Chapter 24

2112 Words
Ilang oras na ang nakalipas ay nandito pa rin kami ni Arturo, nakatitig sa mga lalaking nakatambay sa may tindahan. Halos katatapos lang naming pag-usapan ang nangyari sa kaniya. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin niyang si Jonathan nga ang pumapatay. Hindi gaya noong mga nakaraan na purong mga salita lamang ang kaniyang panlaban sa akin, ngayon ay nakahanap siya ng maaaring sumuporta sa iyang pagdududa kay Jonathan. "Paano kung kumatay lang siya ng manok? Posible, hindi ba?" Iyon ang paulit-ulit kong tanong sa kaniya mula kanina na hindi niya sinasagot. Panay lamang niya akong iniilingan sa tuwing sinasabi iyon na animo'y ipinapamukha kung gaano kamali ang sinasabi ko. Basta ang kaniyang paulit-ulit na sinasabi ay nakita niyang may dalang itak na puno ng dugo si Jonathan. Tahimik lamang siya ngayon sa tabi ko, nakatanaw sa mga tambay sa may tindahan. Magtatanong pa sana ako ng mga detalye ngunit paglingon ko'y nagulat na lamang ako nang biglaang manginig ang kaniyang mga kamay at hindi siya makatingin ng diretso sa akin. May bakas ng takot sa kaniyang mga mata, ang mga labi'y bahagyang nanginginig tuwing sinusubukang magsalita. Kapansin-pansin din ang bahagyang pamumutla ng kaniya g mukha na tila nakakita ng multo kaya naman minabuti kong hayaan na lang muna siya. Marahil ay dala ng takot kaya ganoon anng ipinapakita niyang reaksiyon. Ilang minuto kong pinagmasdan lamang ang kaniyang pamumutla at panginginig ngunit nang hi di na kayanin ay sinubukan kong pakalmahin siya sa pamamagitan ng pagpapainom ng tubig at bahagyang paghagod sa kaniyang likuran ngunit paulit-ulit lamang niyang tinatanggihan. Nagawa pa niyang hawiin ang kamay ko dahilan ng pagkakabitaw ko sa basong hawak na agad nabasag pagkatama sa sahig. Sa gulat ay natulala ako ng ilang sandali sa mukha niyang naiinis bago tuluyang nakakilos. Kinuha ko ang walis at ang dust pan saka tahimik na inalis ang mga nagkalat na bubog sa sahig, hindi umiimik pagkat alam konh oras na magsalita ako ay posibleng makapagsabi ako ng salitang baka lalong magpalala sa nararamdaman niya kaya minabuti kong magpigil at manahimik na muna. "Iyon si Jonathan..." Aniya matapos angn ilang oras na pananahimik. Tinignan ko ang kaniyang tinitignan at sa may tindahan, nakatayo si Jonathan at nakikipagtawanan sa mga lalaking nandoon kanina. "Hulihin mo na siya!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong nilingon kasabay ng kaniyang bahagyang pagsigaw. "Ano pang ginagawa mo? Sigurado akong siya ang pumapatay!" Halos itulak pa niya ako palabas ng pintuan. Sa gulat at matidning pagtangging nararamdaman ay hindi ko sinasadyang masagi ang kamay niya dahilan ng malakas na pagkakatulak ko sa kaniya. Ang sunod na nakita ko na lang ay nakaupo na siya sa may sahig, hinihimas ng bahagya ang puwitan niyang nauna yata sa pagbagsak habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa akin. "Pasensiya na, hindi ko sinasadya!" Natatarantang usal ko kasabay ng mabilis na paglapit at tangkang pagtulong sa kaniya upang makatayo. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman sa nangyari. "Hindi ko talaga sinasadya!" Tumayo siya't pinagpagan ang bandang likuran niya saka bahagyang tumawa na siyang ikinagulat ko. Napahinto ako't hindi nakakilos, tanging pagtitig lamang sa reaksiyon niya ang nagawa. Humakbang siya ng isanh beses palapit sa akin ngunit pinanatili pa rin niya ang saktong distansiya upang hindi kami masyadong malapit sa isa't isa. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko't bahagyang niyugyog ang buong katawan ko. "Ano ba, Joseph?" Gigil pa niyang usal, taliwas sa expresyon niyang natatawa kanina. Umiling lamang ako sa kaniya. Hindi ko lubos na akalaing ganito ang magiging reaksyon niya kung makakita ng ganoong bagay. I mean, hindi ko alam kung natatakot ba siya, nasisiyahan o ano. Alam ko namang normal na reaksyon ng tao ang ganito kung makakita ng dugo ngunit tila may iba sa reaksyon niya. Tila gusto niyang hulihin ngayon din si Jonathan kahit hindi sapat ang nakita niya bilang ebidensiya. Tila ayaw niyang hindi nasusunod ang gusto niya at nagagalit siya kapag ganoon. Hindi ko maintindihan. Nakakaya naman niyang tignan ang litrato ng mga biktima ngunit bakit ganito ang kaniyang reaksyon ng dahil lang sa itak ni Jonathan? 'Di hamak na mas malala ang itsura ng mga biktima kaysa sa itak na may dugo. Kung ako ay mas gugustuhin ko na ang makakita ng itak na may dugo pagkat pwede kong isipin na maaaring kumatay lang sila ng baboy o ano mang hayop hindi gaya ng sa mga litrato ng biktima, katawan iyon ng taong patay na at halos lumangoy sa sariling dugo. Idagdag pa ang kanilang leeg na may maliit na hiwa. Mas nakakatakot iyon at nakakadiri. "Bakit ka umiiling? Bakit ayaw mong hulihin si Jonathan?" Nanlaking lalo ang mga mata ko nang makitang nagsimulang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Ang kamay niyang nakakapit sa magkabilang braso ko'y unti-unting lumuwag at bumagsak sa kaniyang tagiliran. Kapansin-pansin ang bahagya rin niyang panginginig na siyang hindi ko maintindihan. Sinubukan kong hawakan siya ngunit hinawi lamang niya ang kamay ko. Sinubukan kong lumapit ngunit isang hakbang ko pa lang ay umatras siya ng ilang beses hanggang sa mawalan siya ng balanse at mapaupo sa sahig. "Arturo..." sinubukan ko siyang lapitan muli ngunit lalo lamang siyang lumayo kaya tumigil ako. Nagbuga ako ng malalim na hininga habang patuloy siyang pinagmamasdan na umiiyak sa sulok. "Hindi natin siya maaaring basta-basta na lang hulihin ng dahil lang sa nakita mo. Hindi sapat na patunay iyon," usal ko gamit ang kalmadong boses. Nag-angat ng tingin ang namumula niyang mga mata sa akin. "Bakit? Paanong hindi sapat ang nakita ko gayong sigurado akong puno ng dugo ang itak na dala niya? Idagdag pa ang matandang sugatan na tinulungan ko! Posibleng namang matanda ang bibiktimahin sana niya ngunit nakatakas! At nakita ko!" Umiling ako. "Hindi pa rin sapat lalo na't hindi naman natin sigurado kung ang sinasabi mong dugo sa itak ni Jonathan at ang dugo noong matandang tinulungan mo ay tugma. Kailangang makakuha muna tayo ng sample at maipa-test iyon sa eksperto, Arturo." Patuloy siya sa pag-iling habang punakikinggang ang mga sinasabi ko. "Isa pa, mas ayos sana kung nakuhanan mo ng litrato o video ang tangkang pananakit niya sa matanda gaya ng sinasabi mo upang may mas matibay pa tayong panlaban kay Jonathan ngunit wala. Wala kang kahit na anong patunay, Arturo. Tayo pa ang mapapahamak sa lagay na iyan." Naalala ko ang dugo sa braso niya na hinugasan niya kanina. Kung hindi niya sana ginawa iyon ay maaaring iyon ang gamitin naming sample at kakailanganin na lamang ang dugo sa itak ni Jonathan ngunit huli na ang lahat. Nakatulog si Arturo sa ganoong posisyon. Sinubukan kong gisingin siya't palipatin ngunit ayaw niya kaya hinayaan ko na lang. Mukhang pagod na pagod siya at kailangan talaga ng pahinga. Nagdesisyon akong magluto ng pagkaing may sabaw upang pagkagising niya ay kakain na lamang siya. Lumabas ako at nagpunta sa tindahan para sana bumili ng sangkap sa nilagang baboy na lulutuin nang makasalubong ko si Lumen. Iiwasan ko sana ngunit hinarangan niya ang dadaanan ko kaya wala akong nagawa kundi ang huminto at labanan ang titig niya. Napataas ang kilay ko nang hawakan niya ang palapulsuhan ko't nagsimulang hatakin papunta sa kung saan. Bahagya akong nagpumiglas ngunit lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakakapit niya sa akin. Dinala niya ako sa isang maliit na bahay na gawa sa semento na ngayon ko pa lamang napuntahan. Isa ito sa iilang bahay na gawa sa simento dahil karamihan ay gawa lamang sa sawali. Luminga-linga muna siya sa paligid na akala mo'y may pinagtataguan bago mas inilapit ang sarili sa akin. Napaatras ako ng bahagya ngunit agad niyang hinawakan ang magkabila kong braso dahilan kung bakit bahagya lamang ang nagawa kong paglayo. "Nawawala si Tan-tan." Bulong niyang nagpagulat sa akin. "Noong isang gabi ay nahuli ko si Jonathan na sinusubukang kuhanin ang pamangkin ko ngunit hindi siya nagtagumpay dahil nga nahuli ko. Ngayon ay tuluyan na ngang nawawala si Tan-tan at hindi ko alam kung anong gagawin ko mahanap lang siya sa lalong madaling panahon." Kunot noo ko siyang tinignan. "Bakit tila sinisikreto mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit kailangan pa niya akong dalhin dito gayong maaari naman niyang sabihin iyan sa akin doon sa labas? "Hindi mo ba nakita si Jonathan sa labas? Binabantayan niya ang mga kilos ko lalo na't alam niyang siya ang itinuturing kong pumapatay sa mga bata. Tulungan mo akong mahanap at mailigtas ang pamangkin ko, Joseph." Iyon ang unang beses na narinig kong ganito kalumanay ang boses niya. Ni