Sumapit ang linggo. Tinupad ni Cliff ang ipinangako kay mang Nilo na pupunta sila sa kaarawan ng mga anak nito. Medyo may kalayuan ang bahay ng matanda kung kaya't umarkila pa sila ng tricycle upang may masakyan. Inaya nila sina 'tay Dindo at 'nay Nelia pero tumanggi ang mga ito. Ayaw ni 'nay Nelia dahil siguradong mapapasabak na naman raw sa inuman ang asawa. Masaya silang sinalubong ng pamilya ni Mang Nilo pagkarating nila sa bahay nito. Sa loob ng bakuran ay may dalawang mahahabang mesa na magkadikit at punong puno ng pagkain. Nakakatakam ang samu't sari mga tradisyunal na pagkaing Pilipino, katulad ng caldereta, afritada, dinuguan, nilaga, adobo, pancit bihon, lumpia at makukulay na mga kakanin. At dahil malapit sa dagat ay hindi rin mawawala ang mga seafoods. May mga naglalakihang al

