Awkwardness ang namagitan sa kanila ni Cliff habang magkasabay na kumakain ng breakfast sa dining nang umagang iyon. Halos hindi nila matingnan ang isa't-isa ng deretso sa mga mata. Kapag nahuli ng isa sa kanila na nakatitig ay kaagad na nagbababa ng tingin. Daig pa nila ang mga teenager na nagkakailangan. Lalo na ng mawala ang presensiya ni inay Nelia. Nagpaalam itong may bibilhin saglit sa talipapa. Nagbilin itong iwanan na lang nila ang pinagkainan roon at ito na ang bahalang magliligpit pag-uwi nito. Samantalang si itay Dindo ay abala naman sa ginagawa nito sa likod ng bahay. Habang sumusubo ay saka lamang nag sink in sa isipan ni Lindy ang kagagahang nagawa niya kagabi. Kasalanan niya kung bakit nagkakailangan sila ngayon ni Cliff. Siya ang nag initiate ng halik na pinagsaluhan nil

