“You know what, Chan…” Ibinaba ko muna ang cellphone ko at chiz curls na kinakain at napasulyap kay Mira. “Bakit?” “I think that my cousin Ace is really into you.” Nabilaukan halos ako sa sinabi niya kaya tumayo na ako at kumuha ng tubig sa ref. “Ano ba naman ‘yan, Mir. Mabibilaukan naman ako diyan sa mga sinasabi mo, e.” Napangiwi naman siya. “I’m telling the truth, Chan. Hindi mo ba ramdam—ay oo nga pala, hindi ka pa nga pala nagkakaroon ng boyfriend kaya it’s understandable that you didn’t know the signs.” “Nako, huwag mo na lang pansinin ‘yang pinsan mo at broken pa ‘yan sa ex niya. Isa pa, hindi nga natin alam kung nag-uusap pa sila.” Tumayo na si Mira at napangiti sa akin. “I just hope that Ace won’t get back to that woman again. By the way, I just finished my reports for tomo

