Chapter 19

2252 Words
"Baka naman may ginawa lang na importante kaya naisipan niyang lumabas?" Usal ko habang nakasunod kay Lumen na mabilis ang lakad. Katatapos lang ng kaniyang trabaho at agad na siyang naglakad papunta sa kung saan para raw hanapin si Jonathan. Hindi ko nga sigurado kung tapos na bang talaga ang trabaho niya o nag under time lang siya upang masundan si Jonathan. Panay ang paalam ng iilang babaeng kausap niya kanina na sinuklian lang ng pagtango at bahagyang pagkaway. "Alam mo bang wala pang bente anyos si Jonathan? At delikado para sa kaniya ang nasa labas lalo na'tang alam ko, hindi pa iyon nakakalabas sa baryo kailanman." "Oh? Hindi ka sigurado kung nakalabas na ba siya noon sa baryo o hindi?" Panunuya ko. "Akala ko ba ay marami kang alam patungkol sa mga tao sa lugar ninyo?" Irita niya akong tinignan. Bakas sa mukha niya ang matinding inis na pinantayan ko ng ngising mapang-asar. Akala niya siya lang ang marunong mang-asar? "Marami akong alam ngunit hindi ko sinabing lahat. Magkaiba 'yun." Okay, tapos na ang usapan. Kailan ba ako mananalo sa asaran laban kay Lumen? Nakakainis na sa tuwing tingin ko ay naiinis ko na siya ay saka naman siya nakakaisip ng pambara sa akin. "Ano ngayon kung wala pa siyang bente? Ilang taon na ba siya? Eighteen?" Pag-iiba ko sa usapan. Nagsisimula na ring magwala ang mga dragon sa tiyan ko na siyang nagti-trigger ng inis ko dahil sa oras na ito ay dapat kakain na kami ngunit mas inuna pa niyang hanapin sa napakalaking palengke si Jonathan. Bahagya akong nagsisi na sinabi kong nakita ko ang binata. "Saka, hindi rin naman ako sigurado kung siya nga iyon." Matamang usal ko habang pilit siyang hinahabol. "Sixteen pa lang si Jonathan, Joseph kaya delikado para sa kaniya ang nasa labas." Sinulyapan niya ako sabay tigil sa paglalakad. Akala ko ay hihinto na kami sa paghahanap sa binatilyo ngunit mali. "Doon tayo sa kabila." Sinulyapan ko ang orihinal na lalakaran sana namin ngunit isang malaking pader lang ang nandoon. Dead end na. Lumakad kami ulit pabalik at pagdating sa tapat ng kaniyang pinagtatrabahuan, agad siyang binati ng mga babaeng tingin ko'y kakilala niya. Sikat pala talaga itong lalaking ito kaya naman pala ganito siyang kumilos. Siguro'y iniisip niyang gusto siya ng lahat? Oh well, mukhang gusto nga naman siya ng lahat lalo na ng mga babae. Sumunod ako nang lumiko siya sa isang eskinita sa tabi lamang ng kaniyang pinagtatrabahuan at pagdating sa dulo ay isang grocery store ulit ang bumungad. "Ayaw mo bang mamili tayo ng pagkain para iba naman ang makain natin sa baryo? Gaya ng karne." Wala sa sariling saad ko habang nakatitig sa grocery store. Nakakatakam makita ang nga posters na may litrato ng iba't ibang klase ng karne dahil sa baryo, purgang-purga na ako sa gulay. Sinulyapan ni Lumen iyon pagkatapos ay nagbuntonghininga. "Gutom ka na?" Ngayon lang ba niya napansin? Sinulyapan ko ang relo ko at nakitang late na para sa tanghalian at masyado pang maaga para sa hapunan. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko sa gutom tapos ngayon lang niya naisipang magtanong? Nakasimangot akong tumango sa kaniya. Halos magpalakpakan ang mga tainga ko nang maglakad siya palapit sa isang fastfood restaurant. Agad akong pumili ng pagkain dahil hindi na maitiis ang gutom, idagdag pa ang mabangong amoy ng manok na siyang lalong nagpapakalam ng tiyan ko. Sinabihan ko si Lumen na mag hanap ng upuan at ako na ang bahalang pumila. Hindi naman mahaba ang pila kaya mabilis lang din akong natapos at kakaunti lang din naman ang in-order ko, 'yung sakto lang para sa aming dalawa. Nahirapan ako ng kaunti sa paghahanap sa kaniya dahil pinili niya ang upuang nasa pinakasulok at malayo sa mga tao. Tinaasan ko siya ng kilay, "takot ka sa mga tao? Roon tayo sa gitna!" Mainit sa puwestong napili niya dahil malayo ito sa air conditioner at halos dito pa ang bagsak ng sikat ng araw kaya hindi ko maintindihan kung bakit ito ang napili niyang puwesto. "Hindi ako takot sa mga tao. Iniiwasan ko lang ang mga babaeng iyon." Nilingon ko ang iningunguso niya at nakitang may grupo ng mga kababaihan ang nagtatawanan habang panay ang sulyap sa kaniya. May isa pang lakas loob talagang kumuha ng litrato gamit ang kaniyang cellphone. Sana lang ay wala ang mukha ko sa kuha niya. Ibang klase. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya saka siya tinaasan ng kilay. "Sikat ka pala ano?" Kinurot ko ang balat ng manok at itinabi iyon sa gilid. Mamaya ko iyon kakainin dahil naniniwala ako sa kasabihang save the best to the last. Sinulyapan ko siya nang hindi siya sumagot at ikinagulat ko ang masamang tingin niya sa kung saan. Sinundan ko ang tinitignan niya at doon, sa mesang halos katapat namin ay nakaupo ang binatang si Jonathan habang gulat ding nakatingin sa amin. Inasahan kong lalapitan siya ni Lumen pagkatapos kumain kaya nang marahas siyang tumayo at lumapit kay Jonathan na nababalisa na, hindi ko alam kung susunod ba ako at iiwan ang pagkain o hahayaan sila at mag focus sa pagkain? Wala na akong nagawa nang hatakin palayo ni Lumen ang binata sabay sulyap sa akin bago nagsimulang maglakad palabas. Agad kong isinubo lahat ng balat ng manok na itinabi ko at mabilis na ininom ang softdrinks bago tumakbo para habulin sila. "Aray!" Sigaw ni Jonathan habang pilit na inaalis ang kamay ni Lumen sa tainga niya. "Talagang masasaktan ka, Jonathan. Bakit ka lumabas ng baryo?" Bakas ang galit sa boses ni Lumen habang patuloy na hinahatak sa tainga ang kawawang si Jonathan. Nakasimangot akong nakasunod sa kanila, ramdam pa rin ang pagkagutom. Pauwi na kami at pare-pareho mukhang ako lang ang masama ang loob dahil sa pagkaing hindi nakain. Sayang ang perang pinambili. Sayang ang pagkain. Gusto ko sanang i-take out na lang pero masyadong gigil si Lumen at agad na lumabas hatak-hatak si Jonathan. "May ginawa lang na importante, Kuya!" Paliwanag ni Jonathan na may namumulang tainga. Nakakaawa ngunit mas nakakaawa ang dragon sa tiyan ko na kanina pa ngumangawa. Sa kabila ng pagkagutom, hindi nakalagpas sa akin ang itinawag niya kay Lumen. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan sila. "Kuya ka ni Jonathan? Kapatid mo siya?" Pareho lang nila akong tinignan na tila hindi makapaniwala. Ilang minuto akong naghintay ng sagot ngunit walang dumating kaya ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at nanahimik habang sumusunod sa kanila. Wala namang masama sa tanong ko, ah? Kuryoso lang naman kung magkapatid sila dahil tinawag niyang Kuya si Lumen. Pagdating aa matalahib na daan ay biglang tumawid sa hanging bridge ang mga kasama ko kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Madilim at tanging ang maliit na flashlight na siyang ginamit namin kaninang palabas ang mayroon kami idagdag pa na masyadong mauga ang tulay kaya talagang nakakatakot. Ito ang unang pagkakataon na makadaan ako rito kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan. Idagdag pa na may kataasan din ang tulay at tingin ko'y tuyong ilog ang nasa bandang ibaba kaya kung mahulog ka man, asahan mong malaki ang tiyansa na mapilayan ka. Malas kung may batong nakaabansa babagsakan mo. Hindi ko alam kung anong oras na nang makaapak kami sa may court. Dito pala ang diretso kung sa tulay dadaan at kung hindi naman, ay roon malapit sa bahay ni Aling Lota ang lusot. "Umuwi ka na, Joseph." Malamig na usal ni Lumen na siyang ikinagulat ko. Ilang sandali kaming nagtitigan, nagtataka sa biglaan niyang pagpapauwi sa akin. Hindi ko alam kung panao niya akong napatango basta nakita ko na lang ang sarili ko na mag-isang naglalakad pauwi. Sarado ang bahay ngunit aakalain mong umaga sa sobrang daming ilaw na nakabukas. Agad kong itinulak ang pintuan at nang tuluyan na iyong nabuksan, bumungad sa akin ang tulog na si Arturo. Nakahiga siya sa sofa at nakapatong sa kaniyang tiyan ang mga papel. Lumapit ako at pinulot ang isa. May drawing na mukha ko at masasabi kong napakagaling niyang talaga. Imbes na ibalik iyon sa kaniya ay kinuha ko iyon at idinala sa kwarto saka isinabit sa dingding. Magaling siya gumuhit, kuhang-kuha niya ang kagwapuhang taglay ko. Muli akong lumabas at dumiretso sa kusina para magluto ng itlog dahil hindi ko na kaya ang gutom ko. Baka kung patagalin ko pa ay himatayin na lang ako bigla. Todo ingat ako sa pagkilos upang hindi magising si Arturo na mukhang pagod na't mahimbing na ang tulog. Hindi ko alam kung kumain na ba siya o hindi ngunit minabuti kong huwag na lang istorbuhin ang pagtulog niya. Hindi naman siguro niya hahayaang magutom ang sarili. Sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako pagkatapos kumain ng mabilisan. Ni hindi na nga ako nakapaghilamos at nakapagpalit ng damit sa sobrang pagod. Tanghali kinabukasan nang magising dahil sa mabangong amoy ng sinigang. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Sa sala, nakaupo si Arturo habang may hawak na libro. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Magandang umaga!" "Nagluluto ka?" Tanong ko kahit halata namang nagluluto nga siya. Tumango naman siya bilang sagot saka ngumiting muli. Naglakad ako palapit sa kusina at doon nakita ang niluluto niyang sinigang na hipon. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon saka dumiretso sa banyo para maghilamos. Ganoon ulit ang routine namin sa mga sumunod na araw. May iilan siyang maliliit na detalyeng napapansin sa nga litrato at lahat ng iyon ay pinakinggan at tinignan ko. Malaking tulong nga talagang tinanggap ko si Arturo dahil mukhang mas mapapabilis ang imbestigasyon ko. Siya ang nagpapaalala sa akin na amy trabaho akong kailangang gawin dahil madalas, nawawala iyon sa isipan ko at kung umakto ako ay aakalain mong isa lang akong turista na naligaw sa baryong ito. "May suot silang singsing..." inaantok kong usal saka itinuro ang manipis na singsing sa hinliliit ng nga bata. Napansin ko ito sa mga katawan ng mga bata noon ngunit inignora ko lang sa pag-aakalang wala lang iyon ngunit ngayong tinititigan ko ang litrato, may napansin akong kakaiba. "May pattern." Usal ni Arturo habang nakangisi at nakatitig sa akin. Inabala namin ang aming mga sarili sa pagtatrabaho. Tinawagan ko pa si Chexter para ipaalam na may mga ipinadala akong papel sa kaniya at ipaalam na buhay pa ako kahit na tila wala siyang pakialam. Pagkatapos ay tinawagan ko si Mama para kamustahin siya ng mabilisan dahil nagmamadali 'di umano siya. "Ano? Kamusta sa bayan? Maganda ba?" Nilingon ko ang matinis na boses ng batang lalaking nakatayo sa may harapan ng gate ko. Nakasandal siya roon at nakahawak habang ngingisi-ngisi sa kausap niyang si Jonathan. Umayos ako ng pagkakaupo sa hamba ng bintana para mas makita sila ng maayos. "Balita ko, nahuli ka ni Kuya Lumen at iniuwi ng wala sa oras dito?" Pang-aasar pa niya kasunod ng napakalakas na tawa. "Ang lakas ng loob mong sabihin na hindi ka na babalik at sa bayan na titira, ni hindi ka nga umabot ng isang araw." Aniya pa. Ang batang nang-aasar kay Jonathan ay isa sa mga batang madalas na kasama ni Sarah sa mga kalokohan noon. Kung hindi man, isa siya sa mga nangunguna sa pang-iinis kay Sarah at sa ibang bata. Minsan ko na rin siyang nakitang nang-aasar kay Aling Karmen noon sa tindahan nito ngunit hindi umuubra sa matanda. Napadaan si Aling Lota at napasulyap sa dalawa bago bumaling sa akin ang kaniyang tingin. Tinanguan ko siya bilang pagbati na sinuklian naman niya ng isa ring tango nang hindi tumitigil sa paglalakad. Muli niyang sinulyapan ang dala bago tuluyang pumasok sa bahay nila. "G*go ka, ah?" Napabaling agad ang tingin ko sa dalawang lalaki at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak na ni Jonathan sa kwelyo ang bata. Nagpupumiglas ang bata at halatang nahihirapan na siyang huminga kaya agad akong bumaba mula sa kinauupuan at walang oras na sinayang para makalabas. Wala sana akong balak makialam ngunit hindi ko kayang makitang nahihirapan ang bata dahil dehadong-dehado siya. Doble ang laki ni Jonathan sa bata at siguradong isang suntok lang nito ay tulog agad ang batang lalaki. Pagdating ko roon ay nakalapit na sina Lumen at ang dalawnag lalaking kasama niya na parehong nakahawak kay Jonathan saka pilit na inilalayo sa batang halos mamula na at hirap na hirap sa hahabol ng kaniyang hininga. "G*go ka, Jonathan! Papatayin mo ba si Tan-tan?" Galit na sigaw ni Lumen saka sinubukang itulak si Jonathan ngunit hindi nagawa dahil nakakapit sa kaniya ang batang Tan-tan yata ang pangalan. Pilit na nagpupumiglas si Jonathan ngunit mas malakas sa kaniya ang dalawang lalaking humahawak sa kaniya. Sinulyapan ako ni Lumen na siyang ikinagulat ko. "Pwede bang ipasok mo muna si Tan-tan sa inyo?" Bakas pa rin ang galit sa boses niya. "Bakit?" Kunot-noong tanong ko. Gigil niya lang akong tinignan. Aba, malay ko ba kung bakit gayong hawak naman na nila si Jonathan! Bakit hindi na lang niya pauwiin ang bata? Ilang sandaling nagtagal ang titigan namin. Hindi ako nagpatalo pagkat napapansin kong napapasunod niya ako tuwing tinititigan ng masama at idinadaan niya sa inis. Hindi na uubra sa akin iyon, 'no! Makalipas ang ilang segundo ay nagbuga siya ng malalim na hininga. Akala ko'y hindi na niya ipipilit ngunit nagkamali ako. "Basta! Sumunod ka na lang kasi!" Sigaw niyang nagpagulat talaga sa akin. Kaysa sa akin pa tuluyang mabaling ang galot ni Lumen, tahimik ko na lang na binuksan ang gate ko. Dali-daling tumakbo papasok doon ang bata. "Huwag mong palalabasin hanggat hindi ko sinusundo." Aniya pa pagkatapos ay umalis na kasama ang dalawang lalaki at si Jonathan na nagwawala pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD