Chapter 26

2129 Words
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbagsak ng aking panga at paninigas sa kinatatayuan. Nakatitig sa dalawang lalaking nag-uusap na pawang mga seryoso at tila nakasalalay ang kanilang buhay sa pinag-uusapan. Well, nakasalalay nga lalo na kung ggawin nga nila ang gustong gawin noong lalaking kasama ni Jonathan. "Oh, Joseph?" Tumatawang itinaas ng asawa ni Aling Lota ang kaniyang kamay bilang pakikipag-apir nang madaanan niya akong nakatayo rito sa gitna ng kalsada. Sinalubong ko siya ng ngiti kasabay ng pagtanggap sa kaniyang kamay. "Ano ang ginagawa mo at dito mo pa naisipang tumayo sapinakagitna ng daan?" Luminga siya sa paligid siguro'y hinahanap ang kung ano mang maaari kong ginagawa ngunit tanging kalsada lamang ang nandoon at iilang mga taong kaniya-kaniya ng ginagawa. "Ah, napatigil lang po dahil sa pagod pero pauwi na po ako," saad ko habang nakangiti. Tila tinanggap naman niya iyon dahil siya ay tumango at nagsimulang maglakad ulit papunta sa kung saan. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya at nakitang lumiko siya sa may garahe ni Aling Karmen, siguro'y may bibilhin. Muli kong ibinalik ang atensyon kina Jonathan na nag-uusap ngunit pagtingin ko ay wala na sila roon. Luminga ako sa paligid, sinusubukang hanapin sila ngunit wala na talaga. Bumuntonghininga na lamang ako at iiling-iling na nagpatuloy sa paglalakad. Sana lang ay huwag nilng gawin ang kung ano mang binabalak ng kausap ni Jonathan. Wala sa sarili kong tinahak ang daan papunta sa amin hanggang sa tuluyan na ngang nakauwi ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang narinig. Dinatnan ko si Arturo na nakaupo sa sala at abalang nagdo-drawing ng kung ano. Lumapit ako sa kaniya saka iniabot ang plastic n dala ko kung saan nakalagay ang mga pinamiling gulay na ilalagay ko sa sinigang mamaya. "Anong gagawin ko rito?" Ang boses ni Arturo ang umalingawngaw sa pandinig ko ngunit tila isang banyagang salita ang kaniyang tinuran kahit na tagalog naman pagkat wala akong naintindihan. Pakiramdam ko ay nririnig ko siya ngunit hindi ko makuha ang sinasabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at wala sa sariling binalingan. "Ha?" Nakatitig siya sa akin na tila hindi makapaniwala sa inaakto ko ngayon. "Sorry, gutom na kasi," natatawang usal ko upang malusutan ang mga nagbabadya niyang mga tanong...kahit hindi ko sigurado kung mayroon nga. Umiling lamang siya saka muling iniabot sa akin ang mga gulay ngunit tinitigan ko lamang ang mga iyon.. "Pwede bang paki-prepare na lang at maliligo lang ako sandali?" Bakas sa kaniyang mukha ang gulat. "Ako ang magluluto ngunit pakihanda na muna ang mga sangkap...kung ayos lang?" Hindi ko sigurado kung ayos lang ba sa kaniya o nahiya na lang siyang tumanggi. Tahimik niyang tinahak ang maliit na espasyo sa pagiitan ng sala at ng kusina saka roon mabagal na isinalansan ang mga gulay. Hinintay kong magtanong siya sa kung anong hindi niya alam kaya naman nagsimula na rin akong kumilos upang magawa ang sinabing gagawin. Maging sa pagligo ay tila isang proseso ng pagsikat at paglubog ng araw ang mga nasa isipan ko. May oras na naaalala ko ang narinig kanina, tila pagsikat ng araw ang estilo, mabagal na umaangat at sinasakop ang buong isipan ko ngunit may oras rin na tila nabablanko ako, tila nawawala ang mga bagay na nasa isipan kahit na alam kong nandiyan lang naman, gaya ng paglubog ng araw. Gaya ngayon, muli na namang bumalik sa alaala ko ang oraw kung kailan namin natagpuan ang batang si Tiara. Imbes na kasiyahan ang mamutawi sa amin ni Lumen habang iniuuwi ang bata ay takot ang aming naramdaan ng dahil sa isang misteryosong sigaw. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo sa buong parte ng katawan ko nang tila marinig muli ang sigaw. Pakiramdam ko ay nangyayari iyon ngayon. Ipinilig ko ang aking ulo at nagsimulang magseryoso sa pagligo. "Ganito ba?" Inangat ko ang tingin kay Arturo nang bigla na lang siyang magsalita pagkalabas ko sa banyo. Hawak ang tuwalya sa kanang kamay ay naglakad ako palapit sa itinuturo niya. Nanlaki ang mga mata ko sa itsura ng mga hiniwa niyang sangkap. Ang kamatis ay hiniwa niya ng pa-cubes, maging ang sitaw ay hiniwa niya ng pagkaliit-liit. "Mali, 'no?" Bakas ang panghihinayang sa kaniyang boses. Ang mukha niya'y nagpapakita ng panghihinayang at hindi magawang tumingin ng diretso sa akin na tila sasaktan ko siya ngayong nalaman kong nagkamali siya. May bakas ng takot sa mga mata niya na siyang hindi ko maintindihan. Ngumiti na lamang ako at pinasalamatan siya sa kaniyang ginawa sa kabila ng pagkakamali. Isa lamang maliit na pagkakamali iyon na hindi na kailangang palakihin pa. Para saan pa kung magagalit ako gayong hindi naman na maiaayos p ang nagwa niya, hindi ba? Ako lang din ang mahihirapang makaramdam ng inis at galit kaya huwag na lang. May mas kailangan pa akong problemaahin kaysa sa kamatis at sitaw na mali ang pagkakahiwa. Makakain din naman ang mga iyon pagkaluto kaya wala talagang rason para palakihin pa ang problema. Iisipin na lang na ibang estilo ng sinigang ang gagawin ko upang maiwasang maiparamdam sa kaniya na malaki ang pagkakamaling nagawa niya pagkat hindi naman. Maging sa pagkain ay panay ang hingi niya ng tawad at paulit-ulit kong sinasabi na ayos lang. Halos tuwing susubo siya ng pagkain ay palaging may kasunod na paghingi ng tawad. Maging tuloy ang pagkain ko ng taimtim ay naaabala sa ginagawa niya dahil sa paulit-ulit kong pagsabi na ayos lang talaga. Wala nga lang kaming makitang kamatis at sitaw sa ulam dahil natatambunan ang mga iyon ng karne, sabaw, at iba pang gulay. Pagkatapos kumain ay nag presinta siyang mag hugas ng mga pinagkainan kaya hinaaan ko na. Hindi ko na hinitay ang sagot niya nang magpaalam akong lalabas sandali, bago mabilis na naglakad paalis. Naroon muli si Jonathan kasama ang lalaking kausap niya kanina at pareho kong nakuha ang atensyon nila na siyang nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Hindi ko ala kung alam ba nilang narinig ko ang pinag-uusapan nila kanina o hindi. Tumango na lang ako bilang pagbati at didiretso na sana sa paglalakad nang bigla silang tumayo at sinalubong ako. "Ako nga pala si Alvin Macamandag," anang kasama ni Jonathan kasabay ng pag-alok ng pakikipagkamayan. Kinuha ko iyon sa kabila ng kabang nararamdaman at bahagyang inangat-baba sabay ngiti ng kaunti. "Joseph." Tumango lamang siya't binalingn ang tahimik na si Jonathan. Ang mga sugat sa kaniyang mukha ay pagaling na at tingin ko'y ilang araw na lang ay tuluyan ng mawawala ang mga iyon...basta huwag lag siyang magpabugbog ulit kay Lumen. Nagpaalam ako na mauuna na, na agad naman nilang pinaunlakan. Mabilis ang lakad ko at kahit na gusto silang lingunin ay hindi ko ginawa. Ramdam ko ang mga titig nilang nagpapalambot sa tuhod ko ngunit ginawa ko ang lahat para lang makapaglakad ng matuwid at hindi mahalatang kinakabahan sa presensiya nila. Mukha namang ayos lang si Jonathan sa kabila ng ginawa ni Arturo'ng pakikipag-usap sa kaniya patungkol sa pagdududa ni Arturo sa kaniya. Pagdating sa may court ay lumiko ako at pasimpleng binalingan ang lugar kung saan kami nag-usap ni Lumen patungkol kay Tan-tan at Jonathan ngunit wala siya roon. Kahit hindi sigurado kung madalas bang magpunta roon si Lumen ay doon ko naisipang hintayin siya. Ang maliwanag at bilog na bilog n buwan lamng ang naging libangan ko sa ilang minutong pghihintay. Maliban sa mga taong may kaniya-kaniyang ginagawa, ang mga aso at pusa na paminsan-minsang nagtatakbuhan ang nagpapaingay sa malamig na gabi. Naghintay pa ako ng ilang sandali, nagba-baka sakaling dumating siya ngunit kahit anino niya'y hindi nagpakita. Tahimik akong naglakad pabalik. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon. Hindi ko sigurado kung pumasok ba siya sa trabaho kaya siya wala o abala lamang siya sa paghahanap sa kaniyang pamangkin. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit ayaw niyang ipaalam sa iba ang pagkawala ni Tan-tan gayong malaki ang maitutulong nila upang mas mabilis na mahanap ang bata. Isa pa, paano niyang naitatago iyon? Hindi ba nagtataka ang mga kapitbahay kung bakit wala si Tan-tan at hindi nakikisali sa mga batang naglalaro? Sa pagliko ko ay siya namang pagliko rin ni Alvin. Pareho pa kaming nagulat sa presensiya ng isa't isa. "Tabi nga!" Bakas ang inis sa kaniyang mukha at boses. Walang imik akong humakbang ng dalawang beses pagilid upang mabigyan siya ng espasyong daraanan. Taas kilay niya akong nilagpasan saka mayabang na naglakad. Ang suot niyang malaking t-shirt ay sumasabay sa bawat ihip ng hangin. Hinawakan niya ang kaniyang sumbrero na tila inaayos. Imbes na dumiretso sa paglalakad at umuwi, naisipan kong umikot upang tinignan kung saan siya papunta. Binilisan ko pa ng bahagya ang paglalakad sa takot na mawala siya agad at hindi makita kung saan tutungo. Kumalabog ang dibdib ko nang makitang nag tuloy-tuloy siya sa paglalakad papasok sa gubat. Hinayaan ko munang makalayo siya ng kaunti bago tahimik na sinundan kahit na madilim at wala akong dalang ilaw. Ang kabog ng dibdib ko'y nakapalakas at hindi ako mapakali. Panay ang lingon sa kaliwa at kanan, sinusubukang maging mas alerto dahil sa dilim ng paligid ay posibleng hindi ko agad makikita kung may bigla mang sumugod man sa akin o wala. Matapos ang ilang minutong paglalakad, binasag ng ingay ng rumaragasang tubig ang katahimikang taglay ng lugar. Wala akong ibang marinig kundi ang kaluskos ng bawat dahong naaapakan ko sa tuwing humahakbang, ang huni ng mga kuliglig na nagkukubli sa kadiliman ng gubat, at ang malakas na agos ng tubig na nanggagaling sa ilog. Nakakaakit ang malakas na agos at tila gusto kong magtampiaw sandali. Tila dama ko na ang lamig na taglay ng tubig kahit naririnig ko lamang ang agos nito. Pakiramdam ko ay oras na lumusong ako roon ay mawawala ang lahat ng pangamba at problemang iniisip ko.  Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lamang hindi tuluyang maakit sa ilog. Ilang minuto na kong naglalakad at hindi ko na natatanaw ang sinusundan kong lalaki kaya naman imbes na hayaan pang mapahamak ang sarili ay nagpasya akong bumalik nalang. Ngunit sa tangkang pag-ikot pabalik ay napahinto ako nang makarinig ng kaluskos sa kung saan. Sinubukan kong hanapin kung saan iyon nanggaling ngunit bago pa tuluyang mahanap ay isang pares ng kamay ang bigla na lang tumakip sa bibig ko. Nagpumiglas ako, sinusubukang kumawala ngunit kakaibang lakas ang ipinapamalas ng kung sino mang nasa likuran ko. Patuloy ako sa pagpupumiglas habang mabagal niya akong hinahatak patungo sa kung saan. Tang*na, sino ba 'to? Katapusan ko na bang talaga? Sinubukan kong kagatin ang kamay na tumatakip sa bibig ko ngunit nabigo lamang ako. Tang*na talaga. Matinding pagsisisi ang naramdaman ko sa sandaling iyon. Kung sana ay hindi ako nagtagal at hindi ko hinayaang akitin ako panandalian ng ilog ay sana, mas maaga kong naisip na umalis n lang sa gubat at hindi na nangyari ito. Bawat hakbang ay sinusubukan kong magpumiglas at kumawala sa pagkakahawak ng kung sino man sa akin ngunit sa tuwing ginagawa ko iyon ay lalo lamang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa akin. Sa takot ay tila bumalik sa alaala ko ang mga pagpatay na nangyari sa lugar na ito. Lahat ng bangkay ng mga batang nakita ko simula nang makrating ako sa lugar na ito ay tila nagbalik sa alaala ko't pakiramdam ko ay tinatawag nila ako't inaayang sumama sa kanila. Ang t***k ng puso ko ay hindi na biro. Masakit at dama ko ang pagbabadya ng mga luha sa mata ko. Ramdam ko rin ang ahagyang panginginig at panlalamig ngunit kahit ganoon ay sinusubukan ko pa ring lumaban at magpumiglas. At least kung mamatay man ako ngayon, alam ko sa sarili ko na hindi ako basta-basta sumuko at na sinubukan ko pa ring lumaban, ibinibigay ang lahat ng lakas na natitira para mabuhay. Naramdaman ko ang mainit at matigas na dibdib sa likuran ko. Base sa mga naaaninag ko sa dilim nakatayo kami ngayon sa likuran ng isang puno ngunit hindi ko alam kung saang parte ng gubat ito. Rinig ko pa rin ang malakas na agos ng tubig kaya nasisiguro kong hindi kami nakalayo sa pinagmulan kanina. Isang kalaskas muli ang namutawi sa tahimik na kapaligiran kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para mag pumiglas pa at gumawa ng ingay. Ito lang ang naiisip kong paraan, ang agawin ang atensyon ng kung sino mang kasama pa namin dito sa gubat.  Isang marahang mura ang pinakawalan ng kung sino man itong walang hiya na humuli sa akin kasabay ng muling paglalakad niya, kinakaladkad ako patungo sa kung saan. Hindi ako tumigil sa kapipiglas at pagsubok na kumawala. Habang tumatagal ay pahina na ng pahina ang ingay na bigay ng ilog. Iyon ang naging palatandan ko na palayo na kami sa pinanggalingan kanina at hindi ko na alam kung saan kami patungo ngayon. "Tang*na, manahimik ka kung gusto mo pang mabuhay!" Mariing bulong ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD