" Brylle is now discharge, you can go home na" ngumiti ako sa doktor.
" Maraming salamat po." Tumingin ako kay Brylle na nakatanggal na yung I.V. sa katawan niya at kung ano ano pang nakaturok. Pagkalabas ng doktor ay pumasok si Tiya na may malungkot na mukha.
Napansin kong may hawak siya at ibinigay niya sa akin ang papel.
" Discharge paper at hospital bills" nalula ako sa dami ng mga gamot ang mga ginamit na equipments na nakalagay dun sa hospital bills. Dalawang page siya at sa dulo ang nakita kong total ay 72,567 pesos. Nanlaki ang mata ko. Tama ang sinabi ni Zeke!
" Saan ka ngayon kukuha ng pera Nassandra, magkano na ba ang naipon mo? Kunin mo na kasi yung mga perang nasa akin." Kinalma ko ang sarili ko at tumingin kay Tiya.
" Hindi na po kailangan." Nagulat naman siya sa sinabi ko.
" Bakit? May 70,000 pesos ka na" napabuntong hininga ako.
" Kinuha ko po yung tulong ni Zeke" nabuhayan siya sa information na nalaman niya at napalapit sa akin.
" Talaga?" Tumango nalang ako at umupo sa kama ni Brylle. Hinawakan ko ang pisngi niya.
" Bakit ka pumayag?" Tanong nito.
" Kapalit ay ang sweldo ko sa pagt-trabaho as a maid sa kanila" tumingin ako kay Tiya na nanlalaki ang mata.
" Nagapply ka din ng trabaho?" Tumango nalang ulit ako. Kinuha ko ang phone ko at nagdial ng number.
" Hey Nassandra, something wrong?" Sa tingin ko ay nakangisi ito ngayon habang kausap ako.
" Ididischarge na siya" umirap ako nung tumawa si Zeke. Nagpalitan kami ng number kahapon kasi tawagan ko raw siya kapag ilalabas na si Brylle.
" Okay, I'll go there babe."
" Huwag mo nga akong tawaging---" hindi natuloy ang sinasabi ko dahil inend na niya ang tawag. Humigpit ang hawak ko sa phone.
" So iiwan mo si Brylle" saad ni tiya. Tinignan ko siya sa mata.
" Pwede ko po bang iwan siya sa inyo?" Pinagisipan ko itong mabuti kahapon at hindi ko siya pwedeng dalhin sa trabaho. Napaisip si Tiya.
" Sige, ako na bahala sa kung sino ang magbabantay sa kanya kapag wala ako." Lumapit ako kay tiya at yumakap.
" Thank you po at sorry dahil ang maldita ko." Tumawa naman siya.
" Haha. Okay lang, sanay na ako sa iyo." Sabay kaming tumawa at nagayos na nang gamit.
-----------------
Paguwi ko mamaya ay kailangan ko nang mag-ayos ng gamit dahil bukas ang start ng trabaho ko.
" Goodmorning!" Napatingin ako sa kay Mr. So Yabang na kasama si William. Napatayo si Tiya at lumapit kay Zeke.
" Naku Sir, goodmorning din. Maraming salamat po talaga" hinawakan ni Tiya ang kamay nito at hinawakan naman ni Zeke si Tiya pabalik.
" You're welcome po. Mahirap makita ang batang katulad ni Brylle na nahihirapan so I had to take actions." Umirap ako sa sinabi niya. Tumingin sa akin si Brylle nagtataka kung sino siya.
Lumapit sa akin si Zeke nang nakangiti.
" Brylle, he is your Tito Zeke. He helped you get better." Gumilid ang ulo ni Brylle na parang inuusisa si Zeke tsaka biglang tumalon sa likod niya. Hinawakan naman agad ni Zeke ang bata para hindi mahulog.
" Brylle!" Napasigaw ako sa gulat. Kakakaroon niya lang ng sakit tapos tatalon na siya nang ganon. The kid sure has a lot of energy.
