Limang araw nang nasa rest house ni Cliff si Lindy at sobrang naenjoy ng dalaga ang bawat sandali ng kanyang pananatili roon. Araw-araw ay naglalakad siya sa dalmpasigan upang mamalas niya ang ganda ng dagat. Nasubukan niya na ring namumulot ng mga sea shells at mga iba't-ibang uri ng mga bato na balak niyang gawing souvenir. Nagpakasawa rin siya sa pag-swimming at sunbathing. Medyo nangitim na nga ng kaunti ang balat niya. Paminsan minsan kapag gusto niyang magbasa ay tumatambay siya sa verandah o di kaya ay sa duyang gawa sa lubid na nasa labas at nakatali sa dalawang puno ng mangga. Buti na lang at naalala niyang dalhin ang dalawa sa paborito niyang mga libro, mayroon siya mapaglilibangang basahin. May mga oras naman na feel niyang matulog lamang at nagkukulong sa loob ng kuwarto. Wal

