Chapter 21

2238 Words
Agad kong nilapitan si Tan-tan na nakasandal sa pintuan. Itinulak ko pagilid si Jonathan para madali kong malapitan ang bata. "Mali ang iniisip mo!" Aniya habang umiiling-iling pa at halos kunapit sa braso ko para lang ibigay ang atensyon ko sa kaniya. Hinawakan ko ang palapulsuhan ng bata upang masiguro kung buhay pa ba ito at sa kabutihang palad, malakas pa rin ang t***k ng pulso niya. Sinamaan ko lamang ng tingin si Jonathan saka pilit na inangat ang walang malay na bata. Bahagya ko siyang hinagis, inaayos ang pgkakabuhat sa kanya upang maiwasan ang pagkahulog niya lalo na at hindi niya msusuportahan ang sarili dahil walang malay. Sumunod sa amin ang umiiling-iling na si Jonathan habang paulit-ulit na sinasabing mali ang iniisip ko. "Maniwala ka sa akin, hindi ako ang kumuha sa kaniya! Hindi ako ang dahilan ng pagkawala niya ang ilang araw!" Hinayaan ko lang siyang sumunod hanggang sa makabalik kami sa bahay ni Aling Karmen. Halos mabali ang leeg nilang lahat nang halos sabay-sabay na lumingon sa akin. Kitang-kita ang biglang panlalaki ng mga mata at paglaglag ng panga ni Lumen nang dumako ang tingin niya sa hawak ko at halos madapa pa siya't matumba ang bawat upuang dinaanan niya nang mabilisang tumayo at patakbong lumapit sa akin. Inagaw niya ang batang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Kapansin-pansin ang mga luhang tila namumuo sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa kaniyang pamangkin na nasa bisig niya. Lalong lumiit tignan ang katawan ng bata sa malalaking braso ni Lumen. Naglakad siya palapit sa mga lamesa na agad namang pinagtabi-tabi ng mga kalalakihan kasabay ng pag-aalis ng laman ng mga ito upang doon ihiga ang bata. Pagkalapag ay bumaling agad sa akin ang masamang tingin ni Lumen. Mamula-mula ang mga mata niya at sa likod ng kaniyang masamang tingin nagkukubli ang mga luhang tingin ko'y ano mang oras ay tutulo na. Maging ang mga mata ng aming mga kasama ay nagsusumigaw ng pagtataka at pagtatanong. "Nakita ko si Jonathan na inilapag si Tan-tan sa harapan ng bahay ninyo." Itinuro ko ang lalaking katabi ni Lumen. Huwag niyang sabihing ako ang sisisihin niya gayong halos ibuhos ko ang lahat ng oras ko mahanap lang ang pamangkin niya. Sadyang sinuwerte lang ako dahil nakita kong dumaan si Jonathan at dala niya ang walang malay na bata. "Alam kong oras na makita ninyo ako ay iisipin ninyong ako ang may gawa ng kaniyang pagkawala kaya naman ngayon pa lang ay sinasabi ko nang hindi." Nilingon ko si Jonathan na biglang sumulpot mula sa likuran ko. Sumulyap siya sa akin ng mabilis bago ibinaling ang paningin niya kay Lumen na ngayon ay sa kaniya na ipinupukol ang masasamang tingin. "Sa tingin mo maglalakas loob pa akong magpakita rito kung ako nga ang kumuha sa kaniya? Hindi dahil ayokong mamatay ako sa bugbog. Kung mamamatay man ako ay hindi ikaw ang magiging dahilan noon, Kuya Lumen." Matamang humakbang palapit si Lumen. Tila nagsiga si Satanas sa kaniyang mga mata at tanging nag-aapoy na galit lamang ang sinasalamin ng mga iyon. Ang kaniyang mga ugat sa kamay ay halos kumawala sa kaniyang balat sa higpit ng pagkakakuyom ng kaniyang mga kamao. Tingin ko'y isang suntok lang niya kay Jonathan ay tulog agad iyon sa tindi ng galit na ipinapakita niya. Ngunit hiling ko na sana, ngayon, hindi galit ang kaniyang pairalin kundi pang-unawa at pandinig. Kailangan niyang pakinggan ang paliwanag ni Jonathan kung gusto talaga niyang malaman ang totoo. Oo, posibleng gumawa ng kwento si Jonathan upang mailigtas ang kaniyang sarili kung siya nga ang may gawa ngunit malalaman mo naman kung nagsisinungaling ba ang isang tao sa pamamagitan ng kaniyang pananalita. Isa pa, paano kung paiiralin ni Lumen ang galit niya at sa huli, malalaman na inosente pa lang talaga si Jonathan? Hindi ba't sayang lang sa pagod? Sayang ang magandang samahan na masisira? And how will we know the truth kung hindi tayo matututong makinig? "Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo ng ganon-ganon lang? Hindi ako tangang gaya ng imbestigador ninyo, Jonathan." Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa kaniyang tinuran. Talaga bang tinawag niya akong tanga? Hanggang dito ba naman, wala pa ring tiwala ang mga tao sa akin? Sinuklian ko ng isang napakasamang tingin si Lumen kahit na hindi sa akin nakatutok ang kaniyang atensyon. Siniguro kong pati demonyo ay manginginig at titiklop sa sama ng tingin ko. Isang sampal sa akin iyon na maging ang taong gusto kong tulungan ay mababa ang tingin sa akin. Kaya kong lunukin ang masasakit na salita ni Chexter sa akin pagka't kaibigan ang turing ko sa kaniya at kilala ko siya. May mga salita siyang tinuturan na madalas ay hindi naman mula sa puso niya. Ngunit ang malaman na maging si Lumen ay mababa ang tingin sa akin, si Lumen na ang tingin ko'y isang kliyente dahil taga rito siya sa baryong tinutulungan kong maresolba ang problema, masakit iyon. Sa huli, nanahimik na lamang ako sa isang gilid, nagmamasid sa bawat galawayt salita ng mga taong nakapaligid sa akin. Agad na nilapitan ng ilang lalaki si Lumen at Jonathan upang masigurong walang sakitang magaganap at nang pumagitna ang mga kababaihan sa pangunguna ni Aling Karmen, napagdesisyonan ng lahat na panandaliang pakalmahin muna ang sitwasyon. Sinegundahan iyon ng asawa ni Aling Lota, pagkat mas makabubuti raw kung mag-focus na lamang muna si Lumen sa kalagayan ng kaniyang pamangkin. Noong una ay tumatanggi pang sumunod ang lalaki ngunit nang mabalingan ang walang malay niyang pamangkin sa lamesa na pilit ginigising nina Aling Karmen kasama sina Aling Lota at iba pang mga kababaihan ay tinalikuran at iniwan na rin niya si Jonathan. Ngayon ko tuluyang napagtanto kung gaano kahirap mamuhay ng mag-isa. Nang isa-isang nagdesisyo ang lahat na umuwi, mag-isa akong naglakad pauwi, walang makausap, walang kaibigan. Sa ilalim ng liwanag na dala ng buwan kasabay ng paghaplos ng malamig na hangin sa balat ko, malungkot kong tinahak ang daan pauwi. Pagdating sa bahay ay walang sasalubong sa akin at magtatanong kung kamusta ba ang araw ko, kung nakakain ba ako sa oras. Simula nang lumipat at manatili ako sa baryong ito, parang unti-unti akong nilalamon ng kalungkutan at kahirapan. Ang matayog kong tingin sa sarili at pangarap noon ay unti-unting ginigiba ng mga taong nasa paligid ko. Sa amin ay kahit anong ibato nila sa akin, kayang-kaya ko silang ignorahin at labanan ngunit bakit pagdating dito, isang salita lang ng simpleng tao, sobrang apektado ko na. Sobrang sakit na ang naibigay sa akin. Hindi ko na maialis sa isipan ko. Isang salita na nag-iwan ng napakatinding pinsala sa pagkatao ko na siguradong habang buhay kong dadalhin at maaalala. Hanggang kailan ba nila ipaparamdam sa akin na tila isa akong daga na walang alam? Kailan ba nila makikita ang mga mabu uting bagay na nagagawa ko para sa kanila at para sa iba gayong halos ignorahin ko na ang sarili, ang mga sarili kong problema, para lang maresolba ang problema ng iba? Hanggang kailan ba ako magtitiis sa mga salitang ibinabato nila na 'sing talas ng isang punyal? Hanggang kailan ako mananahimik kahit na sobrang sakit na ng mga sugat ko na natamo ko mula sa kanila? Nagising ako kinabukasan nang maingay na tumunog ang cellphone ko. Alas sais pa lang at halos isang oras pa lamang ang tulog ko ngunit kailangan kong sagutin ang tawag kung hindi, mararatrat ako ni Mama. Minsan lang din siyang tumawag ka wala akong ibang magagawa kundi ang sagutin at isakripisyo ang mahiwagang tulog ko sa pag-aakalang importante ang kaniyang sasabihin kaya napatawag ng biglaan ngunit ipinaalala lamang niya ang kagustuhan niyang iwan ko na ang trabaho rito at umuwi na lang. Kung noon ay pinipilit kong magpatuloy, ngayon ay hindi ko na alam. Sinabi ko na lang na tatapusin ko ng mabilis ang trabahi rito upang makauwi na kaagad at nangakong hindi na muna magtatrabaho pagdating ng araw na iyon. Kung may pagkakataon man ay hahanap na lamang siguro ako ng ibang trabaho na may kinalaman pa rin sa trabaho ko ngayon ngunit 'yung hindi mas mabigat at nangangain ng oras. Muli akong nakatulog pagkatapos ng tawag na iyon at nagising na lang ulit nang mag-ingay na naman ang mga kapitbahay ko. Walang gana akong tumayo at dumiretso sa sarado kong bintana upang buksan iyon at makita kung anong mayroon. Tila nagkakagulo sa labas dahil ang patuloy na pagsigaw ng mga babae ay siyang bumabagabag maging sa mga natutulog na ibon. Pabalik-balik ang iilang babae habang ang sigaw ng iilang kalalakihan na tila may sinasabing hindi ko maintindihan ay humahalo sa sigaw ng mga babae. Humihikab pa ako nang maisipang lumabas dahil wala akong ibang makita mula sa bintana kundi ang mga pabalik-balik lang na naglalakad. Sa kabila ng napapapikit kong nga nata ay pinilit kong gisingin ang diwa ko sa pamamagitan ng paglalakad. Dumiretso ako sa gate at pwersahang binuksan iyon. Sa kaliwang bahagi ng kalye nagmumula ang ingay kaya naman doon ko agad ibinaling ang aking tingin. Sa tapat ng bahay ni Aling Karmen ay kumpulan ng mga lalaki na tila may pinagkakaguluhan ang bumungad sa akin. "Anong mayroon?" Tanong ko sa babaeng dumaan malapit sa akin, papunta sa kung saan. "Ah? Si Jonathan, binubugbog na naman ni Lumen." Kalmado niyang usal sabay kibit balikat pa na animo'y normal lang. Sa kaniyang mukha ay wala man lang bakas ng panic o takot na animo'y sanay na siya sa awayan ng dalawa. Hindi ko na sana lalapitan pa ang mga nagkakagulo upang hindi na madamay pa ngunit ang pagiging kuryoso ko ay hindi ko natalo. Mabilis ang lakad ko palapit kina Aling Lota na naonood lang sa gilid at miminsang nakikisigaw lalo na tuwing umaamba ng suntok si Lumen. Nang mamataan ako ni Aling Karmen ay wala rin siyang sinayang na oras at agad akong nilapitan kaya naman nakangiti akong sumingit at gumitna kay Aling Sita at Aling Lota upang hindi niya ako tuluyang malapitan. "Kung hindi pa ako nagising ay magagawa mong kunin ang pamangkin ko!" Sigaw ng galit na galit na si Lumen habang pilit na inaambahan ng suntok ang puro pasang si Jonathan. Umiling si Aling Lota kasabay ng isang malalim na buntong hininga. "Ang kulit. Sinabi na kasing kausapin na lang muna ng maayos at wala silang mareresolba kung purong galit ang paiiralin." Bulong pa niya. Hindi ko maintindihan bakit hindi hinahayaan ni Lumen na magpaliwanag ang binatilyo at kung bakit todo patol siya rito gayong alam naman niyang bata pa ito? Hindi ko alam kung ano ang eksaktong edad ni Jonathan basta ang alam ko, wala pa siyang bente anyos dahil iyon ang sinabi ni Lumen. Oo, naiintindihan ko na nagagalit si Lumen dahil sa nangyari kay Tan-tan na pamangkin niya ngunit hindi sapat ang mga ebidensiya o nakita niya para akusahan ng ganito si Jonathan. Gaya ng ginawa ko, hindi ko tuluyang inakusahan si Lumen dahil alam ko sa sarili kong hindi sapat ang mga ebidensiyang hawak ko at purong base lamang ang mga iyon sa obserbasyon ko. "Bakit po ba sila nag-aaway ngayon?" Kuryosong tanong ko habang pinagmamasdan ang dalawang pilit pa ring inaawat ng mga kalalakihan. "Nahuli 'di umano ni Lumen si Jonathan na tinatangkang itakas si Tan-tan kaya ayan, nag a-amok na naman si Lumen." Ani Aling Lota bilang sagot sa tanong ko. Halos gabi-gabing nag-aaway ang dalawa at halos gabi-gabi ring inaawat ng mga kasama namin ang mga ito. Walang tigil na sigawan at kaguluhan ngunit sa pagkakataong ito, hindi p*****n ang nagaganap kundi bugbugan. Ikatlong gabi na at maaga akong lumabas sa daan para abangan kung mag-aaway na ang dalawa ngayong gabi ngunit ang puno ng pasa na Jonathan lamang ang namataan ko. Nakabalot ang kaniyang ulo, maging ang mukha at tanging mata na lang ang kita ng isang kulay asul at checked na balabal. May ruffles sa magkabilang dulo ng balabal at kapit na kapit si Jonathan doon. Hindi ko na sana papansinin dahil mukhang may iba siyang pupuntahan nang may maalala sa balabal niya. Kunot noo ko siyang pinagmasdang naglalakad palayo sa akon habang pilit na inaalala kung saan ko ba unang nakita ang ganoong disenyo ng balabal ngunit ngayon pa naisipang magtaksil ng memorya ko at wala akong maalala. Marahil ay matagal ko ng nakita ang ganoon lalo na't kagagaling ko lamang sa bayan ilang araw na ang nakalilipas kaya siguro ako pamilyar sa disenyong iyon. Ilang gabi na ring hindi nagpapakita si Arturo at ngayon ko lang napansin sa sobrang gulo ng paligid. Marahil ay may ginagawa siya sa kanila kaya hindi nakakapunta rito. Siguro ay inaabala niya ang sarili sa pag-guhit lalo na't napansin kong tila hilig niya iyo. Magaling naman siya at kung ako ang magdedesisyon, maaari niyang pagkakitaan ang pagguhit sa galing niya. Nanatili ako sa labas ng ilang sandali, nilalanghap ang sariwang hanging dala ng hanging amihan. Malapit na ang pasko at sana, makauwi na ako at matapos na ang kaguluhan dito bago ang araw ng pasko. Nang makaramdam ng lamig ay nagpasya akong pumasok na lang sa bahay at mula sa bintana na lamang pagmamasdan ang mga tao sa labas. Pagpasok ay kinuha ko ang librong hindi ko pa nasisimulang basahin kasama ang mga litrato ng mga biktima upang may magawa naman akong trabaho kahit papaano nang may mapansin. Naaalala ko na kung sana ko unang nakita ang disenyo ng balaban na suot ni Jonathan! Kaya pala pamilyar sa akin dahil unang beses ko iyong nakita sa larawan ng mga biktima! Tang*na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD