*3RD PERSON'S POV* ~~~ NAKAGAYAK na sina Ainessa at Ramsey. Naka blue tuxedo ang binata habang naka-red dress naman si Ainessa. "Let's go, ready ka na ba?" Tanong niya sa dalaga. "Wow hah, ako pa talaga ang tinanong mo. Parang hindi ka kabado, ikaw ready ka na ba?" Pabalik niyang tanong sa binata, saka tumawa ng mahina. "Bakit naman ako kakabahan? Excited pa nga akong makilala ang parents mo." Sagot ng binata bago siya hinila palabas ng kanyang Penthouse. Sumakay na sila sa elevator nang magkahawak kamay. Pagbukas ng pinto agad din silang lumabas, pinagtitinginan na naman sila ng mga taong nadadaanan at nakakasalubong nila. Lihim na napangiti si Ramsey, dahil hindi na nakakaramdam ng pagkailang ang dalaga. Nanatili namang nakangiti si Ainessa, mas masarap pala sa pakiramdam kapag p