" Thank you po!" Cute na sabi nito at sinabunutan ang ulo ni Zeke.
" Wow, strong grip. By the way, you're welcome petit garçon" napairap ako ng magfrench ito. Tumawa si Zeke at tinuloy ang pagsabunot kay Zeke. Sige baby, tuloy mo lang iyan.
" Where is the discharge papers?" Binigay ko kay Zeke yung papel at nung nakita niya yung total ay kumindat siya sa akin. Argghhh.
" Nassandra, samahan mo ako." Tinignan ko si Tiya at tumango siya. Tumayo ako at sabay kaming lumabas ni Zeke papunta sa cashier nung ospital.
" I will fetch you in your house later" napatingin ako kay Zeke.
" Ha?" Tanong ko dito. Wait, parang may alam na ako kung anong isasagot niya ah.
" You don't know english? Susunduin kita----"
" I know how to speak english idiot." Tumawa siya.
" Ako ang magdadala sayo sa bahay ni Kei." Napakunot ang noo ko. Sino naman si Kei?
" Bahala ka sa buhay mo" masungit kong sabi. Atleast libre na yung pamasahe ko.
Nang makita ng cashier si Zeke ay nagulat ito at nanigas ang katawan.
" Is there a problem?" Nakangising tanong nito. Parang nakakita ng multo yung nasa cashier ah.
" N-no sir" tumango siya sa akin.
" Her child's bills will be already paid" saad nito at nagulat ako. Pinagfill up ako ng form at yun lang.
" Teka, wala ka bang ibibigay na pera? Or cheke man lang" tumawa lang siya.
" The money of this hospital goes to me so no need for that." Inirapan ko nalang siya at umiling. Ang yabang talaga.
Bumalik kami sa room at nakitang nakikipaglaro sina Tiya at William kay Brylle.
Lumapit ako sa bata at binuhat tsaka inikot.
" Ahahahha. Mama!" Yinakap ko siya.
" We are going home Brylle" tumawa yung bata.
" Yey!"
Ang cute talaga!
-----------------
Nasa kwarto ako kung saan kami natutulog ni Brylle at nagaayos ako ng mga damit at gamit na dadalhin.
" Mama! Let's play!" Ngumiti ako kay Brylle nang umupo siya sa lap ko. Hinwakan ko ang pisngi niya. Kaunti nalang ay susunduin na ako ni Zeke.
" Hey Brylle?" Ngumiti siya sa akin at binitawan yung hawak niyang laruan.
" Yes?" Hinawakan ko ang ilong niya.
" Baby, look. I'm not going to be by your side for many days. Kailangan kong magtrabaho." Sumimangot siya.
" I know" ngumiti ako nang mapait.
" And I need you to behave okay? Bibisitahin naman kita. Please don't be your lola's cause of headache." Nakayuko parin yung ulo niya. Inangat ko naman ito.
" Brylle" Nalungkot ako nang makakita ako ng luha sa mata niya.
" Do you really have to leave? I'm going to be alone again" huminga ako nang malalim. Napakatalino ng batang ito.
" You are not alone Brylle. I will be back." Pinunasan ko yung basa niyang pisngi.
" I'll always be in your heart right?" Napangiti ito at masiglang tumango.
" Always!" Niyakap niya ako.
" Promise bibisita ako." Hinawakan niya naman yung pisngi ko.
" I know, mama. You are doing this for me." Lumuha ako at hinalikan siya sa pisngi.
" Goodafternoon Ms. Anne" narinig ko ang boses ni Zeke sa labas ng kwarto. Tinaasan ko ng kilay si Brylle, hinalikan niya din ako sa pisngi tsaka tumakbo papunta kay Zeke.
" Tito Zekeeeee!" Natawa ako nung makarinig ako nung pagkahulog ng isang lalaki dahil sa pagdamba ni Brylle dito. Kinuha ko na ang bag ko tsaka lumabas ng kwarto. Nang makita niya ako ay tumayo siya nang maayos at ngumisi.
