"Grabe, ang init!" Naibulong ni Lindy sa hangin habang naglalakad sila papasok sa loob ng rest house. Panay ang punas niya ng kanyang pawis. "Gusto mong kumain ng ice cream?" Tanong ni Cliff. "Meron?" "Oo. Nasa fridge. Pinabili ko kanina kay nay Nelia nang mamalengke siya." "Anong flavor?" "You choose from Ube Keso to Cashew Sans Rival." "Hmm... Parang mas gusto ko iyong Ube Keso." Maya-maya pa ay magana nilang nilantakang dalawa ang isang galon ng ice cream sa pabilog na mesa sa dining, panay ang ngiti habang nagkukuwentuhan. "You live with your family in LA, right? How was your life there?" Si Cliff. "Okay, naman. Masaya. Hindi naman nakaka home sick kasi marami ring Filipino roon. Lalo na sa Quintana hills kung saan kami nakatira. Puro pinoy ang mga kapitbahay namin doon, laha