hindi niya ako sinamaan ng tingin at nginisian gaya ng normal niyang ginagawa. "Paano?" Dahil hindi ko na talaga alam kung paanong mahuhi ang pumapatay. Malabong si Lumen dahil biktima na rin ngayon ang kaniyang pamangkin habang si Jonathan, hindi rin sapat ang mga patunay namin. Malabo ang lahat. Sobrang labo na kahit saan ako tumingin ay wala akong makitang maaaring maghatid sa akin sa harapan ng kriminal. Habang tumatagal ay lalong humihirap ang lahat. Bawat bagay na nahahanap namin na maaaring maging ebidensiya ay lumalabo sa paglipas ng araw at tila lalo kaming napapalayo sa kriminal. Pakiramdam ko, lumalayo kami sa hustisya tuwing may bagong ebidensiya kaming nakakalap at iyon ang hindi ko maintidnihan. Iyon ang nagappalito sa akin. May mga times kung saan sinusubukan kong tumawag kay Chexter para manghingi ng tulong ngunit tanging pang-iinsulto lamang ang natatanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko naman matawagan ang ibang kasamahan ko noon pagkat hindi nila alam ang patungkol sa ginagawa kong ito at hindi na ako sigurado kung nagpalit na ba sila ng numero o hindi. Naalala ko ang bandana. Kailangan naming mapatunayan na ang bandanag iyon ni Jonathan at ang tela sa mga bangkay ay iisa ngunit kailangan muna naming makuha ang mga iyon. Noong gabi ring iyon ay pinlano ni Lumen ang lahat. Siya ang nangakong kukuha sa bandana ni Jonathan habang ako ay babalikan ang mga lugar kung saan natagpuan ang mga bangkay upang tignan kung nandoon pa ba ang mga tela. Kung wala ay hihingi na ako ng permiso sa bawat pamilya ng mga biktima upang muling buksan ang kanilang libingan upang makuha ang tela dahil kung wala sa lugar kung saan sila natagpuan ay siguradong nasama iyon sa libing. Isang bagay na ikinaganda ngunit kakaiba sa baryong ito ay hindi uso ang embalsamo kaya kailangang ilibing agad ang mga namamatay. Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ko na naisipan pang magtanong pa. I don't even know kung maituturing bang magandang bagay iyon dahil nananatiling puro ang bawat parte ng katawan at ang mga bagay na maaaring gawing ebidensiya ay hindi nagagalaw o mas nagpapahirap lamang iyon lalo na't kung may nag eembalsamo, maaaring sila ang kumolekta sa mga gamit na maaari kong kuhanin para sa imbestigasyon. Talagang kakaiba ang lugar na ito. Hindi ko sigurado kung matutuwa akong natuklasan ko ito at naranasan ang kakaiba nilang pamumuhay o hindi. Para akong bumalik sa nakaraan kung kailan nagsisimula pa lamang umasenso ang buhay ng mga tao. Tila ang makaluma nilang pamumuhay ay oilit sumasabay sa modernong pamumuhay kahit hindi pa naman kaya. "Saan ka galing?" Salubong ni Arturo pagkauwi ko. Nasa may gate pa lamang ako ay nakita ko na siyang nakatanaw sa may bintana at hindi ko akalaing sasalubungin niya ako ng isang masungit na tingin at tanong. Nakapamewang siyang nakatayo sa may tapat ng pintuan, nakatitog sa akin habang nakataas ang isang kilay. Saka ko pa lamang naalala na bibili nga pala dapat ako ng pangnilaga ngunit dahil kay Lumen ay nawala iyon sa isipan ko. "Diyan lang sa labas, nagpahangin ng kaunti." Paliwanag ko. "Nagugutom ka na ba? Bibili sana ako ng ilulutong ulam kaya kukuha muna ako ng pera." Itinuro ko ang kwarto at nagpanggap na pumasok doon. Pagkalabas ko'y nakatitig agad ang mga kuryoso niyang mga mata sa akin. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at akmang lalabas na nang bigla siyang magsalita. "Huwag ka na munang lumabas." Malamig ang kaniyang boses at hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nilingon ko siya, nakataas ang kilay. "Baka nakaabang si Jonathan." Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "Bakit naman mag-aabang si Jonathan diyan sa labas?" At wala naman siya kaninang umuwi ako kaya bakit niya naisip na nag-aabang ang binata sa labas? Nakatanaw nga siya sa bintana kaya sigurado akong nakita naman niyang walang Jonathan na nakaabang. Nag-iwas siya ng tingin at hindi sumagot. "Bakit nga, Arturo? Sinabi ko naman sa iyo, maaaring mali ang iniisip mo ngunit huwag kang mag-alala dahil malalaman din natin ang totoo kung mag iimbes-" "Kinompronta ko siya kanina...at hindi kita nakita sa labas. Saan ka ba talaga galing? Bakit ka nagsinungaling na galing ka sa labas gayong halos kauuwi ko lang din galing sa labas at hindi kita nakita roon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD