CHAPTER 6 [MY INTOXICATED UNCLE]

2154 Words
*AINESSA‘ POV* ~~~ TULUYAN na akong gumaling kaya pumasok na ulit ako. Pero ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Ramsey. Huli na yung nagbigay siya sa akin ng mga chocolates, may bulaklak pa hindi ko alam kung pinapataba niya ba ako or ano. Pero laking tulong din ng binigay niya dahil habang nagrereview may kinakain ako. "Nessa, next week may outing tayo makakasama ka? Lahat tayo kasama pati mga teacher." Salubong sa akin ng aking kaklase pagpasok ko ng classroom. "Update kita magpapaalam pa ako eh." Agad kong sagot sa kanya, ngumiti siya sa'kin habang tumatango. "Sige sana makasama ka, sabihin muna din kila Eevee hindi ko pa sila nakakausap." Tumango naman ako bilang sagot bago ibinalik ang aking atensyon sa pagbabasa. Maya-maya pa ay dumating na yung dalawa galing sa Cafeteria. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad. "Bruha, nakita muna ba yung tungkol kay Mr. Socorro?" Tanong sa akin ni Eevee pag-upo niya sa tabi ko. Tumingin naman ako sa kanila, anung tungkol sa kanya. "Hindi mo pa nababasa? Nakita ko sa f*******: kanina wait lang. Dapat mong makita 'to." Seryoso niyang sabi, nanatiling namang tahimik si Daveda Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinasabi nila sa'kin. Ano bang tungkol sa kanya ilang araw pa lang siyang hindi nagpaparamdam may tsismis na agad. "Yung totoo Nessa, may relasyon ba kayong dalawa?" Mahinang na tanong sa akin ni Daveda, hindi pa ata nahahanap ni Eevee yung sinasabi niya. "Sabi niya sa akin gusto niya ako, at liligawan pero hindi ata itutuloy dahil ilang araw na siyang walang paramdam. Saka hindi naman ako umasa sa sinabi niyang yon." Talaga ba Ainessa hindi ka umasa, asang-asa ka ngang ligawan ka niya. Sabi ng aking isipan, kung hindi niya itutuloy edi isa siyang sinungaling. "May nararamdaman ka para sa kanya?" Muli niyang tanong, lalo akong nagtataka dahil sa mga tanong ni Daveda. Ano bang nangyayari?. "Siguro hindi ko pa alam kung ano ang aking tunay nararamdaman para sa kanya. Bakit ang dami mong tanong?" Naiirita ko ng tanong sa kanya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Ang weirdo nilang dalawa, hindi tuloy ako makapag review ng maayos. "Kasi may nabasa kami sa f*******:, kaya hindi nagpaparamdam sa'yo si Mr. Socorro engaged na siya kay Tayce Heraldo. Matagal na pala hindi lang nila isinapubliko, may nabanggit ba siya sayo tungkol doon?" Hindi ako makapagsalita nanatili lang akong tahimik, pakiramdam ko kapag may lumabas sa aking bibig, tutulo na yung luha na gusto ng kumawala. "Ito nakita ko na, magkasama sila sa isang beach ang sabi doon mag-propose si Mr. Socorro." Kwento ni Eevee, habang may binabasang article sa f*******:. "Pero ang sabi ni Mr. Socorro may babae siyang karapat dapat niyang pakasalan hindi si Tayce. Ang gulo kasi nag-propose siya tapos ayaw naman palang pakasalan. Ano sa tingin mo diba Nessa? Ikaw ka Yong binabanggit niya?" Tanong ni Eevee sa akin. "Hindi ko alam sa kanya marami siyang babae, baka isa sa kanila. Wala naman akong pakialam kahit magpakasal siya, sino ba naman ako para sa kanya? Wala akong panama kay Tayce pa lang, isa siyang sikat na modelo mas bagay silang tingnan." Lalo akong dinudirog