Naalimpungatan si Cliff nang marinig ang sunod sunod na tunog ng door bell. Alas nueve na ng umaga pero nasa condo unit niya pa rin siya. Hindi niya magawang pumasok sa opisina dahil masama ang pakiramdam niya. May lagnat siya. Naabutan kasi siya ng malakas na buhos ng ulan kahapon nang takbuhin niya ang kinaparadahan ng kotse niya sa harap ng coffee shop kung saan may kinatagpo siyang isang Korean investor. Ang tigas naman kasi ng ulo niya. Kung uminom lamang marahil agad siya ng gamot kinagabihan ay malamang na hindi natuloy ang lagnat niya. Sa halip na magpahinga ay nagpuyat pa kasi siya sa harap ng lap top niya. May tinapos siya na mga papers tungkol sa inihanda niyang proposal para sa board meeting nila next week. Bumangon ang binata mula sa kama. Matamlay ang mga kilos na naglakad