" Let's go Nassandra. Kei's house is a little bit far." Inirapan ko siya bago tumango. Lumapit ako kay Tiya. Hinawakan naman niyayung dalawang kamay ko.
" Ikaw na po bahala kay Brylle." Tumango ito at nagpaalam. Nagpaalam na din ako kay Brylle na mukhang gusto pang sumama sa akin.
Lumapit si Zeke sa isang sports car at nakakaagaw talaga ito ng atensyon. Lahat yata ng nasa street namin nakyusisa sa kotse ni Zeke.
" Do you like my ride?" Hindi parin nawawala yung ngisi niya at gustong gusto kong tanggalin iyon.
" No, masyadong nakakaagaw ng pansin." Tumawa lang siya at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay naman ako sa napakababang sports car.
Inistart niya ang kotse at mabilis na pinatakbo. Napahawak naman ako sa may pinto nung sasakyan.
" You know that there is a speed limit right?" sabi ko dito at ang ginawa niya ay tinawanan lang ako habang mas binilisan pa ang takbo nung sasakyan.
" Shet." tinitignan kong mabuti yung dinadaanan namin baka naman kasi may masagasaan siya. Inirapan ko lang siya nung patuloy parin siyang tumatawa.
-------
Nang makalayo na kami sa bahay at literal na nasa lugar na may maraming puno, binagalan na niya yubg takbo.
" Ohmyghash, Hu!" ngumisi si Zeke. Tinanggal ko naman yung pagakakahawak ko sa pinto.
" Do you want to do it again?" napahawak ulit ako at pinanlisikan siya ng mata.
" Don't you dare! Muntik ka na kayang makasagasa!" tumawa na naman siya.
" Hindi ko yun hahayaan. I'm a great race car driver." ikunumpas ko ang kamay ko na parang sinasabi na binabalewala ko siya.
Natahimik ang paligid at napansin kong madilim na. Maya maya ay nagsalita si Zeke.
" Hey" tumingin ako sa kanya at tinaasan ng kilay.
" So there are few rules in his house." Inirapan ko siya.
"Oh yeah?" bakit feeling ko nasa gubat kami?
" So first, if you find or see anything suspicious, don't call the police." napatingin ako sa kanya at ngumisi.
" Bakit? May makikita ba akong p*****n doon?" biro ko. Nawala ang ngiti ko nang sumeryoso ang mukha niya. So may kung anong kababalaghan nga sa pagtatrabahuhan ko???
" I'm serious Nass. Tsaka huwag kang makikipagusap sa akin nang ganito kapag nandoon ako. You will be just a maid. Bawal kang maikialam. You will not interfere any businesses of ours and you'll just follow orders." Sarkastiko akong tumingin sa kanya. So ano ako? Magiging alipin? Para sa 35,000 pesos. Okay. Sige. Para naman kay Brylle. Umirap ako.
" Yes Sir" pinanlisikan niya ako ng mata.
" I'm really serious" nagthumbs up nalang ako at nanahimik.
" Are you kidding me?!" inis na sabi nito. Tumingin naman ako sa kanya.
" Narinig ko ang lahat ng sinabi mo Zeke at gagawin ko iyon kapag nandoon na tayo. Hindi naman ako shunga. Maid nga lang diba? Tsaka wala akong pake sa kung ano mang ginagawa niyo. Trabaho lang ang habol ko sa inyo" natigilan siya saglit pero tinakpan niya ito at ngumisi.
" You have no respect for me, maid." Inirapan ko ulit siya.
" Wala pa tayo sa bahay, tigilan mo ako." tumawa ulit siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Sa dulo ng kalsada ng mga puno ay makakakita ka ng clearing.
Pagkatapos ay makakahagilap ka ng mataas na gate na sa loob ay malaking bakuran at mansyon.
Napakalaki ng property na ito!