dahil sa aking sinabi. Saktan mo pa lalo ang iyong sarili Ainessa! "Oh bakit depenseve ka tapos masyado mong dinadown yang sarili mo? May panama ka naman sa Tayce na yan duh! Sèxy mo kaya tapos meron kang abs siya wala. Saka gurang na yon, ikaw fresh kung baka sa bulaklak magsisimula ka palang namumukadkad. Si Tayce nalanta na malapit na mabulok. Engaged pa lang si girl akinitin mo na kaya si Mr. Socorro, sayang lahi eh gwapo tapos maganda." Sulsol niya sa akin binatukan naman siya ni Daveda. "Yan ang galing mo pagdating sa sulsol. H'wag mong pakinggan yan Nessa, wala kang mapapala sakit sa ulo lang makukuha kay Eevee. Pero may point siya doon sa akitin mo na lang si Mr. Socorro, mukha namang gusto ko niya ikaw na ang lumapit sa manok." Naningkit ang aking mata dahil sumang-ayon din pala siya kay Eevee. "Alam niyo mag-review na lang tayo May mapapala pa kayong dalawa." Pag-iiba ko ng usapan, ayoko ng pag-usapan ang tungkol sa kanya. Siguro kaya ganun talaga silang mga lalaki, nakuha na niya yung mahalaga sa akin. Bakit ba kasi umasa ako sa mga salitang binitawan niya. Hindi na muling nagsalita sina Eevee, pero ramdam kong tinitiganan pa rin nila ako. Pinakita ko na lang na hindi ako apektado sa aking nalaman. Kahit ang totoo ay sobrang naapektuhan ako. Unang beses kong ma-inlove, parang unli lang pala ilang araw lang. Unlimited nga pero may expiration, tsk napapahugot na ako dito ng wala sa oras. Seryoso lang akong nakatingin sa libro ko, pero wala namang pumapasok sa aking isipan. Bakit ngayon pa? Kailangan mataas ang makuha ko ngayon, makisama ka namang utak ko mamaya muna isipin si Ramsey, manloloko! Kumuha ako ng chocolate sa aking bag, kinakain ko 'to habang nagbabasa. Nakakailang buntong-hininga na din ako, matagal na siyang engaged pero ang sabi niya wala 'tong karelasyon o ano man. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na yung teacher namin. Naglabas na kami ng papel para sa aming long quiz. Pinasa na din niya yung test paper, tahimik kaming lahat dahil estrikto ang guro namin lalo na pagdating sa quiz or exam. Pagkakuha ko ng test paper, agad kong binasa hindi ako nagkamali ng mga ni-review. "Alam niyo na ang patakaran ko, oras na lumingon kayo sa katabi niyo automatic zero. Time start now!" Malamig niyang sabi bago umupo sa kanyang upuan. Nagsimula na kaming lahat baka mamaya mazero pa kami. Walang ibang naririnig dito sa classroom namin kundi, tunog ng ng aircon at papel. Mabilis lang akong sumagot, pero ngayon nahirapan ako ni-review ko naman 'to kanina. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko yung sinabi sa akin nila Eevee at Daveda. Napasandal ako sa aking upuan bago muling binasa yung question. Hindi ako sure sa sagot ko bahala na si batman. "Are you okay Miss Vasquez?" Malamig na tanong ng professor namin. "Kanina ka pa hindi mapakali, okay na ba ang pakiramdam mo?" Dagdag niyang tanong. "Medyo sumasakit lang po ang ulo ko ma'am, pero patapos na po ako." Agad kong sagot bago muling ibinalik ang aking atensyon sa test paper. Nagpatuloy ako sa pagsagot, ilang minuto lang ang lumipas ay natapos ko na din. Tumayo na ako sa aking upuan at ibinigay sa kanya yung test paper at papel ko. "Kung masama pa ang pakiramdam mo Miss Vasquez, magpahinga ka h'wag mong pilitin kung hindi kaya." Seryoso niyang sabi sa akin. "Opo ma'am." Sagot ko na lang bago kinuha ang aking bag para lumabas na. Pagkatapos kasing magsagot ay pwede ng lumabas. Kinuha ko ang aking cellphone at chinat sa Messenger si Eevee, sinabi kong mauuna na akong umuwi. Wala na kasi kaming klase mamayang hapon, magrereview pa ako para sa long quiz ulit namin sa ibang subject. Malapit na kasi ang exam kaya puro na sila may pa-long quiz. Dumaan na muna ako sa Cafeteria para bumili ng makakain sa condo. Pagdating ko doon may nakita akong beef steak, talaga ba nang-aasar ba? Dahil sa inis na nararamdaman ko ay hindi na ako bumili. Magca-cup noodles ba lang ako, kainis. Lumakad na ako palabas ng school, sana may taxi agad mainit pa naman sa labas. Paglabas ko ng gate, agad akong sumilong sa waiting shed dahil wala pang taxi. Habang naghihintay ako ay kinakalikot ko ang aking cellphone. Scroll down lang sa t****k iniiwasan kong pumunta sa f*******:. Baka makita ko yon maiiyak lang ako. Tumigil na ako sa pag-scroll dahil may itim na sasakyang huminto sa harapan ko. Bumaba yung bintana sa passenger seat, umaalingasaw ang pabango ng driver. At familiar 'to sa akin hindi ako pwedeng magkamali pabango 'to ni Ramsey. "Get in." Utos niya pero tila wala akong naririnig, ang kapal ng mukha niyang magpakita ngayon sa akin. Nagpatuloy ako sa panonood sa tiktik, manigas ka dyan ano na naman kayang sasabihin niyang kasinungalingan sa akin. Porket ba mas matanda siya sa akin ng twelve years, kaya na niyang bilugin ang ulo ko. "Aine, get in." Seryoso niyang sabi, habang nakatingin sa akin. "May hinihintay ako, may problema ba?" Kunwaring wala pa akong alam, ayoko nga kasing pag-usapan. "Mag-uusap tayong dalawa, kaya please sumakay ka na." "Anong pag-uusapan natin meron ba? Baka busy ka naabala pa kita." Sagot ko sa kanya bago pinara yung taxi na paparating. Agad namang huminto, lumakad na ako palapit doon. Bubuksan ko na sana yung pinto nang may humila sa aking braso. "Hindi siya sasakay boss." Malamig niyang sabi sa Taxi bago ako hinila pasakay sa kotse niya. "Ano bang problema mo Ramsey? Nagmamadali ako!" Naiinis kong tanong sa kanya. Hindi ba siya nakakahalata na ayoko siyang makausap. Hindi naman siguro manhid ang lalaking 'to. "May pag-uusapan tayong dalawa, kaya please pakinggan mo muna ako." Pakiusap niya sa akin, seryoso lang akong nakatingin sa kanya. "Wala naman na tayong pag-uusapan dahil wala namang namamagitan sa ating dalawa. Isang pagkakamali lang ang nangyari sa atin Ramsey! Ayoko ng gulo, gusto ko ng tahimik na buhay kaya pwede bang tigilan mo na ako." Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Malamig siyang nakatingin sa akin. "Tinanong kita kung may kasintahan ka, sabi mo wala pero ano yung nalaman ko? Nagsinungaling ka sa akin Ramsey, hindi lang yon pinaasa mo ako! Ayoko ng makita ka!" Hindi ko na mapigilan ang aking luha, agad kong pinunasan bago lumabas ng kanyang kotse. Agad kong pinara yung taxi, mas masakit pala yung hinayaan ka lang niyang makaalis. Ano pa bang aasahan ko, nag-sèx lang naman kaming dalawa wala ng ibig sabihin nun. Pagsakay ko ng taxi ay sinabi ko na kung saan ako. Nag-uunahan ng tumulo ang aking luha. Ang sakit umasa ako, ganito pala kapag nabibigo sa pag-ibig. Pero kainis wala pa namang kaming dalawa iba na ang epekto nito sa akin. Napapatingin na sa akin yung driver, kahit anong pigil ko ay patuloy pa rin sa pagagost ng aking luha. Minsan lang ako nagkagusto sa maling tao pa. Babaero nga pala siya, malamang magaling talagang mambola. Matalino naman ako pero bakit ang dali kong naniwala sa sinabi niya! Hindi naman kasi pag-ibig yung nararamdaman niya sa akin. Kundi libóg tawag ng laman parausan. Ang pangit pakinggan ggrr! Lesson learned, 'wag basta maniniwala sa mga pinagsasabi nila lalo na kung wala kasiguraduhan. Paghinto ng taxi sa tapat ng Socorro's hotel ay nagbayad na ako at bumaba na. Yayayain ko na lang uminom yung dalawa mamaya para gumaan ang aking pakiramdam. Pagkasakay ko ng elevator ay pinindot kona yung number seven. Nakasandal ako habang hinihintay na makarating sa seven floor. Pagbukas ay patakbo na akong lumabas, mabilis kong narating yung unit ko. Nagpunta na me sa itaas, habang papalapit ako sa aking silid bigla akong kinabahan. Ang weirdo, bakit ganito? Binuksan ko na yung pinto, naghubad na ako ng sapatos bago sinindi yung ilaw. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Ramsey na nakaupo sa sofa. Seryoso siyang nakatingin sa' kin. "Anong ginagawa mo dito Ramsey? Trespassing na yang ginagawa mo, wala kang karapatang pumasok dito ng walang pahintulot." Seryoso kong sabi sa kanya nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin sa akin. "Lumabas ka na, bago pa ako tumawag ng guard!" Banta ko sa kanya pero hindi man lang siya natinag. "Ano ba hindi ka ba nakakaintindi? Umalis ka na Ramsey, ayoko ng makita yang pagmumukha mo! Hindi ako desperada para makipag-agawan kay Tayce!" Umigting ang kanyang panga, tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin. "Pwede ba Ainessa pakinggan mo muna ako, hindi yung kung anu-ano na yang sinasabi mo sa akin. Hayaan mo akong ipaliwanag sa'yo ang lahat. Kaya please, kumalma ka ayokong nagagalit ka sa akin." Pagpapakalma niya sa akin, hindi ko namamalayang umiiyak na pala ulit ako. Pinunasan niya ang aking luha, gamit yung hinlalaki nito. "Bakit? Bakit hindi ka nagparamdam? Bakit ka nagsinungaling sa akin? Umasa ako Ramsey, dahil ang akala ko seryoso ka sa akin, pero bakit? Ano yung tungkol sa inyo ni Tayce? Totoo bang nag-propose ka na sa kanya? Ikakasal na ba kayo?" Sunod-sunod kong tanong ko sa kanya, idinikit niya ang kanyang noo sa akin hawak nito yung magkabilang pisngi ko. "Ikaw ang gusto ko mapangasawa Aine, lahat ng nasa news o f*******: hindi totoo ang lahat ng iyon. Wala kaming relasyon na dalawa, kaya hindi ako nakapagparamdam sayo may ka-business akong kinausap sa beach na yon. Maniwala ka sa akin…" Seryoso niyang sabi, habang nakatingin sa mga mata ko. "Kapag handa ka na ipapakilala kita sa magulang ko. Ihaharap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Patawarin mo ako, kung hindi ko agad nasabi sa'yo." Bigla akong kinabahan dahil sa kanyang sinabi. "Pero sa ngayon babawi muna ako." Pagkasabi niya yon hinalikan na niya ako sa labi. Hinapit nito ang bewang ko para lalong magdikit yung katawan naming dalawa. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD