bc

Let me take care of your heart (Tagalog/Filipino)

book_age18+
1.7K
FOLLOW
5.1K
READ
sex
fated
arrogant
boss
drama
sweet
bxg
lighthearted
mpreg
virgin
like
intro-logo
Blurb

Lubos na dinamdam ni Lindy ang ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang ex-boyfriend na si William na nakarelasyon niya ng almost two years. Kaya mula sa Los Angeles kung saan sila nagmigrate ng kanyang pamilya seven years ago ay nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang magbakasyon. Upang tuluyang paghilumin ang nasaktang puso.

Tumira siya sa bahay ng kanyang ate Mariz at ng asawa nitong si Floyd. Doon ay nagkita silang muli ng dati niyang crush noong college na si Cliff, ang nag-iisang kapatid ng bayaw niya. Nalaman nito na naghahanap siya ng beach resort na tahimik at maganda para pagbakasyunan. Inalok nito ang rest house nito sa Romblon. Pumayag siya. Nagkataon namang may nanggugulo ritong babae at gusto nitong pagtaguan kung kaya't sumama ito sa kanya.

Habang ineenjoy ang pagbabakasyon na kasama si Cliff sa Romblon ay may mga bagay na narealise si Lindy. Una ay narealise niyang hindi naman talaga niya lubusang minahal ang kanyang ex-boyfriend. Nasaktan lamang ang ego niya bilang isang babae dahil nireject siya nito. Pangalawa ay hindi pala ganoon lamang kasimple ang crush na nararamdaman niya para kay Cliff. Mas lalo iyong lumalim at namalayan niya na lamang ang sarili isang araw na tuluyan nang nahulog rito. Pangatlo ay hindi niya pala pwedeng mahalin ang binata dahil nakasara ang puso nito.

Hindi ito katulad sa isang prince charming na nababasa sa fairytale book na kayang ibigay ang happy ending na inaasam ng bawat babae.

