" Ahihihihihi" napatingin ako kay Brylle na bumubungisngis kasama si William. Bumisita siya dito sa ospital kahit na wala pa si Tiya. At sakto dahil may hihilingin ako sa kanya.
" Kay cute mo namang bata" sabi nito at pinisil ang pisngi ni Brylle.
" Lolo William!" Masiglang sabi nung bata na nakaupo na sa ngayon.
Nakaka-anim na araw nang nakaconcfine dito sa ospital si Brylle at sabi ng doktor, patuloy nang tumataas ang platelets niya. Baka raw mamaya ay pwede na siyang umalis.
Nagyakap ang dalawa at pinanood ko lang sila habang nagaayos ng mga damit namin. Sana nga lang makaalis na siya dito sa ospital mamaya.
Siguro ay mayroon na akong mga 10, 000 na naiipon mula sa mgapart time jobs na pinapasukan ko. Sa tuwing nandito si Tiya ay doon ako nag papart time. Madami dami na din akong napapasukan at hinihiling ko na may mahanap na talaga akong trabaho.
Yung binibigay naman ng mga bisita na tulong na pera ay hindi ko tinatanggap at ibinibigay nalang kay Tiya. Alam kong kakaunti nalang ang kanyang pera dahil pumasok kami sa buhay niya. Pasasalamat ko na rin iyon.
Umupo ako sa may sofa ng private room. Hindi parin nawawala sa isip ko ang pagpaalipat ni Zeke kay Brylle sa isang kwartong kay mahal mahal.
Pinilit ko pa nga ang mga doktor at nurse na ibalik siya sa ward pero ang sabi nila ay hindi raw pupwede. Pinagutos raw nung Zeke na huwag ilipat kahit anong mangyari.
Sino ba siya sa akala niya para utos utusan yung mga staff dito? Siya ba may ari ng ospital na ito!
" Nassandra, ayos ka lang?" Napatingin ako kay William at nakitang nagaalala siya.
" Oo naman po, bakit?" Tanong ko. Nakatingin din sa akin si Brylle.
" Ang higpit kasi nung hawak mo sa damit ni Brylle, baka mapunit." Napatingin ako sa kamay ko at lumuwag ang pagkakahawak sa damit. Lukot na nga kanina, nalukot ko pa.
*internal face palm*
" Ahh hehe. Napaisip lang po ako sa lahat ng mga nangyayari lalo na yung ginawa ni Mr. So Yabang na iyon." Binulong ko lang yung huling parte dahil ayaw kong marinig ni William yung sinabi ko.
" Haha. Nasabi ni Anne na ayaw mong tanggapin yung alok ni Sir Zeke." Binitawan niya si Brylle at umupo sa tabi ko.
" Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong tanggapin. Pero once in a lifetime opportunity lang ito Nassandra." Sabi niya at napayuko nalang ako.
" Sapat na po yung binigay niyang dugo." Walang ekspresyon kong sabi. Baka mamaya gamitin pa nung lalaking iyon yung utang ng loob ko as his advantage. Ayoko nun ah.
Napaisip ako dahil mayroon akong gustong sabihin kay William.
" Okay lang ba na William lang po ang itawag ko sa inyo?" Tumawa siya at tumango.
" Mas ayos nga sa akin na ganoon lang ang tawag eh." Ngumiti ako.
" William, pwede bang humingi ng favor?" Napataas ang kilay niya.
" Ano iyon?" Huminga ako ng malalim... here goes nothing.
" Pwede po bang papuntahin niyo dito si Zeke?" Nagtaka naman siya.
" Bakit? Busy siyang tao at bihira lang magkaroon ng free time." Napanguso ako.
" May kailangan po kasi akong sabihin" madiin ang bawat salita ko at inoorganize ko na sa utak ko yung mga ibabato ko sa kanyang salita kapag nagkita kami.
Tinignan niya ako. Alam kong puno ng mga katanungan yung isip niya pero pinili niyang huwag iyon sabihin nang malakas.
" Sige, Nassandra. Itatanong ko muna sa kanya at hindi ako nakakasigurado na papayag siya." Tumango ako sa sinabi niya at lumapit kay Brylle. Nagugutom daw siya eh.
------------------
" William said you want to talk to me?" Casual na sabi ng isang lalaking bagong dating at nakasuot pa ng tuxedo. Kumuyom ang palad ko.
Tumingin ako kay William na kasabay lang ni Zeke na pumunta dito. Hinatid niya kasi yung amo niya papunta dito sa ospital.
" Pwede po bang kayo na muna ang magbantay kay Brylle?" Paalam ko dito. Ngumiti siya at tumango.
Mabilis kong hinawakan ang braso ni Zeke at mabilis na lumabas ng kwarto ni Brylle. Dinala ko siya sa pinagiyakan kong fire exit.
" Ow, feisty. I like it" nakangisi nitong sinabi. Binitawan ko siya at iniharap sa akin.
" Bakit mo naman pinalipat ng kwarto si Brylle!? At sa isang napakamahal na private room pa talaga? Sa tingin mo ba napakayaman ko katulad mo para mabayaran lahat nung gastusin niya sa ospital? Oo, gusto ko ang mas komportable kwarto para sa kanya pero sa private room talaga!" Sigaw ko dito. Mukhang na-amuse naman si Zeke sa mga sinabi ko.
" Woah, babe, chill!" Kumunot ang noo ko.
" Tigilan mo nga ako sa english english mo na iyan. Tsaka anong babe? Close ba tayo?" Inis kong saad. Tumawa lang siya at gustong gusto ko na talaga siyang sapakin. Pinanlisikan ko siya ng mata.
" Bakit ka tumatawa? Sa tingin mo nakakatuwa? At tsaka sino ka para utos utusan yung mga nasa ospital, ikaw ba may ari nito?!" Mas lumakas ang tawa niya at pinigilan ko na talaga ang sarili.
" Hahahahahha, I'm sorry. But yeah." Kumunot ulit ang noo ko.
" Anong yeah?"
" I'm the owner of this hospital" natigilan ako sa sinabi niya. Is he serious?
" Oh I love that look on your face." Hindi ko na napigilan at sinampal siya. Nagecho yung tunog nung ginawa ko sa buong fire exit. Napahawak naman siya sa pisngi niya at dumilim ang paningin.
Tumingin siya sa akin na parang may gagawin siyang masama at nakangisi pa siya. Shems.
Nanlaki ang mata ko nang mabilis niya akong isinandal sa pader at sumakit talaga ang likod ko.
" Oh I'm sorry kung nasaktan kita. I love that expression by the way, I wonder what'll you look like if you experience more pain?" Napasinghap ako at sasampalin sana siya nang isa pa. Pero nahuli niya ang kamay ko at mabilis akong itinalikod.
Iginilid ko ang pisngi ko para hindi matamaan ng pader ang mukha ko.
" I do like it when girls hurt me... in a pleasurable way. But not when one wants to slap me twice."
Inikot niya ang kamay ko at napatikom ako ng bibig. He wants to hear me cry because of pain and I will not give what he want.
Gusto ko mang gamitin ang self defense skill ko ay hindi ko kaya.
" Stubborn are we? " tinignan ko siya nang masama.
" Let go of me!" Ngumisi siya nang malapad at lumapit sa tenga ko.
" Only if you promise to behave" nagiba ang boses niya kaysa kanina at wala akong nagawa kung hindi ang tumago.
Binitawan niya ako at agad akong lumayo sa kanya. Ngumisi lang siya.
" Now, what do you want?"
" I will pay for Brylle's bills" sabi ko dito at natawa lang ulit siya. Tinaasan ko siya ng kilay.
" Babe, do you know how much is his hospital bills?" kahit na tinawag niya akong 'babe' ay mas nangibabaw parin ang kaba ko sa sasabihin niya.
" M-magkano?" Tanong ko.
" 70, 000 pesos." Namuti yung mukha ko sa sinabi niya. 10,000 sa isang linggo ang naipon ko at halos 50 mahigit ang naging part time job ko noon. Tapos 70, 000 lahat lahat nung babayaran kay Brylle???
" Is that accurate?"
" Hmm, siguro sobra sa 70,000." Kumunot ang noo ko.
" Paano mo naman nalaman kung magkano yung babayaran para kay Brylle?" Panghahamon ko dito. Baka kasi nagsisinungaling lang siya.
" Nassandra, I own the hospital and I am keeping an eye on your child." Kinuyom ko ang palad ko. Kaya ko pa sigurong makalikom ng mga 40,000 pero kulang parin iyon ng 20,000.
" Just take my offer and It'll be settled. If you don't accept, you will pay for all the bills. Alam kong maghihirap kayo Nassandra." Sabi nito at ipinasok ang kamay sa bulsa nung slocks niya.
" No." Sa tingin ko ay nainis na siya dahil nagbago ang expression niya.
" Just take my damn offer----"
" No, ayokong magkaroon ng utang nang loob sa kahit sino." Pumikit ako dahil naalala ko na naman ang nangyari sa akin bago ko pa makilala si Brylle.
" Come on, lower your pride Nassandra---"
" My family died because of their debt. Just because of a freaking debt." Walang emosyon kong sabi. I dom't really want a trip down to memory lane right now.
Natigilan siya at napatitig sa akin. His expression softened and hindi ako nagpaapekto. Hindi ko kailangan ng awa.
" Okay fine, hmm" napahawak siya sa panga niya at nagisip. Umirap nalang ako.
" What's there to think. I will not accept your money." Saad ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.
" William told me na walang kang trabaho." Tumaas ang kilay ko.
" Wala ka nang pake doon." Nginisihan niya ako.
" Ayaw mo ng utang ng loob diba? Work for us." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What did he just say?
" Mataas ang pinapasweldo namin sa mga empleyado and his house needs a maid. Because you don't like debts, hindi ka papaswelduhin nang dalawang buwan." Napatingin ako sa kanya. Sino yung 'his'? Tsaka bakit parang gusto kong iconsider na tanggapin yung inaalok niyang trabaho?
" How much?" Naguluhan siya sa tanong ko pero nasagot niya rin.
" Ow, yung sweldo? Haha. I guess 35,000 every month?" Shems. Sakto yun dun sa bills ni Brylle and damn, that's a really good offer.
" Sa bahay lang ako magt-trabaho?"
" Well you are staying on Andrew's house. Unless you want to stay in mine. Madami tayong pwedeng gawin." Tinignan ko siya nang masama. Sino si Andrew? Kung sa normal circumstances ito, hindi ko taanggapin yung offer niya kahit na napakataas ng sweldo. Pero dahil na ospital si Brylle, I'm thinking of accepting it. Pinanlisikan ko siya ng mata, hinihiling na hindi ko pagsisihan yung desisyon ko.
" Fine, I'll apply for a maid." Umirap ako kasi mukhang nabuhaya siya.
" Well, you're already hired. We've been finding for months. Marunong ka namang maglinis at magluto diba?"
" Anong klaseng tanong iyan?" Sabi ko dito. Natawa siya.
" Well my sister aren't." Tumaas ang kilay ko at binuksan ni Zeke yung pinto ng fire exit.
" You'll start on the day after tomorrow. Ladies first." Nilahad niya ang kamay niya sa pintuan at dumaan nalang ako doon. Buti naman at sa isang araw pa ako magsisimula.