"Ha?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Seryoso ka?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto ko siyang intindihin sapagkat maaaring itinulak lamang siya ng kagustuhang mahuli na ang kriminal ngunit kahit anong positibong bagay ang isipin ko, talagang hindi katanggap-tanggap ang kaniyang ginawa.
Ito ako, sinusubukang mag-isip kung paanong mapapatunayan pa ang paratang niya kay Jonathan tapos siya ay basta-basta na lang pala sumugod sa lalaki?
"Sinabi ko sa kaniya na alam ko ang sikreto niya. Sinabi ko na alam kong siya ang pumatapay sa mga bata. Wag kang mag-alala pagkat hindi ko sinabi na ganoon din ang iniisip mo. Ni hindi ko nga nabanggit ang pangalan mo ngunit dahil alam niyang magkasama tayo rito, maari naisip na niyang baka gaya ko ay iniisip mo ring siya ang pumapatay," aniya na parang simpleng kwento lang ang kaniyang sinasabi.
Nagbuga ako ng napakalalim na hininga at mataman siyang tinignan. "Alam mo naman sigurong hindi tama ang ginawa mo hindi ba?" Tanong ko sa isang nakakabobong tanong. Kumakabog ang dibdib ko sa inis na nararamdaman at pakiramdam ko'y gusto kong manakit. Mariin kong inihilamos ang nga kamay sa aking mukha upang kahit papaano ay makalma ako at hindi siya ang mapagbuntungan ko ng inis.
Kung hindi pa pala ako nagpanggap ni bibili ay hindi ko malalaman ito? Hindi talaga ako makapaniwalang ginawa niya iyon dahil ang buong akala ko ay nagkakaintindihan kami na kailangan naming mag-ingat at huwag magpadalos-dalos. Buong akala ko ay dahil nabanggit niya noon na pangarap niya ang trabahong ganito, alam niya ang dapat at hindi dapat gawin.
Tahimik siyang nakaupo sa sofa at pinagmamasdan akong panay ang silip sa bintana, tinitignan kung nandiyan ba si Jonathan. Ilang beses ko nang nakitang nakipag-away ang lalaking iyon kay Lumen at masasabi kong kahit dehado siya kay Lumen, nakakalaban pa rin naman siya kahit papaano.
Muli akong sumilip para lang makita ang tatlong lalaking nakatambay sa may tindahan. Panay ang sulyap nila dito sa banda ng bintana habang nag-uusap at nagtatawanan. Kumabog ang dibdib ko sa nakita. Hindi kaya mga kaibigan ito ni Jonathan na inutusan niyang umaligid dito? Nakakainis naman kasi si Arturo at masyadong nagpadalos-dalos.
Hindi ako nakakain ng gabing iyon. Mas pinili ko ang magkulong sa kwarto kaysa sa sala kung saan naroon si Arturo. Naiinis lang ako lalo tuwing nakikita ko ang itsura niyang tila hindi naman nag-aalala sa maaaring gawin ni Jonathan. Kung kumilos siya'y tila wala siyang ginawang mali. Parang normal na pangayyari lamang ang ginawa niya at tila hindi niya makuha kung gaano kalaking bagay iyon. Hirap na nga kami sa pangangalap ng maraning ebidensiya na magtuturo sa totoong pumapatay, ipinapahamak pa niya kami sa mga taong itinuturing naming suspect.
Ano naman kaya ang naging reaksiyon ni Jonathan nang kausapin siya ni Arturo? Ano ang eksaktong sinabi sa kaniya ni Arturo at ano ang eksaktong pinag-usapan nila? Ang mga kaisipang itpo ang patuloy na bumabagabag sa akin simula nang malaman ko ang kaniyang ginawa. Hindi talaga ako makapaiwalang nakay niyang kompronthin si Jonathan. Hindi man lang ba siya nakaramdam ng takot lalo na't iniisip din niyang gustong biktimahin ni Jonathan ang matanda?
Iniisip ko pa lang na kung ako ang nakakita ng nakita niya, ang una kong mararamdaman ay takot. Takot sapagkat posibleng tinangka ngang saktan ni Jonathan ang matanda kaya bakit pa ako lalapit sa kaniya pagkatapos kong masaksihan ang ganoong bagay, hindi ba?
Kinabukasan ay nagising ako sa isang marahang katok. Inis pa akong tumayo dahil halos katutulog ko pa lang ngunit heto at kailangan na namang tumayo para lang tignan kung sino ang kumakatok. Bago lumabas ng kwarto ay tinignan ko muna ang cellphone ko, iniignora ng panandalian ang patuloy na kumakatok sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas nuebe pa lang ng umaga.
Walang lumalabas sa mga kapitbahay namin tuwing umaga kaya sino ang kakatok ng ganitong oras? Marahan akong lumakad palabas ng kwarto at nakitang mahimbing na natutulog si Jonathan sa sala. Nakanganga pa ito na tila pagod na pagod mula sa kung anong ginawa.
Nilingon ko ang main door kung saan naroon pa rin ang kung sino na patuloy sa pagkatok. Sinubukan kong sumilip sa isang butas ngunit bigo akong makita kung sino iyon hanggang sa tuluyan na ngang tumigil ang pagkatok. Dali-dali akong lumapit sa may bintana at muling sumilip sa isa pang maliit na butas ngunit muli lamang akong nabigo.
Bumalik ako sa kwarto sa pag-aakalang makakatulog pa akong muli ngunit ilang oras na ang lumipas, mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Kumakabog pa rin ng malakas ang dibdib ko at hindi mawala sa isipan ang nangyari kanina.
Sino naman ang mangangahas na kumatok ng ganoong oras gayong hindi lumalabas ang mga tao rito tuwing umaga? Hindi kaya si Jonathan na nagsisimula na sa pananakot sa amin? Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko iniisip ko pa lang na pupuntahan kami ni Jonathan dito para saktan. Para tapusin na ang aming buhay upang wala ng sumagapal pa sa mga gagawin niya...iyon ay kung guilty talaga siya sa pagpatay sa mga bata.
Kahit saan ko tignan ay wala talagang naidulot na maganda ang ginawa ni Arturo. Nakasira pa ito sa plano kong pakikipagkaibigan ng bahagya kay Jonathan upang mahiram ang kaniyang bandana at makakuha ng piraso sa tela noon kahit na nangako naman si Lumen na siya ang bahalang kumuha roon ay hindi ko pa rin maaaring iasa na lang sa kaniya gayong trabaho ko naman ito. Ngunit paano ko pang gagawin kung isiniwalat na ni Arturo ang mga naiisip namin patungkol sa kaniya.
Isa na namang katok ang nang-istorbo sa akin kinahapunan ngunit imbes na sa main door, sa kwarto ko iyon kumakatok kaya alam kong si Arturo iyon. Hindi ako sumagot. Bahala siya riyan at naba-badtrip ako. Paano ko na lang haharapin si Jonathan kung makasalubong ko siya sa labas?
"Joseph, lalabas na muna ako," mahinang usal niya sa labas matapos ang ilang minutong pagkatok. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas kwatro pa lang ng hapon ngunit lalabas na si Arturo? Mabilis akong tumayo upang pigilan sana siya ngunit wala na siya roon. Hindi pa lumulubog ang araw at hindi ko alam kung bakit naisipan na niyang lumabas gayong ilang oras na lang naman ay mag-ga-gabi na. Sa halip na hayaan ang sariling mamroblema pa sa kaniya ay minabuti kong ipinagkibit-balikat na lamang iyon sapagkat alam naman niya siguro ang kaniyang ginagawa.
Isang mensahe ang pumasok sa cellphone ko galing sa isang hindi kilalang numero. Naupo ako sa sala kasabay ng pagbabasa sa text message ng kung sino man.
Unknown:
See u :)
Kunot noo kong tinignan iyon. Sino na naman ba ito? Sinubukan kong reply-an iyon, tinatanong kung sino ba siya ngunit ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako nakakatanggap ng reply. Paulit-ulit kong tinitignan ang cellphone ko, nagbabaka sakaling may reply na ngunit nabibigo lamang ako tuwing ginagawa iyon.
Minabuti kong lumabas pagsapit ng dilim upang makita si Jonathan at malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita ako. Abot langit ang kaba ko nang makitang marami na ang tambay sa may tindahan ngunit iba ngayon pagkat wala si Jonathan doon na madalas naman nilang kasama noon.
Naglakad ako palapit sa may plaza, balak na roon muna tumambay sandali upang hindi gaanong halata na nagmamasid ako. Tumayo ako sa gitna dahil walang upuan. Umihip ang malakas na hangin na siyang nagparamdam sa akin kung gaano kalamig ngayon. Maling-mali na isinuot ko ang isang manipis na t-shirt. Sana pala ay nag jacket ako o kahit 'yung mas makapal lang na damit upang kahit papaano ay nakakalaban ako sa lamig ng hangin.
Rinig ko hanggang dito ang ingay ng mga taong may kaniya-kaniyang ginagawa. Ang iba'y nagkukwentuhan sa may gilid ng kalsada, ang iba'y nakatambay sa harapan ng tindahan habang ang iba naman ay nag-uusap habang naglalakad at nagpapatuloy sa kanilang mga trabaho.
Ang malakas na ihip ng hangin ay yumayakap sa balat ko dahilan ng bahagyang panginginig dahil sa nipis ng suot na damit. Kung alam ko lang sana na magiging ganito kalamig ang gabing ito ay sana nagsuot ako ng mas makapal na damit ngunit huli na. Nasa labas na ako't tinatamad ng umuwi kaya titiisin ko na lamang ang lamig.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo sa gitna ng plaza na parang tanga. Sinubukan kong maglakad-lakad papunta sa kung saan-saan para hindi gaanong makuha ang atensiyon ng maraming tao. Kahit malamig at bahagyang nanginginig ay nilabanan ko iyon pagka't nais ko talagang makita si Jonathan upang malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya.
Nang mainip ay naglakad ako pabalik at nagpunta sa tindahan ni Aling Karmen. Panay ang tingin ko sa labas, tinitignan at baka dumaan si Jonathan ng hindi ko napapansin. Ramdam ko ang bawat titig ni Aling Karmen sa akin ngunit pasensiya siya't masyado na akong maraming iniisip na problema kaya huwag na sana siyang dumagdag pa. Kung tutuusin ay nandiyan naman iyong matandang lalaki na madalas mangulit sa kaniya. Napagtanto ko kamakailan lang na ang matandang lalaking ito at ang may-ari noong bahay kung saan ko nakita si Aling KArmen noon ay iisa kaya hindi ko maintindihan kung bakit tila galit si Aling Karmen sa matandang lalaki gayong tila may namamagitan naman sa kanila.
Wala sa sarili akong kumuha ng sitaw at kamatis saka inilagay iyon sa isang plastic na kinuha ko kanina. Muli kong sinulyapan ang labas ngunit wala pa ring Jonathan na nagpakita. Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon at tila hindi niya naisipang tumambay ngayon sa may tindahan? O baka naman...huwag naman sana ngunit may pakirmdam akong may kinalaman ang ginawa ni Arturo ang hindi pagpapakita ni Jonathan ngayon.
Nilapitan ko ang isang basket kung saan nakalagay ang mga labanos at kumuh ng dalawa roon. Sunod kong nilpitan ang reezer upang makakuha ng karne at pagkatapos ay agad na dumiretso sa kung nasaan si Aling Karmen upang magbayad.
"Sinigang? Sarap ah, pwedeng makikain?" Namutawi sa pandinig ko ang mapang-akit na boses ng matanda. Nagawa pa niyang hagudin ang kamay ko nang subukang abutin ang mga pinamili kaya naman imbes na iabot ng maayos ang mga iyon sa kaniya ay nagawa ko tuloy ibagsak sa mesang asa harapan niya. "Sungit. O, sige ikaw na lang kaya kainin ko?"
Sinamaan ko siya ng tingin na sinuklian lamang niya ng bahagyang pagtawa at iling. "Wag ako Aling Karmen. Siya na lang." Nilingon niya ang itinuro kong matandang lalaki na nakatayo sa tapat ng gate niya. Isang pamilyar na lalaki ang biglang dumaan na agad nagpalaki sa mga mata ko. Kahit may sukli pa ay hindi ko na iyon kinuha at dali-daling tumakbo palabas.
Tumatawang naupo si Jonathan sa tabi ng isang hindi pamilyar na lalaki. Nagtatawanan sila n animo'y ito na ang huling pagkakataon para tumawa. Bahagya pa akong lumapit para mas marinig ang kanilang pinag-uusapan ngunit siniguro kong hindi ako mahahalata kaya naman pinili kong tumayo sa may gilid at inilabas ang cellphone ko.
"G*go, kinausap ka talaga niya? May dala bang ilaw?" Tumatawang usal ng lalaking kasama ni Jonathan na aumiling lamang bilang tugon sa kaniyanag kausap.
Ilang minutong namagitan ang katahimikan sa kanila na umabot pa sa puntong nakalimutan ko na ang ginagawang pikinig sa usapan nila. Nalibang ako sa katititig sa cellphone ko at nang sulyapan sila ay pareho lamang silang tahimik na naninigarilyo. Mayroong bote ng alak sa tabi nang lalaking kasama ni Jonathan na tingin ko'y iniinom din nila.
Muli kong inaalingan ang cellphone ko nang tumunog ito para sa isang tawag galing sa hindi kilalang numero. Walang pakundangan kong sinago iyon ngunit hindi agd ako nagsalita. "Hello?" Tumatawang boses ng babae ang namutawi sa kabilang linya.
"Joseph? Natanggap mo ba ang mensahe ko?" Sa puntong ito ay nakilala ko na ang boses. Walang salitang pinindot ko ang buton para maputol ang tawag. Tang*na, ano na naman ba ang gusto ni Jinky at tila may balak na naman siyang manggulo?
"Ano? pagtritripan lang naman natin at hindi natin sasaktan!" Malakas na sigaw ng lalaking kausap ni Jonathan na siyang umagaw muli ng atensiyon ko. Tanging ngiti at iling lamang ang isinasagot ni Jonathan sa kabila ng pamimilit ng kasama sa kung ano. "Sige na! Kung umakto ka naan ay parang napakabait mong nilalan," aniya pa.
"G*go, wala akong sinabing mabait ako pero hindi ako aabot sa puntong mananakit ako ng kapwa ng walang dahilan. Kung gusto mo ay ikaw na lang."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig ang mga katagang tinuran ni Jonathan. Tila hudyat iyon na kailangan ko ng bitiwan ang pagdududang nararamdaman ngunit hindi maaari. Habang hindi nahuuli ang totoong pumapatay pagdududahan ko ang lahat ng kaduda-dudang tao.
Ibinulsa ko ang cellphone at nagsimula na sa paglalakad pauwi. Mukhang ayos lang naman si Jonathan kaya uuwi na ako. Isa pa, baka masira pa ang karneng binili ko kaya kailangan ko na talagang umuwi at magluto.
"Hindi ba't ikinukulong naman iyon noong bata pa siya?" Kunot noo akong napahinto at napalingon muli sa dalawang lalaki. Hindi ko na sana papansinin ngunit nang banggitin ni Jonathan ang pangalan ng kanilang pinag-uusapan ay tila iniwan ako ng kaluluwa ko at wala ng balak bumalik. Seryoso ba sila?