Susuko na lamang ba siya o ipaglaban ang nararamdaman para rito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"I'm sorry, Lindy. But I can't do this anymore. Napapagod na akong magpanggap na okay pa ang relasyon natin. This is not healthy. Mas maiging magbreak na lang tayo kesa patuloy lamang nating pahirapan ang isa't-isa." Pinahid ni Lindy ang mga nagsilaglagang mga luha. Heto na naman siya at hindi napigilan ang sariling maging emosyonal. Naalala na naman kasi niya ang mga linyang binitiwan sa kanya ng ex-boyfriend na si William noong huling beses na sila ay nag-usap at nakipag break ito sa kanya. Ito ang rason kung bakit mula sa Los Angeles kung saan sila nakabase ng kanyang pamilya ay lulan siya ng eroplano ngayon at kasalukuyang bumibiyahe sa himpapawid pauwi ng Pilipinas. Ideya iyon ng Mommy niya na agad niya namang sinang-ayunan. Makakatulong raw ang ilang buwang pagbabakasyon niya sa Pilipinas upang tuluyan na siyang makapag move on sa dating nobyo. Napakasakit para sa kanya ang naging hiwalayan nila. Hindi naman ito nagtaksil. Walang third party na sangkot na karaniwang sanhi ng hiwalayan ng magkasintahan. William break up with her dahil pagod na raw ito sa relasyon nila. Nagsawa na. Hindi nito derektang sinabi pero mula sa analisasyon ni Lindy ay na-fall out of love ang binata sa kanya. Meaning ay nagising na lamang ito isang umaga na nawala na ang pagmamahal nito para sa kanya at hindi na ito masaya sa takbo ng kanilang relasyon. Posible pala ang ganoon. Ang magbago ang dadamdamin sa'yo ng taong mahal mo sa paglipas ng panahon. Nagkakilala sina Lindy at William sa isang birthday party ng pareho nilang common friend na Filipino rin. Ang binata ang unang ang lumapit sa kanya at nagkipagkilala. Isa raw itong free lance photographer at ang kadalasang kumukuha ng serbisyo nito ay ang mga kompanya ng fashion magazines. Bukod sa guwapo ito, he is also nice, adorable, sweet at enjoy kausap. Hiningi nito ang number niya pagkatapos ng gabing iyon at iyon na ang naging simula ng kanilang pagkakamabutihan na dalawa. Kinabukasan ay nag-aya agad ito ng date na nasundan ng marami pang beses. Niligawan siya katulad ng kung paano manligaw ang isang binatang pinoy. Walang palya ang pagpapadala nito ng mga bulaklak at regalo sa kanya. Madalas na hinahatid sundo siya sa trabaho at sa tuwing dumadalaw sa bahay nila ay laging may nakahandang regalo para sa mga magulang at kapatid niya. It takes only one month bago naging opisyal ang kanilang relasyon. Nanghihinayang si Lindy sa mahigit two years na pinagsamahan nila ni William. Isang malaking achievement para sa isang couple na makaabot ng dalawang taon. Inaasahan nga niya na dapat sana ngayon ay nasa stage na sila ni William kung kailan paplanuhin na nila ang kanilang future together. Or sorpresahin siya nito ng isang romantic dinner date at magpopropose ito ng marriage with a ring. Marahil ay gano'n talaga siguro ang buhay. May mga kuwentong happy ending katulad ng sa fairytale at mayroon ring kasing lungkot at kasing saklap katulad ng sa kanya. Somehow ay naisip niya ring maybe they are not really meant for each other. Isang malaking senyales ang fact na nananatili pa ring intact ang kanyang hymen sa loob ng dalawang taong pagiging magnobyo nila ni William. Marahil ay hindi paniniwalaan ng karamihan ngunit nagawang ibigay ni Lindy kay William ang lahat maliban sa kanyang virginity. Hindi dahil sa ayaw niya at hindi siya handa na ibigay rito ang sarili kundi dahil sa conservative ang pananaw ng dating nobyo. Si William ay isa sa mga iilang taong hindi sang-ayon sa primarital s*x. Hanggang ordinaryong make out lamang ang nagagawa nila sa tuwing nasosolo nila ang isa't isa. Like kissing and cuddling. Pero hindi siya sigurado kung talaga ngang conservative type si William o nag-iingat lamang talaga ito upang makaiwas sa disgrasya or most probably ay sa responsibilidad. Whatever it is she was so greatfull to William dahil kahit papaano ay may naireseve ang dalaga na isang mahalagang bagay para sa kanyang sarili na pwede niyang maipagmalaki someday, sa kung sino mang lalaking siyang itinakda ng tadhana para sa kanya. "Excuse me, ma'am." Naputol ang kanyang malalim na pag-iisip nang lapitan siya ng isang stewardess. "I think you need this," anito sabay abot sa harapan niya ang isang box ng tissue paper. Nakangiti ito at mababanaagan sa mukha ang pakikisampatya sa kanya na tila bang may ediya ito sa kung ano mang pinagdadaanan niya nang mga sandaling iyon. "Thank you," aniya at tinuyo ng tissue ang mga luha. "Would you like anything else, ma'am? Something to drink? Coffee? A glass of water?" "No thanks. I will be fine here, miss." Nang makaalis ito sa kanyang harapan ay saka lamang niya narealise na agaw pansin na pala ang pag-iyak niya roon. Puno kasi ng kursiyudad ang nakita niyang mga sulyap na ipinupukol sa kanya ng ilang pasahero. Nakaramdam siya ng ibayong hiya. Minabuti niyang kunin na lamang ang shades niya sa loob ng kanyang black classic tote bag at pasimpleng isinuot iyon upang matakpan ang pamugmugto ng mga mata. Ilang minuto pa ang lumipas ay sa wakas lumapag na ang eroplano sa Ninoy Aquino International airport. Walang inaasahan si Lindy na susundo sa kanya sa pagdating niya sa araw na iyon kung kaya't pagkakuha niya ng kanyang mga bagahe ay dere-deretso agad ang lakad niya patungo sa exit lane. Nang makalabas ng gusali ay pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay ng ate Mariz niya sa loob ng isang exclusive subdivision sa Ortigas kung saan siya mananatili habang nagbabakasyon. Tatlong magkakapatid sina Lindy at siya ang bunso. Lahat ay puro babae at kaunti lamang ang pagitan ng agwat ng mga edad nila kaya tinaguriang tres Maria's ng kanilang mga magulang. Ang ate Mariz niya ay trenta'y uno anyos na ngayon, si Tanya ay kakatrenta lamang samantalang siya naman ay biente ocho. Si Tanya ang siyang katulong niya sa pagpapatakbo ng kanilang family business. Ang Better Bites na isang one stop shop grocery store at nasa down town ng Los Angeles. Ipinanganak at lumaki silang magkakapatid sa Pilipinas pero magmigrate sila ng buong pamilya niya sa LA seven years ago. Ang ate Mariz niya sapagkat may asawa na noong mga panahong iyon ay nanatili sa bansa. Kasal ito sa business tycoon at CEO ng Villegas Builders Corporation na si Floyd Villegas. Sa ngayon ay plain house wife ito at nag-eenjoy sa pag-aalaga sa dalawang cute na mga anak. I'm already here, Ma. Chat niya sa ina through messenger app sa kanyang android phone. Nangako siya rito kanina na ememessage niya ito kapag nakarating na siya ng Pilipinas. Nakasakay na ako ng Taxi. I'm on my way papunta sa bahay nila ate. Good. Magpahinga ka agad pagdating mo doon. Have a good sleep. Alright. Thanks, ma. Bago magmigrate sa LA ay ibenenta nina Lindy ang kaisa-isang bahay nila kaya naman ang bahay na maaari lamang nilang uwian ay sa mag-asawang Mariz at Floyd. First time ni Lindy masilayan ang bahay ng mag-asawa. Noon kasing nagpakasal ang mga ito ay ipinapagawa pa lamang ang bahay na iyon at sa condo unit ni Floyd ang mga ito pansamantalang nakatira. Kasing ganda ito ng dream house ni Mariz na madalas nitong edrawing sa sketch pad nito noong mga bata pa sila. Mukhang pinagbigyan ng bayaw niya ang kapritso ng asawa. Well, hindi marahil literal na masasabing kapritso dahil ang naturang bahay ay hindi marangya ngunit sa halip ay naghuhumiyaw sa kasimplehan. Sa yaman ni Floyd ay may kakayahan itong patayuan ng malapalasyong bahay si Mariz. Pero likas na simple lamang talaga ang gusto ng kapatid niya. It was a white spacious modern two storey house. Ang kulay na mula't sapul ay obsessed si Mariz. Lindy was quite impress. Wala man lang kasing pinalampas ang ate niya. Ultimo ang mga bubong ay kulay puti, gayon din ng mga pintuan at malalaking mga bintana and ofcourse ang mga mababang fence yard na gawa sa kahoy na nakapalibot sa buong bahay. Every line was clean and straight. And all sides were polished concrete. Sa loob ng bakuran ay may malawak na luntian at well trimmed na bermuda grass na parang ang sarap higaan. May mga maayos na nakahilerang mga paso na pare-parehong may nakatanim na mga halaman. Ang ilan ay namumulaklak at ang ilan naman ay wala ngunit may mga kulay at desenyo ang mga dahon. Sa gilid ng bahay naman ay may malawak na garahe kung saan may nakaparadang tatlong iba't-ibang kulay at uri ng sasakyan na malamang ay koleksiyon ni Floyd. Napangiti ang dalaga. Everything about the house were lovely... May vegetable garden din kaya sa backyard? Malamang. Isa pa iyon sa pangarap ni Mariz. Ang magkaroon ng vegetable garden para hindi na raw kailangan pang bumili ng gulay sa palengke na ipansasahog sa mga lulutuin at para siguradong fresh ang ipakakain nito sa buong mag-anak. Nawili siya sa pagmamasid sa buong bahay kung kaya't nanatili lamang siyang nakatayo sa labas. Maya-maya pa ay nakita niyang bumukas ang pintuan ng bahay at iniluwa ang isang may kaliitang babae na nakasuot ng blue maids uniform. Morena, alon-alon ang buhok at sa tingin niya ang edad ay mga nasa early twenties pa lamang. Nagliwanag ang mukha nito nang matanaw siya. Tumakbo ito palapit sa gate. Binuksan iyon. "Ay, ma'am, kayo po ba si ma'am Lindy? Iyong nakababatang kapatid ni ma'am Mariz na galing ng US?" Masiglang usisa nito sa kanya. "Iyong pinakamagandang tita nina Evo at Elise?" Dugtong pa nito na ikinatawa niya. Ang mga cute niyang pamangkin ang tinutukoy nito. "Yes and no one else." Wala ang buong mag-anak ngayon, tatlong araw ng nasa Cebu kung saan napili ng mga itong magbakasyon. Kaya inaasahan na ni Lindy na tanging mga kasambahay lamang ang madadatnan niya sa bahay na iyon. "Ako nga po pala si April, all around na kasambahay ako rito ng halos two years and a half na. Mukhang kanina pa po kayo nandito, ma'am. Naku, pasensya na kung hindi ko narinig ang pag doorbell niyo. May deperyensya kasi ang kabilang tenga ko e. Nagkaroon ng inpeksiyon kaya medyo hirap akong pumick up ng sounds. At iyong isang kasama ko naman sa loob ay abala rin sa mga niluluto sa kusina–" "No worries, April. Hindi naman ako nag door bell e. Ang totoo niyan ay nakalimutan ko ng gawin kasi nawili ako sa pagmamasid ng view dito labas." "Ah, ganoon po ba." Napangiti na lang na napakamot ito sa ulo. "Mainit po rito. Gusto niyo na po bang pumasok sa loob? Tara po. Siguradong gutom at pagod kayo sa biyahe." "Okay. Sige." "Ako na po diyan sa bagahe niyo." "Oh, thank you." Pinauna siya nitong maglakad papasok habang nakasunod itong hila hila ang degulong na maleta niya. Bumungad kay Lindy ang maaliwalas at very homey na tanawin nang tuluyang makapasok sa loob ng bahay. All white pa rin ang pintura ng dingding at pati na ang ceiling. Karamihan sa mga kagamitan ay kulay puti rin ngunit may kaunting twist na ng pastel colors. Si April ay nagpaalam saglit na aakyat muna ito sa itaas upang iaakyat ang kanyang mga gamit sa guest room. Naiwan siyang masayang sinuri ang buong paligid. The living room looks so warm and comfy. It has a green floral sofa set together with white and green cushions na napapagitnaan ng one wheeled coffee table na may nakapatong sa ibabaw na white vase with fresh flowers na iba't iba ang kulay–na malamang ay pinitas mula sa mga nakatanim na mga halaman sa labas. Sa right corner ay may small wooden desk kung saan nakapatong naman ang isang plaited yellow lamp shade kasama ang tangkas ng ilang libro. Sa taas ay may pabilog na chandelier na gawa sa LED crystals. Samantalang on the left corner ay may pahabang white wooden table naman na may nakadisplay na mga picture frames ng mag-anak na karamihan ay kuha ng mga bata simula noong baby at hanggang sa lumaki ang mga