CHAPTER THREE

2195 Words
Marahang iminulat ni Lindy ang namimigat na talukap ng kanyang mga mata. Inaantok pa siya. Gusto niya pa sanang matulog ng matagal pero pinilit niya ang sariling gumising na. Ayaw niyang sikatan ng mataas na sikat ng araw bago siya bumangon mula sa kama na siyang kadalasang nangyayari sa kanya lately. Naniniwala siya na mas magandang simulan ang araw kung maaga siyang gigising lalo na at unang umaga niya sa Pilipinas. Inunat ng dalaga pataas ang mga braso at napangiti. Napakaginhawa ng pakiramdam niya. Napakahimbing ng tulog niya buong magdamag. Marahil ay dahil for the first time ay nagawa niyang matulog nang hindi umiyak. Ni isang patak ng luha ay hindi niya hinayaaang kumuwala mula sa mga mata niya. Nakakapanibago rin na hindi siya dinalaw ng mga masamang panaginip. Ito na marahil ang umpisa ng kanyang unti-unting pagmomove on. Dalangin niya sana ay magtuloy tuloy na iyon. "Ugh..." Biglang naglaho ang kanyang ngiti nang makarinig ng isang ungol. Boses ng lalaki. Kinakabahang bumaling siya sa kanyang kaliwa. Gayon na lang ang gulat niya nang tumambad sa mga mata niya ang isang top less na lalaki. Nasabi niyang top less dahil wala itong pang itaas. Hindi niya sigurado kung may salawal ito dahil natatakpan ng kumot ang ibaba nito. Paanong nangyaring may kasama siya sa kama? Pigil niya ang sariling huwag tumili. Ayaw niyang gumawa ng tunog dahil baka magising ito. Nakatagilid ng higa ang lalaki at nakaharap sa kanya kung kaya't napagmasdan niya ng maiigi ang guwapong mukha nito. Ilang sandali lang ay nagliwanag ang buong mukha niya sa matinding pagkamangha nang mapagsino kung sino ito. OMG! It was Cliff! Sa halip na isipin ni Lindy kung bakit at kung paano naligaw ang binata sa silid niya ay nanatili lamang siyang nakamasid rito. Para itong masarap na putaheng nasa harapan niya at natatakam siyang kainin. Kung ito ang almusal niya sa umaga ay siguradong mabubundat siya sa kabusugan. Likas na itong magandang lalaki noong huli niya itong nakita pero ngayon ay times three pa yata ang iginuwapo nito. Ang hot nitong tingnan habang nakapikit at magulo ang buhok. Mestizo si Cliff ngunit hindi katulad ng tipikal na mestizong maputla at mukhang may sakit. He has a warm skin tone, a light brown. Bukod sa nakakamangha ang height nito na sa tingin niya ay naglalaro sa six three inches at pataas, he also has a great body, not overly muscular but we'll built. He has a strong jaw line. His face look stern, yet peaceful. Matangos ang ilong at may kanipisan ang labi. Certainly ang kaguwapuhan nito ay iyong tipong kapag natitigan ng kahit sinong babae ay tiyak na mamumula ang mukha. Like what is happening to her right now. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Gosh! Hindi siya makapaniwalang nakatabi niya itong matulog sa iisang kama. Ngunit kung inaakala ni Lindy ay pang habang buhay na ang walang sawang pagtitig niya sa guwapong mukha at hot na katawan ni Cliff habang nasa kahimbingan ito ay nagkakamali siya. Dahil biglang nagmulat ito at hindi niya inaasahan ang pagtama ng kanilang mga mata. They both stunned for a moment na animo'y daig pa ang nakakita ng alien sa isa't-isa. Nagawa pa nilang magsukatan ng tingin. Halos sabay rin silang bumalikwas sa kama. Si Cliff ang unang bumasag ng katahimikan. "Who the hell are you?" Tanong nito sa kanya in a bedroom voice, nakakunot ang noo at tila mahuhulog ang talukap ng mga mata. Lihim na napaismid si Lindy. Hindi siya naaalala ni Cliff pero siya ay naaalala ito. Ganoon ba siya kawalang dating rito noon para makalimutan nito? "I'm Lindy. Kapatid ako ni Mariz." "Oh, really, kapatid ka ni ate Mariz?" Parang hindi makapaniwala ang tono ng boses nito kaya medyo nainsulto siya. "Okay." Tapos ay napatango tango. "So what are you doing here in my room? "Your room? Ang alam ko ay guest room ito at ito ang room na ibinigay sa akin ng mga kasambahay kahapon ng dumating ako." Nilibot nito ng tingin ang kabuan ng silid. Napa oh s**t ito nang mapagtanto ang kulay ng wall paper. Peach cream. Napangisi si Lindy. Mukhang nagkamali ng pinasukang silid ang binata. Ang alam niya ay dalawa ang guest room sa bahay na iyon at magkatabi lamang ang mga pintuan. Marahil ang kabila ang madalas nitong inuukupa sa tuwing natutulog ito roon. Pero lubos na nakapagtataka kung bakit nakikitulog ito sa bahay ng kapatid nito. Wala ba itong sariling bahay o bachelor's pad? Kung wala ay nariyan naman ang napakalaking victorian house ng mga magulang nito. Marahas na naisuklay ni Cliff ang kamay sa buhok nito. "I was so drunk last night. Nagkamali ako ng pinasukan. I should be in the next room, not here. I'm sorry," anito. Bakas ang pagkapahiya sa mukha. "It's alright." Hindi na nag-inarte pa si Lindy. Wala rin naman siyang magagawa pa. Nangyari na ang nangyari. Nakasama niya lang naman ang lalaki na natulog sa iisang kama ng buong magdamag, nothing else. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa katawan para isiping pinagsamantalahan siya nito. Suot pa rin niya ang kanyang pajama and tops. So no big deal for her. Kung hindi siguro tumira ang dalaga sa US ay malamang kanina pa siya nagsisigaw at pinaratangan ito ng kung ano-ano. "May nakakita ba sa akin habang natutulog ako rito?" Nababahalang tanong nito. "What I mean is kung may pumasok na bang kasambahay rito, si April, si Vangie–" "No. Kagigising ko lang at hindi pa nila ako kinakatok." "Good. Baka kung anong isipin nila kapag nalaman nilang dito sa kuwarto na ito ako natulog." "No worries. Wala akong pagsasabihan sa kanila. Promise." Tila nakahinga ng maluwag ang binata. "Thank you kung ganoon." Hinawi nito ang kumot na nakatabing sa ibabang katawan at tuluyan ng umalis ng kama. Tumayo. Nadismaya siya nang makitang mayroon itong pang ibabang suot. Suit pants na kulay itim. Ang inaasahan pa naman niya ay naka brief ito o di kaya ay boxer short. Sayang... Pagkakataon na sana ni Lindy na makakita sa personal ng sinasabi nilang bakat ng pamumukol ni Junjun sa umaga. Ugh! Ang pervert niya! Isa-isang pinulot ni Cliff sa sahig ang nagkalat nitong mga kasuotan na malamang ay basta na lamang nitong hinubad at itinapon sa kung saan kagabi bago sumampa sa kama. Ang long sleeve polo shirt nito, suit jacket, neck tie, medyas at sapatos. "Again, I'm really sorry," anito sa kanya bago tuluyang lumabas ng pintuan. Naiwang naiiling si Lindy. Well, not bad para sa muli nilang pagkikita ng binata. Mukhang may ipinagbago si Cliff. Hindi na ito kasing bastos katulad ng dati. Well, hindi naman kasi niya ikinokonsidera na kabastusan ang pagbalandra nito ng top less na katawan sa harapan niya. "Hi, sweety, good morning! How was your sleep?" Napangiti si Lindy sa bungad na iyon sa kanya ng Mommy niyang si Carina na kaharap niya ngayon sa screen ng kanyang cellphone. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata at bini-beybi talk siya nito. Nagpapahangin siya noon sa verandah nang tumawag ito. Katatapos lamang niyang magbreakfast. "I had a good sleep, Ma. Makapagpahinga ako ng mabuti. Don't worry hindi ako ngumawa na naman na parang bata kagabi katulad ng iniisip niyo. I'm so tired of crying. Ang laki na ng eye bags ko. Ayokong pumangit habang nandito ako sa Pilipinas." Bagama't may katagalan nang naninirahan sa LA ay sinisikap pa rin nilang mag-anak na mag-usap sila sa matatas na Tagalog. Ayaw nilang tumulad sa ilan na kapag nagtagal sa paninirahan sa western country ay magiging straight, pure ang engles at may foreign accent. "That's right, anak. I'm glad na narealise mo ang bagay na iyan. Mukha kang zombie noong nandito ka. Panay nga ang usisa sa akin ng mga kapitbahay natin kung ano ang sakit mo. Napansin kasi nilang sobrang putla mo, matamlay at palaging tila wala sa sarili. Ang sabi ko ay stress ka lang sa mga gawain mo sa grocery store kaya ganoon." Natawa ang dalaga. Bigla niyang naalala ang mga araw kung kailan wierd na pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay nila sa Quintana Hills habang naglalakad siya ng mag-isa sa side walk na parang timang dahil sa mesirableng itsura niya. Simula kasi noong magbreak sila ni William ay halos napabayaan niya na ang sarili. Naging wala siyang paki kung hindi man tumutugma ang kulay ng top shirt niya sa skirt niya o kung naayon ba ang suot na sapatos sa damit niya. Ni hindi rin niya inaabala ang sarili na mag-apply ng make up o kahit ang ayusin man lang ang buhok niya. Hinahayaan niya lamang parati ito na nakabuhaghag. Nagmukha tuloy siyang hindi naligo kahit naligo naman. "Anyway, tell me about your plan. May napili ka na bang lugar na gusto mong puntahan para makapagrelax?" "Iyon ang gagawin ko later, Ma. I will look in the internet. Parang feel kong mag beach. Gusto kong makakita ng maraming puno ng niyog at maglakad ng nakapaa sa white sands. Pero ang gusto ko sana ay iyong resort na hindi masyadong crowded. Somewhere na medyo tahimik." Umabot pa ng mahigit isang oras ang kuwentuhan nila ng Mommy niya. Hanggang sa ito na mismo ang nagpaalam dahil pupunta pa raw ito ng Big Bites upang tulungan ang ate Tanya niya sa pagsusupervise sa trabaho ng kanilang mga employees. Nagkataon kasing holiday kung kaya't dagsa ang mga costumers doon ngayon. Pagkaputol ng linya ay sinimulan na ng dalaga ang maghanap ng mga beach resorts sa google. Ang dami niyang nakita na may magagandang silid tulugan at scenic views kaya nahirapan siyang pumili. Nababahala nga lamang siya dahil baka crowded ang mga naturang lugar. Sa sobrang engrossed niya sa mga tinitingnang larawan sa cellphone ay hindi niya tuloy namalayan ang paglapit sa kanya ni Cliff. Kung hindi pa ito tumikhim sa kanyang tabi ay hindi niya mapapansin ang presensiya nito. "Oh, sorry. Hi, nandiyan ka pala," aniya nang mag-angat ng mukha rito. Awtomatikong kumislap ang kanyang mga mata nang masilayan ang porma nito. He was wearing a white shirt with a charcoal grey blazer, dark blue Chinos pants and a pair of brown leather shoes. Na ang dating ay well fitting but slightly less formal than a business casual. Namamasa pa ang buhok nito na tila kagagaling lamang mula sa shower. Amoy niya mula sa kinauupuan ang naghalong mabangong scent ng shower gel at after shave na ginamit nito. "You said your name is Lindy, right?" Anang binata. "I'm really sorry, it was so rude of me na hindi ko man lang nagawang ipakilala ang sarili ko sa'yo kanina. Ako nga pala si Cliff. Floyd's brother." Inilahad nito ang palad sa kanya. Nagkamay sila. Mabilis lamang iyon ngunit matindi ang epekto kay Lindy. Tila may umakyat na kuryente sa sistema niya nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdikit ang mga balat nila. "Yeah, I now." "Nagkita na ba tayo dati?" "Yes, ofcourse. Sa wedding." "Sa wedding... Oh, oo nga pala. Naalala ko, kumpleto kayo ng pamilya niyo noong araw ng wedding." Nakapagtataka. Naalala ni Cliff na kumpleto sila ng pamilya niya noong araw ng kasal ng mag-asawa ngunit hindi nito eksaktong sinabi na naalala siya nito. Hindi niya tuloy naiwasang madismaya. Brides maid lang kasi siya noon. Ang ate Tanya niya ang partner nito dahil ito ang tumayong maid of honor at si Cliff naman ang best man. "Nabanggit mo na kahapon ka lang dumating. Well... Welcome back to the Philippines..." Napangiti siya. "Thank you." Napasulyap sa screen ng cellphone niya ang binata. "Mukhang tutok na tutok ka diyan sa tinitingnan mo ah." "Ah, ito ba? Oo nga e. Nag-go-Google kasi ako. Naghahanap ako ng beach resort na magandang pagbakasyunan.." "Really? Maybe I can help you." "Ang gusto ko sana ay iyong beach resort na medyo malayo sa siyudad, iyong secluded para siguradong tahimik at wala masyadong mga tao. May ma-ererecomend ka ba?" "Yes, meron," Tumango ito. "Pero hindi beach resort kundi isang rest house na kaharap ay dagat, may white sands at napakapresko ng hangin. Kung hanap mo talaga ay tahimik, perfect ang lugar na iyon para sa'yo. It was in a secluded area somewhere in Tablas, Romblon na one hour ang flight from Manila. Tanging mag-asawang care taker ko lamang ang nakatira roon kaya siguradong maeenjoy mo ang katahimikan ng buong lugar." Napasinghap siya. Namilog ang mga mata. "You mean you own the place? Ang yaman mo naman." "Graduation gift sa akin ng parents ko noong college. Iyon ang ibinigay nila sa akin sa halip na bagong kotse. They thought I need it more. Well, they indeed right. Nakatulong sa akin ang lugar na iyon para sa sandali akong makalimot sa mga problema ko." May dumaang lungkot sa mga mata nito. "Makalimot sa problema? Gusto ko iyan. And I also like the fact na masosolo ko ang buong lugar dahil hindi siya isang public resort," napangiti at thrilled na aniya. "Iyon talaga ang hinahanap ko." "So enteresado ka?" "Yes, definitely." "Great. So kailan mo balak pumunta roon? Para maaga kong mamanduhan sina 'tay Dindo at 'nay Nelia na magkakaroon sila ng paparating na bisita. At para malinis rin nila ang mga kuwarto." "Nakakahiya naman kung bukas agad. Mga two days from now. Okay lang ba?" "Alright." "Thank you so much!" "You're welcome."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD