Chapter 4

1744 Words
Chapter 4 "Ano kayang mayroon 'no?" Hindi mapakali si Ate Alex sa tabi ko. Pang-ilang tanong na niya 'yan sa akin, simula sa bahay hanggang dito sa sasakyan ay hindi pa rin siya tumitigil. "I don't know either, malalaman din naman natin iyan mamaya Ate," sagot ko saka inalis ang paningin sa kanya. Ibinaling ko na lamang iyon sa may bintana. Mukhang naramdaman ni ate na ayaw ko ng makipagusap pa kaya naman nanahimik na rin siya at hindi na muli pang nag-ingay. Ngayong gabi ay may dadaluhan kaming event. Paparty ito nina Tita Grace at Tito Alfred. Nang tanungin ko naman kanina sina Tusher at Creed ay hindi rin daw nila alam kung bakit at para saan ang idaraos na kasiyahan mamaya. Miski sila ay walang ideya sa plano ng kanilang mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong sinabi ni Tita Grace noong nakaraan. Pilit kong itinatak sa isip ko na balewalain 'yon, na baka nga nagbibiro lang siya, pero wala e. Pakiramdam ko ay seryoso siya at desidido sa gusto niyang mangyari. Hindi naman na kami nakapagusap pa ni Tita matapos 'yon dahil naging abala ako sa pag-aaral. Isang dahilan kaya madalang nalang din akong bumisita sa kanila. Isa pa, mas okay din na masanay sila ni Tito Alfred na si ate ang palaging nakikita kaysa sa akin. Baka makatulong iyon para magustuhan at matanggap niya ang kakambal ko. "Lauri, let's go." Nabalik ako sa realidad matapos marinig ang boses ni Mommy. Nang igala ko ang paningin ay narito na pala kami sa pagdarausan ng event. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Siguro nga'y masyadong napalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko halos namalayan na huminto kami at nakarating na rito. Nauna sina Daddy at Mommy na maglakad sa red carpet. Labas palang ay masasabi ko ng engrande ang gaganaping event. Sa likuran nina Mommy ay kami ni Ate. Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob, inabala ko ang sarili sa pagtingin sa paligid. "Buti naman at nakarating kayo." si tita Grace na ngayon ay nasa harapan na nina Mommy. "Hindi naman namin matatanggihan ang event na ito Gracia," tugon ni Mommy na may ngiti sa kanyang labi. Ngiti lang ang isinagot ni Tita saka niyakap ng mahigpit ang aking ina. Matapos 'yon ay binalingan naman niya si Daddy, pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Ate saka bumaling sa akin. Sa akin napako ang paningin niya. Hindi ko tuloy malaman kung anong irereact ko, kung anong dapat kong gawin. "You look good as always Lauri, bagay na bagay para sa isang De La Vega." Nanlaki ang mata ko sa gulat matapos iyong marinig sa kanya. Tinignan ko kaagad ang aking pamilya na mukhang hindi apektado sa narinig. Hindi ko maintindihan! Narinig nila iyon panigurado pero bakit parang wala lang? Alanganin akong ngumiti saka lumapit kay Tita. "Tita, baka po nagkakamali kayo, si Ate po ang nababagay para sa isang De La Vega," mahina kong sinabi. Natawa si Tita saka inilapit ang labi sa pandinig ko. "Hindi ako nagkakamali hija." Nagsimula ang party pero ako, nanatili lamang sa lamesa na kinaroroonan namin. Inaliw ko na lamang ang sarili sa pagtingin sa mga tao sa paligid. Wala akong makausap dahil sina Daddy at Mommy ay may kausap na mga tao, batid kong tungkol na naman iyon sa business. Si Ate naman ay kasama ni Tusher. Masaya silang nagsasayaw doon sa gitna. Si Creed ay may kasamang babae. Likuran pa lang ay nahalata ko nang iyong batang babae na palagi niyang kasama iyong kausap niya ngayon. Mukhang masaya sila, base sa ekspresyon sa kanilang mga mukha. "Lauri, are you okay?" tanong ni Mommy kaya naman mabilis ko siyang nilingon. "Why don't you join your sister and Tusher over there para naman hindi ka mabored diyan," suhestyon niya pa. Umiling ako, senyales ng aking pagtanggi sa gusto niyang mangyari. "Mom, moment nina Ate at Tusher iyon, ayokong makigulo o maging third wheel, hayaan nalang po natin silang dalawa." Tumaas ang isang kilay ng aking ina. "Hindi ba't mahal mo si Tusher?" Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa harapan ko mismo. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman dahil panigurado'y nahalata niya. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay sisirain ko sila ni Ate, parehas silang mahalaga sa akin Mom, alam mo iyan." Nagkibit-balikat siya. "Okay fine, ayoko lang naman na nakikita kang nasasaktan diyan." Dahil sa inis ay napilitan akong umalis sa table na iyon. Sakto namang may nadaanan akong waiter na nagseserve ng drinks, huminto ako para kumuha no'n. Mabilis kong inubos ang laman ng basong kinuha ko. Nang hindi makuntento ay kumuha pa ako ng dalawa pa. "I heard na ngayon magaganap ang engagement ng isang De La Vega at Santos," anang babae na hindi kalayuan sa akin. Engagement ng isang De La Vega at Santos? Kung ganoon ay ngayon na magpopropose si Tusher kay Ate? Tama ba ako ng iniisip? Akala ko ba'y pagkagraduate pa ng college pero bakit napaaga ata? Bakit hindi manlang nila nabanggit sa akin? Naputol bigla ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Tita Grace. Naroon na siya ngayon sa maliit na stage, sa harap ng maraming tao. Nakangiti siya habang nakatingin sa mga bisita. Ang spotlight ay nakatutok sa kanya. "We are here today to celebrate a very special night and of course to welcome the new member of our family," aniya saka sinulyapan si Tusher na nasa isang table. Hindi na niya kasama ngayon si Ate. Tuloy ay nagtaka ako, nasaan na si Ate? Iaannounce na ni Tita ang tungkol sa engagement nila pero ano't wala siya rito ngayon? Umalis ako sa kinaroroonan ko, bumalik ako sa table namin kanina pero wala na roon sina Daddy at Mommy. Nang hindi sila makita ay si ate naman ang hinanap ko. Halos wala na akong naintindihan sa pinagsasasabi ni Tita dahil ang pokus ko ay naroon sa pamilya ko na ngayon ay biglang naglaho. "Everyone, we gathered you all today for the engagement of my son and the daughter of the Santos's." Natigil lang ako sa paghahanap nang banggitin ni Tita ang tungkol sa engagement. Kumpirmado nga, ngayon ang engagement nina Tusher at Ate. Pero nasaan ang kakambal ko? Hindi ba dapat ay nandito siya? Mabilis kong kinuha ang phone sa bulsa. Abala akong nagtitipa nang sasabihin kay ate nang bigla na namang magsalita si Tita. "Tonight, we welcome the newest member of our family, Tusher's soon to be wife..." Sinenyasan ni Tita si Tusher na umakyat sa stage kaya naman sumunod siya kaagad sa kanyang ina. Nang tuluyang makaakyat si Tusher doon ay nagsalita na siya ulit. "Laurianna Kassel Santos." Para akong nanghina sa kinatatayuan ko, ang cellphone na hawak ko ay nabitawan ko nang dahil sa gulat. Nakita ko kung paano nagulat si Tusher. Bakas na bakas sa mukha niya iyon, halata ring naguguluhan siya, marahil hindi inaasahan na iyon ang sasabihin ng ina. Bago pa man ako makita ni Tita Grace ay yumuko na ako para kuhanin iyong cellphone kong nahulog. Nang makuha iyon ay nagmamadali akong makaalis sa lugar, pero sadya yatang hindi umaayon sa akin ang tadhana. Nakuyog ako ng mga tao. "Lauri..." Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko matapos marinig ang boses ni Tusher sa likuran ko. Batid kong lahat ng tao ay nakatingin na sa amin ngayon. Napapikit ako. "Tusher, wala akong alam dito," mariin kong sinabi. Hindi siya sumagot, pero ganoon nalang ang gulat ko nang bigla niya akong hawakan sa braso. Iniharap niya ako sa kanya. "Wala akong alam," sabi ko na naman, naluluha na dahil hindi malaman ang gagawin. "I was searching for ate, pero..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. "Alam ko, naniniwala ako sa 'yo," bulong niya, naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Don't cry please," sabi niya saka hinaplos ang pisngi ko. Sasagot na sana ako pero naunahan na naman ako ni Tita. "Everyone, Tusher and Lauri," anunsiyo niya sa lahat, dahilan para magpalakpakan ang mga naroon. Sinenyasan niya kaming umakyat sa stage. Inaasahan kong hindi susundin iyon ni Tusher, pero nagkamali ako, dahil siya pa mismo ang humila sa akin papunta sa direksyon ng kanyang ina. Pinilit kong kumawala sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Stay by my side, bukas na bukas ay gagawan ko ito ng paraan, don't worry." Iyon ang ibinulong niya sa akin nang makaakyat na kami sa entablado. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot. Hindi ko rin kasi maintindihan e. Bigla nalang nawala sina Daddy at Mommy, pati na rin si Ate. Ni hindi manlang nila ako sinabihan. Tapos eto, alam ng lahat na ako ang ikakasal kay Tusher kahit na ang totoo ay si Ate naman talaga iyon. Dapat hindi nalang ako niyaya ni Tusher dito ngayon e, kasi lalo lang siyang mahihirapan ayusin ito. Sana'y hinanap nalang niya si Ate, para siya nalang ang humarap dito ngayon. "Put on the ring Tusher." Nabalik ako sa realidad nang marinig ang sinabi ni Tita Grace. Miski ang crowd ay ganoon din ang sinasabi. Nang balingan ko naman si Tusher ay nakatitig na siya sa akin. Umiling ako. "Hindi mo kailangang gawin ito," sabi ko. Hindi siya sumagot at basta nalang may kinuha sa kanyang coat na suot. Nang makita ko iyon ay halos mahugot ko ang hininga. Isa iyong box ng singsing. Hindi ko na naalis ang paningin doon lalo na nang buksan niya iyon at ipakita sa akin ng tuluyan. Para na naman akong maluluha dahil doon. Dapat si Ate ang nandito e. Para sa kanya ito, hindi para sa akin. Nasaan na ba kasi siya? "Please marry me," ani Tusher na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang sabihin. Hindi ako nagsalita. Nang lingunin ko sina Tita at Tito ay abot langit ang kanilang mga ngiti. "Say yes Lauri." Nakagat ko ang ibabang labi kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Tusher, hindi naman dapat ako ang nandito, si Ate," bulong ko. "Lauri..." "No, please." Hindi na siya nagsalita pa at basta nalang kinuha ang kaliwa kong kamay. Mabilis niyang isinuot sa akin iyong singsing. Nagulat pa ako nang magkasya iyon sa daliri ko, knowing na hindi naman talaga iyon para sa akin. "She said yes!" si Tita Grace na naman. "Finally, a new member of the family," si Tito Alfred. Napayuko ako. Mali ito e! Hindi dapat ganito! Damn. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD