CHAPTER TWO

2063 Words
"Cliff, hindi mo ba ako narinig? I said I'm three weeks pregnant!" Anang galit na untag ng babaeng sumugod kay Cliff sa loob ng opisina niya, umagang-umaga at abala siya sa pagbabasa ng mga emails sa laptop niya. Si Martina na isa sa mga recent flings niya. Ang nagpainit ng mga gabi niya sa loob ng halos tatlong buwan na laging available sa tuwing kailangan niya sa kama. Nanatili lamang siyang kalmado. Inangatan niya ito ng kilay. "So what?" "Anong so what? I am pregnant with your child. I need to hear your plan about us." "Plan? I don't have one because I'm sure it's not mine. Maingat ako. I always used protection everytime I do casual sex." "Just casual s*x for you? But I thought what we did was making love?" "You are not my girlfriend, Martina, so you can't expect something like that from me. Sa simula pa lang ay malinaw na sa ating dalawa kung anong mayroon tayo. All we had was a great f**k, nothing serious." "But you always said I love you sa tuwing nagsesex tayo." "I never said I love you. I said I love f*****g you because you always satisfied me with your skills in bed." Mas lalong nagpuyos sa galit si Martina. Nagliyab ang mga mata na parang isang tigre. Marahil ay hindi nito inaasahan na iyon ang mga maririnig nito mula sa kanya. But ofcourse he is Clifford Villegas, no one could ever pull off a lame stunts on him. Ilang beses na bang may sumugod sa kanyang mga babae upang ipaako na siya ang ama ng ipinagbubuntis ng mga ito? Ah, hindi niya na mabilang sa mga daliri! Kung tanga lamang marahil siya ay malamang na matagal na siyang nakatali sa kung sinong opurtunista na gusto siyang masilo. Batid ni Cliff na hindi siya kailanman pumalya sa paggamit ng proteksiyon sa tuwing nakikipagniig sa mga babae. Lango man sa alkohol ang sistema o hindi ay laging hindi niya nakakaligtaan na magsuot ng kapote. Unless na lamang marahil kung isang tuso ang kanyang kaniig at plinanong butasan iyon. Paniguradong may makakalusot na sperm niya. Pero imposible. Ang mga ginagamit niyang condom ay laging nakasilid sa bulsa ng suot niyang pants kaya mahihirapan si Martina na magkaroon ng pagkakataon upang gawin iyon. Napailing iling si Cliff. Bago pa tuluyang magwala sa harapan niya ang babae ay minabuti niyang buksan ang drawer sa ilalim ng desk niya at hinugot roon ang kanyang bank cheque. Katulad ng usual niyang ginagawa sa tuwing nahaharap siya sa ganoong uri ng sitwasyon. "Ayoko sa lahat ay iyong madrama at mahabang usapan, Martina. I am a businessman and l know you are aware that I am such a very busy person. Ayokong masayang ang oras ko sa walang kuwentang usapan. So you better tell me now. How much do you want? Name your price bago ko pa ipatawag ang mga guards sa ibaba upang kaladkarin ka palabas ng office ko," aniyang napakaseryoso at nagbabanta ang tono. Pero hindi nagpatinag si Martina. "I don't need your money. Hindi iyon ang habol ko sa'yo. Ang gusto ko ay panagutan mo ang dinadala ko." "So ayaw mo ng pera? Okay, I have no choice kundi tawagin ang mga guwardiya." Inabot ni Cliff ang telepono na nasa ibabaw ng mesa niya at tumawag ng security sa ibaba. Nataranta naman ang babae. "Please, Cliff. Don't do this to me. Maawa ka..." Nakikiusap ang tinig nito. Maluha luha. "Sa'yo to. Dugot laman mo ang nasa loob ng sinapupunan ko. Huwag mo naman kaming ipagtabuyan na parang basura." "Paakyat na ang mga guwardiya. Umalis ka na kung ayaw mong makaladkad." "Alright, fine." Bigla ay tumigas ang ekspresyon ng mukha nito. Naningkit ang mga mata. "Aalis ako. Pero hindi pa rin ako titigil sa pagpunta rito. Babalik ako bukas. Mag-uusap pa ulit tayo, Cliff." "I'm afraid you can't do that, darling. Dahil I'll make sure na hindi ka na makakatapak pa ulit sa building ko. Starting today you are banned here." "Whatever you say ay hindi pa rin ako titigil. I'll make a way para makita ka. Hindi mo ako matatakasan. Try me, Cliff. Patuloy akong manggulo hangga't hindi mo ako pinapanagutan." "You are pathetic." "Ipinaglalaban ko lang ang responsibilidad mo sa akin." "You know what, sa halip na ako ang guluhin mo ay bakit hindi na lang kaya ang lalaking totoong nakabuntis sa'yo ang hunting-in mo? Ang akala mo ba ay hindi ako aware kung anong klase kang babae? Bukod sa akin ay napakarami mong ka-affair kaya hindi mo ako gano'n kadaling makukumbinsi na akin 'yan." "This is yours, I assure you that," giit nito. "Bakit ang hirap para sa'yo na paniwalaan iyon? Para ipaalala ko sa'yo ay may isang beses na pumalya ka at nakaligtaan mong gumamit ng proteksiyon. Remember the night when–" "Enough of the lies, Martina. Please go bago pa maubos ang pasensya ko sa'yo!" Marahang nahimas ni Cliff ang batok nang tuluyan ng makalabas ng opisina niya si Martina. Bago pa makarating ang mga guwardiya ay kumilos na ito upang umalis. Sumakit ang ulo niya sa naging pag-uusap nila. Hindi katulad ng ilang babaeng naincounter niya noon na nadadaan sa pera ay mukhang ibang klase ang isang ito. Mukhang determinado talaga ito na siya ay masilo. "Would you like a cup of coffee, sir?" Untag ng sekretarya niyang si Janice na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa loob ng opisina niya. "Oh, yes please, Janice. I think I really need one right now. My head hurts so bad. I want plain black and no sugar." "Okay, right away sir." Sa halip na kanyang pakaisipin ang panggugulo na ginawa kanina ni Martina ay minabuti ni Cliff na itutok na lamang ang atensiyon sa mga nakaatang niyang trabaho. Buong maghapon ay naging abala siya sa pagcheck ng mga financial report ng kompanya sa nakalipas na tatlong buwan and recieved some phone calls from thier important clients. Cliff owned Power Pros Computer Supplies Inc. na itinayo niya four years ago after niyang matapos ang kanyang MBA sa Germany. The company's line of business includes the wholesale distribution of computers, computer peripheral equipment and computer software. Eversince ay pangarap talaga ni Cliff na magkaroon ng sarili niyang kompanya. Kaya nang matupad niya iyon sa tulong ng puhunang ibinigay sa kanya ng mga magulang ay ipinaubaya niya na lamang sa kanyang kuya Floyd ang pagpapatakbo ng Villegas Builders Corporation, ang kompanyang pag-aari ng pamilya nila. Past seven na nang magdesisyon si Cliff na umalis ng kanyang opisina. Nakauwi na ang lahat ng mga employees niya, maging ang kanyang sekretarya. Balak niyang masayaran muna ng alkohol ang sikmura niya bago tuluyang umuwi kaya dumeretso muna siya sa bar ng kaibigan niyang si Lance, sa The Red Spot na nasa loob ng BGC. Tamang tama lamang ang dating niya dahil nagkataong naroon rin ang kaibigan. Lately kasi ay madalang na lamang niya ito kung makita roon. Ang balita niya ay abala ito sa pag-aasikaso sa asawa nitong kakapanganak lamang. "Hey, dude. What's up?" Ang bati nito sa kanya nang lapitan niya ito sa may bar counter. "I'm good," aniya. They made a fist bump while smiling widely to each other. "So how's your wife Karen and the baby?" Naupo siya sa stool chair, sa tabi nito. "They're both fine. Karen was gradually recovering from her cesarean operation and the baby was doing great. Malusog. Malakas dumede. Mag wa-one month pa lang pero ang laki na niya." May pagmamalaki sa boses ni Lance. "Congratulations nga pala sa pagiging bagong tatay mo." "Thanks." Tinawag ni Lance ang pansin ng bartender at ito mismo ang nag-order ng drinks para sa kanya. Treat raw nito. Nag order rin ito ng para sa sarili. Ituring na lamang raw nilang late celebration ang gabing iyon para sa pagiging first time daddy nito. The liquor served to them as fast as quickly. May kasama pang pulutan na tig- isang platito ng salted nuts at chicarong bulaklak. Nagsimula na silang uminom. Parehong nakatanaw sa maliit na entablo kung saan may isang grupo ng bandang masayang nagpeperform. "How about you, Cliff? What's new in your life?" Anang kaibigan niya sa kanya. "Anong bago sa akin?" Napangisi siya ng mapakla. Kasing pakla ng Whiskey na iniinom nila. Naalala niya ang kinasangkutang problema. "I don't know if I consider this thing as new dahil ilang beses ng nangyari sa akin ito. Guest what it is?" "What?" "May isang babae na namang humahabol sa akin at kini-claim na nabuntis ko siya." Nanlaki ang mga mata ni Lance. "Oh, no way! Sino naman iyan? Kilala ko ba?" "I don't know. Maybe. Isa siya sa mga customers dito sa bar mo at nakilala ko siya dito mismo. Her name is Martina. Martina Hernandez." "Hmmm... Her name doesn't ring a bell. Iilan lang naman kasi sa mga costumers ko dito na memoryado ko ang mga pangalan." "She's a pathetic b***h. Sinugod niya ako sa opisina ko kanina. Binantaan ako na hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya pinanagutan. This past few days naman ay walang humpay ang kakatawag niya sa number ko. Inulan niya rin ng mga texts messages ang inbox ko and it really pissed me off." Napatitig ng mataman sa kanya si Lance. Maya-maya ay napakunot ng noo. Animo'y may isang bagay na napagtanto. "Cliff, hindi ka ba nagtataka kung bakit paulit-ulit na nangyayari sa'yo ito? Baka senyales na ito para sa'yo, pare." Napakunot siya ng noo. "Senyales?" "Senyales. Sign na kinakailangan mo ng tigilan ang pakikipaglaro sa mga babae. Aren't you tired of it? Life is not always a playground, you know. Maybe it's about time para subukan mo namang magseryoso. Kaya ka napapahamak dahil puro laro lang ang lahat sa'yo." "Ano, magseryoso? Sa mga babae? Are you kidding me?" Mapait siyang tumawa. "Minsan na akong magseryoso, dude at mas higit na delikado iyon. Hindi lamang ako basta napahamak, nawasak ako. As in wasak na wasak and it takes a long time bago ko muling naibalik sa ayos ang sarili ko. Teribleng sakit ang naranasan ko. Kaya no, there is no way na magseseryoso ako kahit kailan sa mga babae. " "Pero Cliff, hindi lahat ng babae ay katulad ni Jade." Pagkabanggit ng kaibigan sa pangalan ng dating nobya ay bigla siyang nawalan ng imik. Tila may kung anong patalim na naramdaman niyang kumudlit sa pagitan ng kanyang dibdib. Pumasok ang magandang imahe nito sa kanyang balintataw. Ang maamong mukha nito, nangungusap na mga mata at matamis na ngiti sa labi. Si Jade... Ang kaisa-isang babaeng sineryoso at minahal ni Cliff sa buong buhay niya and at the same time ay dumurog ng matindi sa puso niya nang nagawa siya nitong ipagpalit sa ibang lalaki. "May iba pa namang matitino, na hindi manloloko at worth it na mahalin," patuloy pa ni Lance. "Maaari kang makatagpo noon kung bibigyan mo lang ng chance ang sarili mo. Mas masarap at makabuluhan ang buhay kung magmamahal ka at may magmamahal sa'yo pabalik. Hindi sapat na ang libido mo lamang ang parating tumitibok. Dapat ay ang puso rin. Well, I'm just saying, okay? Don't get me wrong. I'm just telling you this dahil iyon ang sa tingin ko na makakabuti para sa'yo." Iling lamang ang sinagot ni Cliff sa pangaral ni Lance. Sunod sunod siyang lumagok. Hindi niya namalayan na naubos na pala niya ang laman ng kanyang baso. Humingi ulit siya sa bartender ng isa pa. "Bahala ka kung ayaw mong makinig," anang kaibigan niya na umiling iling at napabuntong hininga. "So paano iyan? Anong plano mo doon sa Martina?" "Wala akong plano sa kanya." "Ikaw na rin ang may sabi diba na pathetic siya. E di siguradong aaraw-arawin ka noon sa opisina mo. Susugurin ka sa kung saang lugar ka naroon at magwawala katulad ng ginawa niya kanina. At kung hindi ako nagkakamali at this moment ay nakaabang na siya sa pintuan ng condo unit mo at hinihintay ka." "E di maghintay siya. Mamumuti lang ang mga mata niya sa kahihintay dahil hindi ako uuwi doon." "Saan ka uuwi? Sa bahay ng mga magulang mo? Are you sure na hindi ka niya matunton roon? Tiyak na malaking gulo kapag nang eskandalo siya at nakaharap sila ng mommy mo." "Don't worry I know a place na hindi niya ako matutunton," aniya saka muling nilagok ang laman ng panibagong baso ng Whiskey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD