Tina
Kinagabihan, talagang tinotoo ng makulit na lalaking yun ang sinabi niya. Talagang kasama niya pa ang mga magulang ko mapapayag lang ako!
"Baby, pagbigyan mo na siya. We know him kaya alam naming hindi ka mapapano." Mom said trying to convince me. Nakaupo silang tatlo sa iisang sofa while i'm sitting across them.
"Mom" sabi ko in a stress voice
"Siyanga naman baby, bakit ba hindi ka sumama sa kanya. It was just a dinner baby." nakangiting sabi ni Dad sa akin. I sighed desperately sabay tingin ng masama sa lalaking katabi nila na ngiting ngiti.
What the f*****g f**k talaga! Hindi rin matigas ang bungo ng lalaking ito noh! Kainis talaga! Nagpupuyos man ako ng galit. I have no choice left but to say yes to them. Ayoko namang magtampo ang parents ko sa akin.
"Just this once Mom and Dad. No second time ng susunod." sumusukong sabi ko na mas lalong ikinangiti ng buwisit na lalaking to.
"Ikaw bahala baby, thank you at pumayag ka." nakangiti ng sabi ni Mom sa akin. Pagtingin ko kay Dad nakangiti din siya ng malawak. Gumanti nalang ako ng ngiti sa kanila, pero ng mapadako ang tingin ko sa lalakeng yun. Sinimangutan ko siya ng bonggang bongga, kahit makita nina Mom at dad ang pagsimangot ko.
"Be nice baby." tumatawang sabi ni dad sa akin
"How can I Dad? You know that I'm totally allergic to a jerk este guy like him." Nakasimangot kong sabi na ikinatawa ng dad ko.
"Give him atleast a chance baby. He's a good man." Dad said
"I give him a chance now. But tomorrow will be different." sabi ko with no expression.
"Okay, Okay Baby. If you say so." sabi ni Dad ng nakangiti
"We'll go ahead, ikaw na bahala sa kanya. Magdadate pa kami ng dad mo." nakangiting sabi ni Mom sa akin sabay tayo niya.
"Just enjoy Mom and dad. I love you." nakangiting sabi ko sabay yakap ko sa kanila at humalik ako sa pisngi nila bilang paalam.
"Sige hijo, mauuna na kami. Pagpasensiyahan mo na ang unica hija namin." paalam niya sa lalaking yun
"It's okay tita, I can handle." nakangiting saad niya sa mga magulang ko sabay tingin sa akin. Hmmp! Papansin kahit kailan.
Inihatid ko muna sila sa may pinto bago ako bumalik sa sofa at naupo.
"What now?" nakataas kilay kong sabi sa kanya
"Baka gusto mo ng magbihis ng makakain na tayo?" mahinahong sabi niya kahit tinataasan ko siya ng kilay.
"Bakit kailangan mo pang isama ang parents ko? Ang kulit mo rin eh noh!" inis na sabi ko
"I told you, I will do everything para mapapayag kita. It's just that kilala ko pala ang parents mo at close friend sila ng magulang ko. Kaya hindi na ako nahirapang kumbinsihin sila." mahabang paliwanag niya sabay ngiti
"Jerk!" sabi ko sabay inirapan ko siya
"I'm not a jerk like what you think. It's just that we meet in a wrong place and circumstances."
"Yeah! Whatever!" nakairap pa ding sabi ko
"Why won't you give me a chance?" tanong niya
"You had the chance and expires until midnight." nakakalokong sabi ko
"Then, dress up para naman masulit ko ang chance na binigay mo." nakangiting sabi niya, hindi ba to nangangawit sa kakangiti! Hmmmp!
"Inuutusan mo ba ako lalake?" nakataas kilay kong sabi
"A—h hindi naman. Baka gusto mo lang magbihis para makakain na tayo." ut al na sabi niya
Tinignan ko siya ng masama bago tumayo.
"I'll go and dress up. You stay here! Don't you ever try sneaking on me!" babala ko sa kanya
"Hindi naman ako ganyang tao Tina. I'll just stay here and wait for you till your done."
Inirapan ko lang siya sabay talikod ko sa kanya pagkatapos niyang sabihin yung sinabi niya. Napangiti ako ng maluwang ng may maisip na kagaguhan sa utak ko. Let's see kung hanggang saan ka tatagal. Nakangiting sabi ko habang naglalakad ako papasok ng kuwarto.
Hindi ako nagmadali sa pagligo at pag aayos ko ng sarili ko. Mas madami pa nga akong tinunganga kaysa ang kumilos. Halos isang oras na ako sa loob ng kuwarto at alam kong naiinip na yun sa paghihintay sa akin. Tinignan ko ang relos ko at napangiti ng makita kong 8:30 na.
"One hour, not bad at all." nakangiting sabi ko habang naglalagay ng lip gloss sa labi ko. Balak ko pa sanang dagdagan pa ng thirty minutes. Pero hindi ko nalang tinuloy baka umakyat pa sina Mom at pagalitan ako.
Lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa sofa kung nasaan siya. And I was totally surprise kasi nakangiti pa siyang tumayo at nag aya sa akin.
"Let's go Tina?" nakangiting tanong niya sa akin pagkatayo niya sa upuan.
What the! Nakangiti pa siya, samantalang pinaghintay ko na nga ng matagal. What's with him? Tumango nalang ako para sumang ayon.
Inalalayan niya ako palabas ng room pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Don't you ever dare touching me! Get your hands off!" madiing sabi ko na ikinatigil niya
'Sorry, I didn't mean." hinging paumanhin niya sabay yuko niya.
Nilagpasan ko siya at dumiretso ng elevator. Alam kong nakasunod lang siya sa akin kaya pumasok na ako sa loob ng elevator.
"I'm so sorry Tina. Don't worry it won't happen again." sabi niya in a slow voice
Tinignan ko lang siya at ibinalik ko ang paningin ko sa pinto ng elevator. Ilang segundo lang ng nakababa na kami sa may first floor kung nasaan ang mga restaurant.
"Hey, where do you want to eat?" alanganing tanong niya
"Diba may restaurant na malapit sa dagat at kitang kita mo ito?" tanong ko na ikinatango niya.
"Sige doon nalang tayo." sabi ko
"As you wish Tina." sabi niya sabay giya niya sa akin without holding me.
Napanganga tuloy ako ng dinala niya ako sa isang restaurant sa tabi ng beach. Maririnig mo ang bawat hampas ng alon sa dagat at kitang kita mo ito.
"Wow! Just wow! Heaven!" masayang sabi ko habang tinitignan ko ang view sa labas. I don't care if kasama ko siya o hindi. I'm just fascinated with the view.
"Did you like it here?" tanong niya ng nakangiti na
"Yeah," maiksing sagot ko
Iginiya kami ng waiter sa may terrace ng restaurant at hindi ko talaga mailihim ang paghanga ko sa lugar. Dumiretso ako sa may railings at suminghot ng hanging dagat.
"Oh how I love it here!" mahinang bulong ko sa sarili ko, nagulat ako ng magsalita siya at tumabi siya one meter away from me.
"This place was our favorite spot with my family. This terrace is exclusively for us." nakangiting sabi niya sa akin, hindi ko mapigilang mapangiti.
"This one will be my favorite too!" sabi ng puso ko sa utak ko
"Can I come here if I have my spare time?" nakangiting tanong ko not minding what will be his reaction. Paano naman kasi kanina lang sinusungitan ko siya then suddenly nginingitian ko na. Ang mga ganitong places is one of my weaknesses.
"Of course! Anytime Tina basta ikaw." masayang sagot niya sa akin