Chapter 7 Huwebes ngayon at hindi nagawang pumasok ni Tusher sa trabaho dahil masakit ang kanyang ulo at katawan. Inexpect kong madadatnan ko siya sa kwarto na nagpapahinga pero sa opisina niya pa rito sa bahay ko siya naabutan. Nagpatawag pa siya ng iilang katrabaho. Tuloy ay napilitan akong itago iyong wedding pictures namin. Hindi rin ako makalabas ng kwarto pero nang maisip na baka wala silang kainin sa sobrang busy ay hindi ko na napigilan ang sarili. Bumaba na ako at nagluto sa kusina. Nagbake ako ng banana bread. Nagtimpla rin ako ng juice. Inilagay ko ang mga iyon sa tray nang matapos. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Kumatok na ako. Si Tusher ang nagbukas no'n. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na may halong inis. Masyado naman kasi siyang masipag

