Chapter 27

2343 Words
Takot at pangamba. Takot at pangamba ang nararamdaman ko habang pilit na kumakawala sa taong may hawak sa akin. Sinusubukan kong kumawala tuwing nakakakita ng pagkakataon ngunit habang tumatagal ay lalo lamang akong nanghihina at nanlalambot. Napapagod na ako sa kasisipa't kapipiglas ngunit ang mahigpit na pagkakakapit sa akin ng kung sino man ay hindi biro kaya kahit na anong gawin ko ay hindi ko magawang kumawala. Nagsisimula na kong makaramdam ng panghihina at nawawalan na ng pg-asang makatakas pa mul sa kamay ng taong ito. Gusto ko mang sumigaw at humingi ng tulong ngunit hindi ko magawa pagkat napakahigpit ng kaniyang pagkakatakip sa bibig ko gamit ang kaniyang isang kamay habang ang isa ay nakayakap sa may bandang bewang ko. Sinubukan kong kagatin ang kaniyang kamay. Ang mahinang daing niya ang nagbigay muli ng kalakasan sa akin ngunit agad ding naglaho nang hindi man lang natinag ang pagkakakapit niya sa akin. Inulit kong muli ang pagkagat at ganoon pa rin, dumaing lamang siya ngunit hindi ako binitiwan. Tila tinitiis niya ang sakit na nararamdaman para lang hindi ako mabitiwan. Bawat kaluskos na nagagawa ko sa bawat pagpiglas ay sinusuklian iyon ng isa ring kaluskos mula sa kung saan. Iyon ang palatandaan ko na bukod sa taong may hawak sa akin ay may iba pa kaming kasama rito. At sa bawat ingay na ginagawa ko ay unti-unting akong kinakaladkad ng lalaki papunta sa kung saan. Wala akong magawa sa tuwing naglalakad siya at nakakaladkad ako pagkat ayaw niya akong bitiwan. Sa tuwing nakakakita siya ng malaking puno ay nagtatago kami ng panandalian doon. Noong una ay hindi ko makuha kung bakit ngunit nang maisip na sa tuwing gumagawa ako ng ingay ay gumagawa rin ng ingay amg kung sino pang kasama namin dito sa gubat, doon lamang siya naglalakad at kinakaladkad ako patago sa mga puno, palayo sa kung sino mang kasama pa namin. Tila tinatakasan namin ang kung sino mang kasama pa namin dito sa gubat. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang matanaw ang maliliit na liwanag mula sa isang bahagi ng gubat hanggang sa unti-unti iyong lumaki at napagtanto kong malapit na kami sa b****a ng gubat. Mangiyak-ngiyak akong nagpumiglas, ibinibigay ang buong lakas na natitira para lang makawala na sa may hawak sa akin at makatakbo palabas. Ikinagulat ko ang biglaang pagbitaw ng lalaki sa akin ngunit hindi ko inaksaya ang pagkakataong iyon at dali-daling tumakbo palabas sa gubat. Ang kabog ng puso ko'y sobrang lakas na animo'y kakawala na ito ano mang oras sa dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang pagnginginig ng kamay ko kasabay ng matinding paghahabol ng hininga. Tila musika sa aking tainga ang marinig ang mumunting ingay mula sa mga taong nasa labas. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng tubig sa gitna ng disyerto, napakasarap sa pakiramdam. Ang malamig na hanging tumatama sa balat ko'y napakasarap sa pakiramdam. Para akong nakawala sa isang masikip na lugar at ang malamig na simoy ng hangin na diretsahang tumatama sa balat ko ang nagbigay ng matinding ginhawa sa akin. Isang mumunting kaluskos ang narinig ko mula sa likuran ko na siyang nagpabalik ng kaba ko. Bahagya akong naglakad palayo bago nagdesisyong lingunin iyon at halos iwanan ako ng kaluluwa sa nakita. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin sa seryoso niyang mga matang nakatingin din sa akin. Nagawa pa niyang ngumisi sandali saka marahang naglakad muli palapit sa akin. "G*go, Lumen!" Sigaw ko nang makabawi na sa gulat. "Tang*na, ikaw 'yung may hawak sa akin kanina?" Tumango siya't itinaas ang dalawang kamay sa gilid, senyales na tila sumusuko siya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano. Kung makakaramdam ba ako ng takot o kaginhawaan sa katotohanang siya ilang minuto kong pagpupumiglas ay siya lang pala ang may hawak sa akin. Tang*na. Pinanood ko ang mabagal niyang paglalakad palapit sa akin. Hanggang ngayon ay kumakabog pa rin sa kaba ang dibdib ko't nanginginig pa rin ang mga laman ko sa takot tapos siya lang pala ang walang hiyang nanghuli sa akin? Tang*na talaga. "Pasensiya na ngunit kinailangan kong gawin iyon," aniya sa isang mahinahong boses. Kahit hirap sa paghahabol ng hininga ay sinikap kong sabihin ang katanungang kanina ko pang gustong sabihin. "Bakit?" Dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niya akong takutin ng ganoon. Kung may sakit lang ako sa puso ay siguradong napatay na niya ako ng wala sa oras. Nagkibit-balikat siya kasbay ng isang malalim na buntonghininga. "Ano mna ang ginagawa mo sa gubat? Bakit ka nandoon ng ganitong oras, walang dlng ilaw o kahit na anong panlaban? Ano ang gagawin mo roon?" Natahimik ako ng ilang sandali sa tanong niya. Hindi ko sigurado kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang totoong dahilan ng pagpunta ko sa gubat ngunit hindi pa man ako nakakaisip ng isasagot ay may kaluskos na naman akong narinig mula sa gubat. "Kuya, nakawala pero..." sabay naming nilingon ang isa pang lalaki na lumabas mula sa gubat. Nanlaki ang mga mata ko't laglag ang panga nang makitang si Jonathan iyon. Tinawag na niyang Kuya si Lumen? Ibig bang sabihin ay maayos na sila? At ano ang ginagawa niya sa gubat? Siya ba iyong kasama namin kanina roon na pilit sinusuklian ang mga ingay na ginagawa ko? Ngunit kung siya nga, bakit ako pilit kinakaladkad dpatago ni Lumen? "May nahanap ako," usal niya kasunod ang bahagya niyang paglingon sa kaniyang likuran. Doon lumabas ang isang batang lalaki. Literal na nanigas ako sa kinatatayuan nang makita si Tan-tan na sugatan. Tahimik lamang ang bata habang nakatitig kay Lumen na tila hindi rin makakilos sa gulat. Nakasuot ng kulay puting t-shirt si Tan-tan at ang balat niya ay nababalot ng dumi at sugat. Namumula-mula ang kaniyang mukha at kapansin-pansin ang laki ng ipinayat niya. Tila ilang linggong hindi pinakain ng maayos ng bata. Ang kaniyang mga labi ay namumutla, mga matang nanagingitim na senyales ng hindi pgkakaroon ng maayos ata magandang tulog, ang kaniyang damt ay punit-punit. Kapansin-pasin din ang bahagya niyang panginginig at ang mga luhang nagbabadyang tumulo habang nakatitig sa kaniyang tiyuhing gaya ko ay hindi rin makagalaw sa kinatatayuan. Bahagya akong lumapit kay Lumen at hinawakan siya sa likuran. Ang mga namumula rin niyang mga mata ay tumama sa akin tingin nang lingunin niya ako. Ngumiti ako sa kaniya saka marahan siyang tinanguan, sinesenyasan na lapitan na niya ang pamngkin niyang nakaabang sa kaniyang paglapit at mahigpit na yakap. Doon pa lamang niya tila napagtanto ang nangyayari at mabilis na tinakbo ang pagitan namin at nina Jonathan. Mahigpit niyang niyakap ang pamangkin. Rinig na rinig ang kaniyang hagulgol habang hindi inaalis ang pagkakayakap sa bata. Bahagyang lumayo si Jonathan habang hindi iniaalis ang tingin sa dalawa. Unti-unti akong lumakad palapit sa kaniya habang pinapanood din ang nakakaiyak na tagpo ng mag tiyuhin. Tila isang drama sa telebisyon ang nangyayari ngayon at matinding lakas aang kinilangan ko para lang mapigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa mga mata ko. Hinawakan ko sa likuran si Jonathan bilang pagbati nang tuluyan ko na siyang malapitan. Tumango siya sa akin kasabay ng marahan ngunit pasimpleng pagpunas sa kaniyang mga mata na siyang ikinangiti ko. Akala ko ay ako lang ang naiiyak habang namumutawi sa tainga ko ang matinding iyak ni Lumen kaya ikinatuwa ko talaga ang makitang naluluha rin si Jonathan sa nakikita. Sumama ako sa paghahatid pauwi sa mag-tiyuhin nang gabing iyon. Hindi magawang bitiwan ni Lumen ang pamangkin at kahit gusto ng bata na maglakad ay pinilit niyang buhatin ito. Nasa likuran lamang kami ni Jonathan, tahimik na nagmamasid at sumusunod sa dalawa. Maya't maya nag paghalik ni Lumen sa pamangkin ngunit wala namang reklamo ang bata. Palagay ko ay na-miss din niya ng labis ang kaniyang tiyuhin. "Siguro naman ay hindi na ako pagdududahan ni Arturo niyan, ano?" Natatawang usal ni Jonathan na siyang ikinagulat ko. Nilingon niya ako ngunit pilit kong nilabanan ang sarili para lang hindi siya malingunan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tinuran niya. Nakarating na lang kami sa bahay ni Lumen ay hindi ko pa rin sinasagot ang sinabi ni Jonathan. Ramdam ko ang panay niyang tingin sa akin ngunit wala na akong pakialam. Bago pa tuluyang makapasok sa bahay si Lumen ay nagpaalam na akong uuwi na. Nang makita ang pagpayag niya ay wala na akong inaksayang oras at mabilis na tinahak ang daan pauwi. "Ano ang ginagawa ninyo sa gubat kagabi?" Tanong ko nang sumunod na gabi. Nakaupo ako sa isang silya rito sa sala ng bahay ni Lumen. Ito ang unang pagkakataon na makapunta ako rito. Kaninang pagsapit ng dilim ay ikinagulat ko ang biglang pagdating nilang dalawa ni Jonathan sa bahay at sinabing sumama ako sa kanila kaya heto, ilang oras na akong nakatambay rito sa bahay niya. Ang bahay niya'y kapareho lamang ng tinitirhan ko ngunit ang kaibahan, dalawa ang kwarto ng bahay ni Lumen. Ang isa ay gawa na sa semento habang ang isa ay sa sawali pa rin, gaya ng ibang parte ng bahay. Tingin ko'y inuunti-unti niya ang pagpapagawa rito kaya ganito. Kung sabagay, may regulaar siyang trabaho kaya regular din ang kaniyang sahod at doon niya marahil kinukuha nag panggastos upang mapagawang sementado ang bahay niya. "Ikaw, anong ginagawa mo roon?" Masungit na tanong ni Jonathan. Tinitigan lamang siya ni Lumen ng ilang sandali at nanahimik na agad na tila isang tuta. Natatawa ako ngunit pinipigilan ko pagkat hindi maganda iyon. "Hinahanap namin si Tan-tan. Sinabihan ko siya na kung hindi nga siya ang kumuha sa pamangkin ko, kailangan ay tulungan niya akong maghanap," seryosong paliwanag ni Lumen. Tumango ako sa kanila. "Nakita ko si Alvin na nagpunta roon kaya sinundan ko," ani ko naman, tinitignan ang magiging reaksyon ni Jonathan pagkat siya ang huling kausap ni Alvin bago ko ito makitang magpunta sa gubat ngunit tanging simpleng pagtango lamang ang iginawad niya. "Alam ko dahil nakita ko siya. Pasalamat ka dahil nakita ko siya kung hindi baka pinaglalamayan ka na namin ngayon." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "May hawak siyang itak at mabilis ang lakad palapit sa iyo. Noong una'y akala ko mararamdaman mo ngunit mukhang aliw na aliw ka sa ilog at hindi man lang kumilos kaya naman inunahan ko siya't hinatak ka." Naalala ko ang ginawa niya kanina. Doon ko napagtanto kung gaano ako naging pabaya sa sarili. Hindi ko talaga naramdaman kanina na may ibang kasama ako sa gubat at na nanganganib na pala ang buhay ko. Kung hindi dahil sa ginawa ni Lumen ay hindi ko magagawang maramdaman ang panganib. Akala ko pa ay si Lumen ang may dala ng panganib dahil sa ginawa niya sa akin. Naputol ang mga naiisip ko nang bumukas ang pintuan ng isa sa mga kwarto nila at iniluwa noon si Tan-tan. Balot pa rin ng sugat ang katawan niya ngunit mas maayos na ang kaniyang itsura kumpara sa itsura niya kagabi. Tinitigan ko ng ilang sandali ang bata na tahimik lamang na nilakad ang daan patungong tingin ko'y banyo bago muling ibinalik ang tingin kay Lumen. Umiling siya sa akin kasabay ng pagbuga ng isang malalim na hininga. "Wala pa rin. Tingin ko'y natakot ng sobra kaya ayaw magsalita. Ayaw ring kumain ngunit pinipilit ko kaya kahit papaano'y nakakakain naman. Sa gabi'y palaging umiiyak lalo na tuwing nakapatay ang ilaw." "Tingin mo, Kuya, sino ang may gawa niyan kay Tan-tan?" Nagkibit balikat lamang si Lumen sa tanong ni Jonathan. Hindi ako makapaniwalang maayos na ang dalawa. Sa ilang linggong itinagal ng away nila'y hindi ko akalaing magiging ganito kabilis ang pagbabati nila. "Hindi ko alam at iyon ang kailangan natin alamin. Tutulong ka ba, Joseph?" Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaking kasama. Pareho silang nakatingin sa akin, naghihintay ng isasagot ko sa tanong ni Lumen. "Bakit?" Tinaasan ko sila ng kilay, "ano ba sa tingin niyo ang dahilan kung bakit nagpunta ako rito sa baryo ninyo?" Tumango lamang sila at hindi na nagsalita pa. Ngunit sino nga ba ang may gawa nito kay Tan-tan? Tinitigan ko si Jonathan na kuryoso ring nakatingin sa banda kung nasaan si Tan-tan. Hindi ba talaga siya ang may gawa? Hindi naman sa pinagbibintangan ko siya ngunit maniniwala ba talaga si Lumen na inosente ang binatang ito dahil lang tinulungan siyang mahanap ang pamangkin niya? Posible namang nagpanggap lamang siyang nahanap niya si Tan-tan kahit na kinuha lamang niya ang bata at inilabas mula sa pinagtataguan niya nito, hindi ba? Posibleng ang mga kilos niya ngayon ay ginagawa lamang niya upang malihis ang atensyon namin sa iba, hindi ba? Ngunit kung ganoon nga, paano naming mapapatunayan iyon? Paano namin malalaman kung sino ang tunay na ounapatay kung ang mga ebidensyang nakakalap namin ay hindi sapat? Muling lumabas sa banyo si Tan-tan. Nagtama agad ang tingin namin na agad niyang iniiwas. Kapansin-pansin ang matamlay niyang kilos at ang takot sa kaniyang mga mata ay nagsusumigaw. Ilang oras din akong nanatili roon bago nag desisyong umuwi na. Kailangan ko pang magluto ng hapunan kahit na nakakain naman na ako rito kanina dahil sa bahay ay nandoon si Arturo. Tumayo ako na siyang umagaw sa atensyon ng dalawang kasama ko. "Uwi na ako," ani ko sa kanila. Tumayo rin si Lumen na ginaya rin ni Jonathan. Sinabayan nila ako sa paglalakad hanggang makarating sa may pintuan. "Salamat sa pagkain, Lumen. Mauna na ako." Tumango lamang sila. Akala ko ay mag isa na lang ako lalabas sa may gate niya ngunit ikinagulat ko ang biglang pagsulpot ni Lumen sa likuran ko. Hindi siya nagsasalita ngunit patuloy sa pagsunod sa akin na tila may gustong sabihin. Ang mga kamay niya'y nasa likuran, hawak ang isang maliit na paper bag. "Uh, ito na 'yung kailangan mo." Huminto ako nang iabot niya ang paperbag sa akin. Kinuha ko iyon, nalilito sa kung anong maaaring laman niyon na kailangan ko ngunit nang makita kung ano iyon, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. "Paano mo ito nakuha?" Tanong ko, tinutukoy ang bandana ni Jonathan na matagal ko ng gustong kuhanin. Nagkibit balikat lamang siya habang nakasingi pagkatapos ay kumaway at tumalikod na sa akin, nagsimulang maglakad pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD