Chapter 8 Matapos nang nangyari sa amin ay kinuha ko iyong damit ko, isinuot ko ulit iyon. Nagtungo ako sa banyo at doon umiyak nang umiyak. Nagtagal ako ng ilang minuto roon bago nagdesisyong bumaba, pumunta ako sa opisina ni Tusher, nilinis ko iyong mga bubog na nasa sahig. Inayos ko na rin iyong mga gamit niya na nagulo. Miski iyong litrato ni Alex ay ibinalik ko sa pinaglalagyan. Hindi na ako bumalik sa kwarto namin, nagtungo nalang ako sa sala at doon natulog sa sofa. Kahit papaano ay sanay naman akong matulog dito. Mas okay na rin ito kaysa iyong magising si Tusher at makita ako, paniguradong masisira lang ang umaga niya. Nang magising akong muli ay tanghali na. Tiyak na wala na si Tusher. Bumangon na ako at bumalik sa silid namin. Dumiretso ako sa may banyo. Naligo ako, matapos

