Chapter 5
Warning: Suicide attempt
"Dad, Mom..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil natigilan ako sa aking nakita. May mga dala silang maleta. Iba na rin ang suot nila, malayong malayo sa suot nila kanina sa party.
Sa kamay ni Mommy ay ang passport at plane ticket nila. Kaagad na hinanap ng mata ko si Ate. Nasaan si Ate?
"Where's Ate?" tanong ko.
Napaiwas lamang ng tingin si Mommy. Kaya lalo akong nainis. Talaga bang hindi nila sasabihin sa akin? Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Bakit parang wala silang sinasabi sa akin? Bakit pakiramdam ko, ang dami kong hindi alam?
"Nasaan?" tanong ko, hindi ko na napigilang taasan ang boses ko.
Binalingan ako ni Daddy. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Lauri..."
Wala pa man siyang sinasabi ay tumulo na ang luha ko. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko, sa way palang ng pagtawag ni Daddy sa pangalan ko ay senyales na, na aalis talaga sila at iiwan ako.
"Aalis kayo? Iiwan ninyo ako?" tanong ko saka sinulyapan si Mommy na hanggang ngayon ay hindi pa rin makatingin sa akin.
Pinunasan ni Daddy ang basa kong pisngi. "I'm sorry anak," aniya saka ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ko talaga maintindihan eh! Ang labo labo! Bakit ba sila ganito sa akin?
"Kung aalis kayo, isama niyo ako," sabi ko, desididong sumama sa kanila. "Don't leave me here, huwag namang ganito, anak niyo rin naman ako diba?"
"Alex needs us," sagot ni Mommy. "Kailangan kami ng ate mo."
That broke my heart into pieces. That's it? Iiwan nila ako para kay Ate? Ganoon na ba ngayon?
Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa mukha. "At ako, hindi ko rin ba kayo kailangan?"
Hindi na naman nakasagot si Mommy.
"Nasaan ba kasi si Ate? Iaanunsiyo na ni Tita sa mga tao ang tungkol sa engagement nila ni Tusher, hindi ko maintindihan kung bakit bigla kayong nawala kanina..."
"Dahil ngayon ang nakatakdang alis ng kapatid mo." si Mommy na naman.
Ngayon ang alis ni Ate? Akala ko ba'y hindi na?
"Alessandra!" Maawtoridad na ani Daddy.
"No, Franco, kailangang malaman ni Lauri ito..." Lumapit si Mommy sa akin. "Totoong aalis ang ate mo, nagsinungaling lang siya sa 'yo no'ng sinabi niyang hindi na siya tutuloy."
Hindi ako makapaniwalang tumitig kay Mommy. "No..."
"Buntis ang ate mo kaya kinailangan niyang umalis, magsasama na sila ni Zean."
"Paano si Tusher? Bakit? Paano?"
"Ikaw ang ikakasal kay Tusher."
"Ano?"
"Napagusapan na namin ito nina Gracia."
"Mom naman, oo nga at mahal ko si Tusher, pero hindi ito maaari."
"I'm sorry," aniya saka ako niyakap ng mahigpit. "Nagtransfer na kami ng pera sa account mo para may panggastos ka, alagaan mo ang sarili mo." Matapos iyon ay niyaya na niyang umalis si Daddy.
Hindi ko na sila napigilan pa dahil sa samu't saring emosyon na nararamdaman ko. Para akong nanghina, bumagsak ako sa sahig at doon umiyak ng umiyak.
Iniwan ako ng pamilya ko, iniwan ako nina Dad and Mom para kay Ate. Si Ate na naman! Palagi nalang ba nilang pipiliin si Ate? Paano naman ako? Palagi nalang ba akong option sa kanila? Second choice kapag wala si ate?
Iyon nalang ba talaga ang role ko sa mundong ito? Ang maging anino ng sarili kong kakambal?
Pagkatapos ng nangyaring iyon ay parang nawalan ako ng gana sa buhay. Nagkulong ako sa kwarto, ni hindi ako kumain. Hindi na rin ako nakapasok sa school dahil pakiramdam ko, wala naman ng rason para magpatuloy pa. I have no one. Ako nalang mag-isa.
Iginugol ko ang buong oras ko sa pag-iyak. Nangingitim na ang ilalim ng mata ko, namumutla na ako pero wala akong pakialam. Mas gugustuhin ko nalang yatang mawala sa mundong ito kung ganito lang din naman ang magiging buhay ko.
Ang isiping tinalikuran ako ng mga magulang ko para sa kakambal ko, iyon ang higit na dumurog sa akin.
Pumunta ako sa banyo, kinuha ko roon sa isang lagayan iyong blade. Naluluha ko iyong inilapit sa palapulsuhan ko. Pero hindi ko pa man tuluyang nasusugatan ang sarili ko ay bumukas na ang pintuan.
"Lauri." Mabilis na lumapit sa akin si Creed. Inagaw niya ang blade sa kamay ko. "You look pale," aniya saka hinaplos ang pisngi ko.
Kahit mas matanda ako kay Creed ay mas matangkad naman siya sa akin. Kaya walang kahirap-hirap niyang naabot ang mukha ko.
"Ayoko na Creed kaya please hayaan mo nalang akong gawin ito," sabi ko, habang panay pa rin ang luha. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.
"No please, don't do this to yourself," sabi niya, parang nagmamakaawa.
I was about to answer him nang bigla nalang dumilim ang paningin ko. Nang magising ako ay nasa isang puting silid na ako. Nang ilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar ay saka ko lamang napagtanto na nasa hospital ako.
"Finally, you're awake."
Boses kaagad ni Tita Grace ang una kong narinig. Bago ko pa man lingunin ang pinanggalingan ng tinig ay nasa tabi ko na siya. Nakahawak siya ngayon sa kamay ko. Naupo siya sa tabi ko.
"Lauri..." ani Tita saka ako tinulungang makaupo ng bahagya.
"Tita, sana po hinayaan niyo nalang akong mamatay," sabi ko saka na naman umiyak.
Umiling siya saka ako niyakap ng mahigpit. "No anak, you don't deserve to die, you're too precious," bulong niya.
"Tita bakit nila 'to nagawa sa akin? Paano?"
"Shhh, everything is going to be okay, anak."
"Nasaan po si Tusher?"
"Hinahanap niya si Alex." si Tito Alfred na ang sumagot no'n.
"Buntis si ate at si Zean ang ama," mahina kong sambit pero sapat na para marinig nina Tito at Tita.
Nagkatinginan silang dalawa.
"Alam na namin iyan hija, sinabi na ng magulang mo sa amin."
"Pero paano si Tusher? Dapat niyang malaman ang totoo Tita."
"No, masasaktan lang siya hija, nakaisip naman na kami ng paraan."
Hindi ako nakasagot. Kung ano mang paraan iyon, paniguradong hindi maganda.
Makalipas ang ilang araw na pananatili sa hospital ay nakalabas na rin ako. Sina Tito at Tita ang nagasikaso ng mga bills ko roon, kahit pa sinabi kong may iniwan namang pera sa akin sina Mommy ay tumanggi sila.
Hindi pa roon natatapos iyon, ang mga gamit ko ay dinala nila sa kanilang bahay. Sinabi nilang doon na ako titira kasama nila. Alam kong hindi naman dapat e, lalo na at hindi ko naman sila kapamilya pero wala naman akong magawa, ayaw akong pakawalan ng mga De La Vega.
"Starting today onwards, kami na ang pamilya mo." si Tita Grace nang ihatid ako sa kwartong tutuluyan ko. Kung titignang maigi ang silid ay nakapaganda no'n.
"Tita, pansamantala lang naman po itong pagtira ko rito, kaya ko naman pong buhayin ang sarili ko..."
Pinutol niya ako agad. "Kami ang bubuhay sa 'yo, few days from now, magiging isang ganap na De La Vega kana," sabi niya.
"Tita..."
"You're marrying my son, Tusher."
"Tita you can't do this, alam nating si Ate ang mahal niya."
"Pero hindi gaya ng kakambal mo ang nararapat sa anak ko, isa siyang taksil..." Tinignan ako ni Tita ng seryoso sa mga mata. Kita ko ang galit doon. "At nakita mo naman ang ginawa niya sa 'yo at kay Tusher hindi ba? Nagpabuntis siya sa lalaking iyon at umalis, isinama pa niya ang magulang ninyo, para ano? Para saktan ka."
Hindi ako nakasagot dahil alam ko sa sarili kong tama si Tita. Makasarili si Ate dahil hindi manlang niya ako inisip. Inisip niya ang sarili niya, ang makapagpapasaya sa kanya.
"Kapag naging De La Vega kana, hindi na ikaw iyong Lauri na anino lamang ng kakambal mo," dagdag niya pa.
Hindi ako nakatulog noong gabing iyon kaiisip sa pinagsasasabi ni Tita. Hindi ko talaga alam.
Dahil hindi makatulog ay naisipan kong lumabas ng kwarto. Bumaba ako para kumuha ng gatas. Pero hindi ko inaasahang maaabutan doon si Tusher, nag-iinom siya. Nang maramdaman ang presensya ko ay nilingon niya ako. Nagtagal sa akin ang paningin niya.
"Tusher..." sabi ko.
"Lauri," tawag niya sa pangalan ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. Naamoy ko kaagad iyong iniinom niya. Siguro'y kanina pa siya rito.
"Kanina ka pa ba umiinom?" tanong ko.
Umiling siya. "Hindi naman."
"Tusher, iyong pagkawala..." Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sinunggaban na niya ako. Hinalikan niya ako. Noong una'y hindi ko tinugon iyon dahil alam kong mali, pero nang tumagal ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Nauwi kami ni Tusher sa kwarto niya. Hindi ko na halos namalayan kung papaano kaming napunta roon ng walang kahirap-hirap pero masyado na yata talaga kaming nalunod sa sensasyong nararamdaman at hatid ng isa't isa.
"Tusher sigurado ka ba rito?" tanong ko nang huhubarin na niya ang pang-ibabang saplot ko at saplot niya.
Hindi siya nakasagot. Bigla siyang natauhan sa tanong kong iyon. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at nahiga sa tabi niya.
"I'm sorry," sabi niya saka ako kinumutan.
"Nakita mo siya sa akin?" tanong ko.
Wala naman akong ibang maisip na rason para gawin niya ito sa akin e. Besides, nakainom siya, kaya hindi malabo iyon.
"Lauri, huwag nalang natin 'yang pag-usapan," sabi niya saka ako tinalikuran.
Hindi na ako sumagot pa. I watched him sleep that night. Pero nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ni ate habang natutulog siya ay parang dinurog ang puso ko.
Hanggang sa panaginip ba naman ay si Ate pa rin?
Umalis ako sa kwarto niya nang gabing iyon. Bumalik ako sa kwarto ko at doon ako umiyak ng umiyak. Nang matapos doon ay kinuha ko ang bag ko. Ipinaglalalagay ko roon ang mga damit ko.
Kumuha na rin ako ng papel saka doon nagsulat ng nagsulat. Aalis nalang ako, mas okay pa siguro kung malalayo nalang ako sa pamilyang ito.
Nang matapos sa ginagawa ay mabilis akong umalis sa silid na iyon. Pero hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ng pinto ay naharang na ako ni Tita.
"Where do you think you're going?" tanong niya. Magkakrus ang parehong braso.
Nakagat ko ang ibabang labi. "Tita, aalis nalang po ako, pasensya na po pero hindi ko po gusto ang plano ninyong ipakasal ako kay Tusher."
"Ayaw mo bang maging isang De La Vega?"
"Tita, ayoko pong saktan si Tusher, sa tuwing nakikita niya ako ay maaalala niya lang si Ate."
"Mas masasaktan siya kung pati ikaw ay mawawala sa kanya, at sa tingin mo, anong iisipin ng mga taong nandoon sa party kapag nalaman nila na ang nakatakdang ipakasal kay Tusher ay biglang nawala?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko na alam ang sasabihin.
"Think wisely Lauri," ani Tita saka ako iniwan.
~to be continued~