*3RD PERSON'S POV* ~~~ MAAGANG GUMISING si Ramsey, maingat niyang binuhat ang dalaga mula sa sofa bed. Dahil ililipat niya ito sa kanyang silid. Habang paakyat siya sa ikalawang palapag ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mukha ng dalaga. Napaka-amo talaga nito inosenteng-inosente. Kaya lalo niyang nagustuhan ang dalaga dahil sa pagkainosente nito. Pagdating nila sa kanyang silid, maingat niyang pinahiga sa malambot na kama si Ainessa. Maaga siyang pupunta sa kumpanya, pero uuwi din mamayang tanghali dahil balak niyang ipasyal sa mall si Ainessa. Hinaplos niya ang mukha ng dalaga, hindi siya magsasawang titigan 'to. Napatingin si Ramsey doon sa bag ng dalaga dahil tumunog yung cellphone nito. Binuksan niya ‘to para tingnan kung sino yung tumatawag sa dalaga. Ang ama ng dalaga yung

