Chapter 6

1588 Words
Chapter 6 "Tusher, you're marrying Lauri," ani Tita Grace isang gabi, habang sabay sabay kaming kumakain ng hapunan. Natigilan ako. Hindi pa ako nakapagdedesisyon tungkol sa bagay na iyon kaya nagulat ako nang bigla niya iyong sabihin sa hapag. "I thought Kuya's marrying Alex?" sabat ni Creed na halatang nainis sa narinig. "Alex is gone, Creed." si Tito Alfred na ang sumagot sa kanya. Hindi ako nagsalita nang mga oras na iyon. "Tusher..." si Tita na hinihintay ang sagot ng anak. "Okay." Iyon lang ang isinagot niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Tita..." "This is for the best hija," sagot agad ni Tita. I sighed. "Tita, pwede po bang pagkagraduate nalang namin ng college kami ikasal?" Nagkatinginan sina tita at tito. Tita sighed. "Okay fine." Bumalik na ulit ako sa pag-aaral pagkatapos ng mga nangyari, nakahabol din naman ako kahit papaano dahil tinulungan ako ng mga kaibigan ko. Ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Tusher ay hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko, wala akong pinagsabihan kahit isa. Mukhang ganoon din naman siya. Isang hapon, nang umuwi ako sa bahay nila, naabutan ko ang mga katulong na may inilalabas na mga maleta. Memories of Dad and Mom, leaving came flashing back. Bigla akong natakot. Pero bago ko pa man iyon maramdaman ay may nagsalita na. "Lauri, I'm leaving." si Creed na ngayon ay nasa harapan ko na. "Ha? But why?" "Doon na muna ako sa London," sabi niya. "London? How about your friend? Alam na ba niya ito?" sunod-sunod kong tanong. "Wala na siya, she left already," sagot niya saka pilit na ngumiti. "Wala na? Saan daw pumunta?" tanong ko na naman. Nagkibit-balikat siya. "I don't know, but yeah, I'm leaving, take care of yourself, best wishes for you and Kuya, sorry at hindi ko na iyon maaabutan pa," sabi niya. I was about to say something nang bigla niya akong hilahin sa isang yakap. Napangiti ako roon saka siya niyakap pabalik. Creed is a good man, he's a good friend to me. At kung ito ang makapagpapasaya sa kanya ay ayos lang. Umalis si Creed no'n. Years after, I graduated college, noon lang din kami naikasal ni Tusher. It was not that huge, but Tito and Tita made sure na iyong mga nandoon sa party ay narito. This is a church wedding. "Tarrius Shedrick De La Vega, do you take Laurianna Kassel Santos, for your lawfully wedded wife, to love and cherish from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health?" tanong ng pari. "I do," walang emosyong tugon ni Tusher. "Laurianna Kassel Santos, do you take Tarrius Shedrick De La Vega, for your lawfully wedded husband, to love and cherish from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health?" Sinulyapan ko muna si Tusher. "I do." The ceremony continued. Hanggang sa narinig ko nalang ang anunsiyo ng pari. "You may now kiss the bride." Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pero si Tusher, humarap siya sa akin. Itinaas niya ang belo ko, saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "Everyone, may I present to you for the first time, Mr. and Mrs. De La Vega." Starting that day, Tusher was tied to me. He's tied to Alex's Half. Nagising ako nang marinig ang alarm ng cellphone ko. Umaga na pero ano't wala pa rin siya? Napangiti ako nang mapakla sa naisip. Talaga bang umaasa ka pa na uuwi siya sa 'yo? Na tatabihan ka niya sa pagtulog? You're totally insane, Lauri! Napatingin ako sa orasan, alas sinko na pala ng umaga. Oras na para bumangon at maghanda ng almusal. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, bumungad sa akin iyong maliit naming wedding picture. Oo, isa nga akong De La Vega, pero hindi naman ako nakita ni Tusher bilang asawa niya. Nasa akin ang apelido niya, pero hindi ang puso at isip niya. Ayaw niya kasi sa 'kin. Hindi niya ako mahal. Galit siya sa 'kin, kinamumuhian niya ako. Malandi ang tingin niya sa 'kin. Lahat nang iyon ay nagsimula nang ikasal kami. Noong una'y akala ko, okay lang sa kanya dahil parang hindi naman siya tumutol. I mean, he can just leave kung talagang ayaw niya, pero hindi niya ginawa. So I assumed na okay lang, pero hindi ko naman inakala na ang kapalit ng lahat ng iyon ay iyong pagkawala ng samahan na mayroon kami. I thought being his wife and staying by his side will be the best decision and solution so far, pero mukhang nagkamali ako dahil kabaligtaran ang nangyari. "Sana naman ay umuwi ka, Tusher." bulong ko sa sarili. Nambabae na naman ba siya? Nag-inom? Aish 'wag mong isipin 'yan Lauri, hindi makakabuti kung mag-oover think ka, isipin mo nalang na busy siya. Nakakapagod din pala itong ganito 'no? Napangiti ako nang mapakla nang maalala ang nangyari sa amin ni Tusher sa loob ng ilang taon. Napakaraming dahilan na ang ibinigay niya sa akin para umalis, to walk out of this marriage, minsan ko na ring ginusto na sumuko at iwan siya, pero hindi ko magawa, dahil sa tuwing gagawin ko, para akong pinapatay sa sakit. Hindi ko siya kayang iwan, siya ang buhay ko, ang mundo ko, siya lang at wala ng iba. Ganoon kahalaga sa akin si Tusher kahit na parati niya akong binabalewala at sinasaktan. Nabalik ako sa realidad nang marinig ang kotse niya. Dali-dali akong pumunta sa may pintuan. Pinagbuksan ko siya ng pinto at sinalubong siya na may ngiti sa labi. "Tusher," nakangiti kong sambit sa pangalan niya nang pagbuksan ko siya ng pinto, pero para siyang walang narinig at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad. Nilagpasan niya ako. Napangiti na naman ako nang mapakla sa inasta niya. Hindi na dapat ako magulat kung ganito siya, ganito naman kami lagi. Isinara ko nalang ang pinto at sinundan siya, paakyat na sana siya sa may hagdanan nang magsalita ako. "Tusher inumaga ka yata, saan ka galing?" tanong ko, pero hindi siya sumagot kaya naman nilapitan ko nalang siya at napagtanto kong amoy alak siya. Ibig sabihin ay nag-inom na naman siya hays! Hindi siya sumagot at nauna nang umakyat sa itaas. Naabutan ko siyang naghuhubad ng kaniyang puting polo. "Tusher..." "Hanggang dito ba naman hindi mo ako titigilan?" Tanong niya na hindi manlang ako nililingon. "Gusto ko lang naman malaman kung saan ka galing eh. Nag alala ako." Nilingon niya ako. "Hindi ba pwedeng matuwa ka nalang na umuwi ako? Tigilan mo ang katatanong. Dinaig mo pa ang reporter." Naitikom ko ang bibig. Maya maya'y nagdesisyon akong lumabas na ng kwarto at mag asikaso nalang sa ibaba. Nang matapos sa paghahanda ay hinanap ko si Tusher. Wala na siya roon sa kwarto kaya naisip kong baka nandoon siya sa opisina niya rito sa bahay. Kumatok ako. Pagbukas ko nang pinto, nadatnan ko siyang hawak hawak ang litrato ni Alex. "Hanggang ngayon pala ay siya pa rin. Ano bang kailangan kong gawin para mahalin mo ako?" Inilapag niya iyon sa lamesa. "Wala kang kailangang gawin dahil kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hindi kita matututuhang mahalin," may bahid nang galit ang boses niya. Nilapitan ko siya."Ano ba talagang gusto mong mangyari Tusher?" tanong ko. "Hindi ba ako magiging enough para sa 'yo? Hanap ka nang hanap sa kanya e ako naman 'yong nandito." Hinalikan ko siya pero hindi niya iyon tinugon. "Nakakapagod kang mahalin," sabi ko nang humiwalay sa kanya. Tumiim ang kanyang bagang. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Hindi ko kailanman hiniling na mahalin mo ako tandaan mo 'yan! Saka ano bang gusto mo ha? s*x?" Hindi ako nakasagot. Hinalikan niya ako pero marahas iyon. Bumaba iyon sa leeg ko hanggang sa nahubad na niya ang night gown ko. Tumigil siya nang wala na akong saplot. Pinasadahan niya nang tingin ang buong katawan ko. "You're disgusting." Naglakad na siya palayo. Nang nasa pintuan na ay nilingon niya ako. "Tinanong mo ako kung anong gusto kong mangyari. 'Yon ay ang mawala ka sa buhay ko." Iyon ba talaga ang gusto mo? "I'll get rid of you, soon," dagdag pa niya at tuluyan na akong iniwan. Nang kinagabihan ay naghanda ako ng aming hapunan. Niluto ko 'yong mga paborito niya. Napangiti ako nang pagmasdan ang ayos ng lamesa namin. Miski sa pagaayos ay sinigurado kong maganda ang kalalabasan. Umaasa kasi ako na kapag nag effort ako ay mawawala kahit papaano ang galit niya sa akin. Tch. Sana nga ay ganoon ang mangyari hindi ba? Lalong lumapad ang ngiti sa aking labi nang makitang papunta na dito sa dining area si Tusher. Sinalubong ko siya. "Tusher, kain na tayo. Naghanda ako," sabi ko saka isinenyas ang lamesa. Tinignan niya ako. Blanko ang kanyang expression. "No thanks, may dinner date ako," sagot niya na siyang nagpakirot sa aking dibdib. Nakagat ko ang ibabang labi. "Pero Tusher, naghanda kasi ako." I tried to smile again, kahit pilit, kahit hindi totoo. "What made you think na sasabay ako sa 'yo? Wake up Lauri!" seryoso ngunit may diing aniya. "Ano bang kailangan kong gawin para hindi kana maging ganyan sa akin?" Nakagat ko na naman ang ibabang labi matapos 'yong itanong sa kanya. Ngumiti siya nang mapakla saka ako pinakatitigan sa mata. "I want you out of my life," aniya at umalis na. Gusto mo ba talaga akong mawala sa buhay mo Tusher? Ganoon mo ba talaga ka-ayaw sa 'kin para umabot sa punto na gugustuhin mo pang mawala ako? Para akong nanghina sa narinig mula sa kanya. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD