*3RD PERSON'S POV* ~~~ HINGAL NA HINGAL silang dalawa matapos maghiwalay ang kanilang mga labi. Nakatingin lang si Ainessa sa binata, kung patuloy akong magiging marupok pagdating sa kanya. Ako ang magiging kawawa sa huli. Aniya sa kanyang isipan. "Hayaan mo muna akong magpaliwanag, pakinggan mong mabuti kung anong sasabihin ko." Seryosong sabi ng binata kay Ainessa, tumango naman siya bilang sagot. Umupo sila sa sofa, hinawakan ng mahigpit ni Ramsey ang kamay ni Ainessa. Huminga muna ng malalim ang binata, kinakabahan baka hindi siya pakinggan ng dalaga. Maghihintay naman si Ainessa sa sasabihin ni Ramsey. "Si Tayce siya ang gusto ng aking ama na pakasalan ko, oras na wala akong ipinakilala sa kanyang babae bago ako mag kuwarenta. Anak siya ng kaibigan ni dad, hindi na ako magsisinun