ito. Sa gitna ay may malaking portrait na kuha noong ikasal ang mag-asawa sa simbahan. Naengganyo si Lindy na lumapit sa mesa at isa-isang tiningnan ang bawat litrato habang napapangiti. Naamaze siya sa recent photo ng dalawang pamangkin. They're all really grown up. Si Evo na siyang panaganay ay six years old na samantalang three years old naman si Elise. Lumaking guwapo at maganda ang mga ito. Parehong mestizo at mestiza. Carbon copy ng ama. Patunay na malakas talaga ang dugo ng mga Villegas. And speaking of his brother in-law family ay may isang litrato ng mga ito ang nakita niya kung saan kumpleto ang mga Villegas. They're all look gorgeous and glamorous sa mga suot na formal attire. Ang background ay sa isang grandyosong bulwagan na crowded at maraming mesa. Mukhang isang importanteng night event ng dinaluhan ng buong pamilya. Matamang napatitig si Lindy sa lalaking katabi ni Floyd at nakaakbay rito. The one who are dashingly handsome in his charcoal tuxedo suit with waist coat and red neck tie. Kay Clifford Villegas na bunsong kapatid ng bayaw niya at naging crush niya noong college days niya. Naalala niyang sobra siyang nagbunyi noon nang malaman niyang sa isang Villegas nakatakdang ikasal ang kapatid niya. Lalo na ng makumpirma niya na kapatid nito si Cliff. At naalala niya rin kung paano siya ignorahin at sungitan ni Cliff noong sumapit ang araw ng kasal at sinubukan niyang lumapit rito upang makipagkaibigan. She offered him a glass of wine after she approached him pero sa halip na matuwa ay inangatan lamang siya nito ng kilay, tiningnan ng taas baba saka sarcastic ang tono na sinagot siya ng... "You drink it yourself. Kaya kong kumuha ng para sa sarili ko." Tapos ay balewala lamang siyang tinalikuran at naglakad palayo. Sobrang nadissappoint si Lindy sa inasal noon sa kanya ni Cliff. Napahiya siya. Kung hindi ito bastos at talagang ayaw nitong tanggapin ang inuming inaalok niya ay maaari naman nitong sagutin siya ng thanks but no thanks. Hindi ba ay ganoon naman dapat? Hindi niya ineexpect na saksakan pala ito ng suplado. Pero sana ay ikinonsidera lang naman nito na sister in-law siya ng kapatid nito kaya dapat ay pakitunguhan siya nito ng maayos. After that incident ay hindi na muli pang nagtangka si Lindy na lumapit o kausapin si Cliff. "Ang guwapo po ni sir Cliff, ma'am, no? Crush naming lahat na mga kasambahay iyan dito. Crush niyo rin po?" Ibinalik niya sa puwesto ang frame at nilingon ang nagsalita mula sa kanyang likuran. Nagpakilala agad ito. Isa sa mga kasamahan ni April. Si Vangie na may katabaang babae. Ngunit hindi katulad ni April na pandak, ito ay matangkad at malalaki ang mga braso. Mukhang maskulada. Mukha ring mas matanda ito ng ilang taon kay April. Tingin niya nga ay magkasing edad lamang sila nito. Napag-alaman niya mula rito na tatlo pala ang mga ito na all around maid sa bahay na iyon. Ngunit dalawa lamang ang mga ito sa ngayon dahil umuwi sa probinsiya ang isa na sinamantala ang pagkakataong makapag leave dahil nasa bakasyon ang mga amo. "Baka gusto niyo pong magmerienda ma'am. Nagluto po ako ng biko at halayang ube. Saka ng adobong baboy, pinakbet at kinilaw na bariles. Ang sabi kasi ni ma'am Mariz ay paborito niyo raw ang lahat ng mga iyon." Bigla ay nakaramdam siya ng gutom sa binanggit nitong mga pagkain. Malawak siyang napangiti. Ah, sobrang nakakatuwa talaga ang magbalik bayan... Pagdating mo ay maraming nakahandang masasarap na food. "Sure. Game. Kakain ako."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
31.6K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
8.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.6K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
83.4K
bc

YAYA SEÑORITA

read
13.8K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
10.0K
bc

Dr. Dave Dela Torre's Legal Wife

read
20.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook