boses niya. Nakita kong nakasimangot siya habang nakatitig sa akin. Napakamot tuloy ako ng ulo at napayuko.
Sabi ko na nga ba may halong pagkamonggoloid 'tong taong to!